It was the most painful and hardest first few months of my life without him. Although nag-uusap kami malimit through video calls, voice calls or text messages pero iba pa rin siyempre ang personal. Madalas na kami nag-aaway ngayon, amplified na from before kasi nga siguro magkalayo kami. Pero, we stayed strong. Sa kanya talaga ako kumukuha ng lakas kasi kung ako lang hindi ko makakaya.
I busied myself with my master's degree and my work as senior microbiologist in a good company. We had fewer time now to chat because of my busy load. Nadagdag pa kasi dahil nagthethesis na ako. He would call me and sometimes I would cut the line because I was in the middle of work, school or thesis. Pero bumabawi ako tuwing Sunday and he was also free on Sunday but then he started attending this church so our Sunday time became limited. I didn't complain. I was happy we were busy with our lives. Than to wallow with loneliness, I chose to be busy.
Sabado noon. Tapos na ang klase ko kaya thesis naman ang aasikasuhin ko. I planned to go the university hospital to check on the agar that I purchased for my bacterial culture. Nagpasama ako sa kaibigan kong si Mae, na nag-iisang tumuloy sa medisina sa amin magbabakarda. Nasa hospital siya kasi dahil dito siya nag-aaral at malimit ko siyang kasabay maglunch tuwing Sabado dahil magkalapit lang ang university at university hospital. I was waiting in front of the ER where she told me to meet her. Nagtagal pa ako ng ilang minuto doon pero hindi dumating si Mae. At hindi ko naman inaasahan kung sino ang lumabas mula sa front door ng ER. Si Archie.
Si Archie ang ultimate crush ko noon pre-med years na huling nanligaw sa akin bago ko sinagot si Carl at ngayon nga ay nagdodoktor din.
"Hi Audrey." Malaki ang ngiti ni Archie ng makita ako na tila hindi nagulat na nandito ako.
"Hi Archie." Bati ko pabalik at ngumiti rin.
"Sinabi ni Mae na darating ka." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Bakit naman sinabi ni Mae na darating ako kay Archie? "Hindi siya makakalabas. Nag-iba iyon oras ng klase niya." Napabuntong hininga ako sa sinabi nito dahil hindi man lang ako nito inabisuhan.
"Ah ganoon ba." Dismaya ko. "Sige salamat."
"Ako walang klase. Pwede kitang samahan." Napatitig naman ako kay Archie dahil sa presinta niya. Hindi naman kami ganoon kaclose nito dati noon pre-med although crush na crush ko siya noon. Naging mas malapit lang kami ng kaunti ng manligaw siya sa akin na hindi na nga natuloy dahil abala raw siya sa pagmemedisina niya.
"Sige na. Para may kasama ka." Ngumiti pa ito ng malaki sa akin. Nawala ang mata nito dahil singkit ito at pinakita pa nito ang mapuputi niyang ngipin. May naalala naman ako dati. Hindi ko type ang chinito noon pero nagbago dahil sa kanya. Naggwapuhan ako sa kanya, nabaitan at napahanga niya ako sa pagiging matalino niya kaya naging crush ko siya. Hindi ko naman sinasabing hindi na siya ganoon ngayon. Pero basta, wala na nga siyang ganoon epekto sa akin ngayon. Kahit na bagay na bagay pa sa kanya ang puting damit at pantalon niya ngayon at lalo siyang gumawapo.
Nakuha ko na ang unang batch ng agar na nabili ko at nagpresinta si Archie na dalhin iyon. Hindi naman ako tumanggi. Magpapaalam na sana ako sa kanya ng inaya pa niya akong mananghalian. Hindi na rin ako nakatanggi dahil sinamahan niya ako at pinagbuhat ko pa siya.
Dumating na ang inorder naming ilang sandali lang. Nagselfie pa kami kasama ang pagkain gamit ang phone niya bago kumain dahil maganda iyon pagkaka-ayos ng pagkain. Dati tanda ko noon nagdadate kami ay hindi ako ganoon makakilos tuwing kakain kami. Napakaself conscious ko noon pero ibang-iba na ngayon. Gutom talaga ako at hindi ko siya iniimik habang kumakain at palagay ko ay ganoon rin siya.
"Kamusta ka na?" Mauubos ko na ang pagkain ko ng magsalita siya. Napatigil ako sa pagkain at uminom. Tumingin ako sa pagkain niya na hindi pa nangangalahati ngayon.
BINABASA MO ANG
When Love Is Waiting
Short StoryCarl and Audrey's snippets. If you haven't read 'Why do we always fall in love with our bestfriend?' and 'In bacterial relationship' please read those two short stories first before this.