ESTUDYANTENG PALABAN
Nakakapagod ang maging isang estudyante
Lalung lalo na't ang ating mga gawain ay napakarami
Pagsusulit dito, takdang aralin doon,
Exam dito, case study at research doon.
Marami ka ngang pagsubok na pagdadaanan
Pero katumbas nito ay walang hanggang kasiyahan
Sa piling ng iyong barkada at nabuong pagkakaibigan
Ni kahit anong yaman ay hindi ito matutumbasan.
Apat o limang taon sa kolehiyo
Dapat magkaroon tayo ng determinasyon at maging positibo
Huwag aksayahin ang panahon, mag-aral ng mabuti
At sa huli ay makakamtan din natin ang ating minimithi.
Nakakapagod nga pero masarap sa pakiramdam
Na sa araw-araw ay may mga bago tayong natututunan
'Di ba't para rin ito sa ating kinabukasan
Kaya naman mabuhay tayong mga estudyanteng palaban!
YOU ARE READING
White and Blues (Poems for the Heart and Soul)
PoetryPhilippians 4:8 "Finally, brothers and sisters, whatever is true, whatever is noble, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is admirable-if anything is excellent or praiseworthy-think about such things."