A/N: Hello, Orange :)
***
Dear Ex-crush
Naaalala mo pa ba ako, ex-crush ko?
Magkaklase tayo noon sa summer class
Paminsan-minsan ay dumadalaw ka pa rin sa panaginip ko
Kahit na pitong taon na ang nakakalipas.
Magkahawig kayo ng ini-idolo kong si Kean Cipriano
Pinataas lang ng kaunti at tinanggalan ng maraming tattoo
Isa ka sa mga lalaking nakaka-agaw ng tingin
Samantalang ako'y nasa isang sulok, hindi kapansin-pansin.
Sa'yo lang ako nahumaling nang todo sa kolehiyo
Kahit na sabihin pa nating magkaiba tayo noon ng kurso
Tuwang-tuwa ako nang mabalitaang naging Engineer ka na
Nagdaan ang mga buwan at taon, hindi na kita nakita pa.
Nasaktan ako minsan nang dinalaw kita sa instagram at fb
May isang magandang babae na nakangiti sa 'yong tabi
Bagay na bagay kayong tingnan, si matipuno at marikit
Sabi ko walang ng pag-asa, ano ba 'yan nakaka-inggit!
Pero heto ako ngayon, kahit litrato mo lang ay sobra akong kinikilig
Akala ko expired na, 'yon pala ay extended
Hindi ko alam na ang "ex" ay may ibang kahulugan pa pala
Kasi hanggang ngayon yata, aaminin ko, crush pa rin kita.
YOU ARE READING
White and Blues (Poems for the Heart and Soul)
PoetryPhilippians 4:8 "Finally, brothers and sisters, whatever is true, whatever is noble, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is admirable-if anything is excellent or praiseworthy-think about such things."