Arylle's Pov:
Lahat ng tao ay nagmamahal, kaya nilang maghintay para sa minamahal nila gaano man ito katagal ay titiisin nila..
Life is full of sacrifices
Love is also full of mysteries
Hindi ko na alam ang gagawin ko,
Gulong-gulo na ako,
Hihintayin ko pa kaya siya o magmamahal na ako ng iba?Hay buhay nga naman...
Hi guys ako nga po pala si Arylle Kaye Alcantara. 4th year student na ng Villanueva Academy.
Hindi kami mayaman, di rin naman mahirap, katamtaman lang.
Dalawa lang kami ng kapatid ko.Kaya madalas kaming ipinaghahambing, kesyo raw siya ang pinakamaganda, mahinhin, magalang at mabait pa. Yeah yeah yeah,
😒😒ako na ang opposite niya tsk who cares..
I dont really care about, yun yung pinapaniwalaan nila eh.Ako kasi sa bahay palagi na lang ako pinapagalitan nila tita wala namang dahilan,tapos kampi pa sila sa kapatid ko kapag nagaaway kami.
Si mama kasi nasa abroad nagtatrabaho, yung papa ko naman nandoon sa lola ko (mama niya) kaya iba ang nagbabantay saamin.
Minsan pa ay sinasaktan nila ako kaya ang ginagawa ko ay umaalis ako ng bahay.
Ang palagi kong pinupuntahan ay c bes.
Hindi siya babae lalaki siya, at siya ang pinagkakatiwalaan ko.Siya ay si Carl Drew Gonzales ang matalik kung kaibigan, ang crush ko, inspiration ko (sempre pati mama ko inspiration ko rin), mahal ko at higit sa lahat ang buhay ko.
Nakilala ko siya sa isang computer shop na sila pala ang may-ari. Likas na maingay ako at friendly kaya tinanong ko kung anong pangalan niya eh di man lang ako pinansin.
Kaya yung kasama niya na lang na si kuya Mark ang tinanong ko. Shy type kasi siya.
Mas matanda pala ako sa kanya ng 7 buwan hahaha, kaya 2nd year ako at 1st year naman siya nung nakilala ko siya.
Advance ako pumasok ng school eh, kahit na minsan bad girl ako ay nagaaral rin naman ako para sa kinabukasan ko noh at para rin makatulong sa family ko.
So yun, lagi na akong pumupunta dun at nakikikulitan sa kanya at nagki kwentuhan, at iba pa na kung anong maisip na gawin.
Kapag uwian na hinihintay ko siya sa favorite place namin ang Park. Iba naman kasi ang school nila saakin pati ang time ko pagumuwi kaya palagi akong nauuna sa kanya sa park.
Minsan pa nga eh napagkamalan pa kaming magcouple, pero di na lamang naming pinansin.
Kasi sa tingin ko d naman mangyayari eh, pero bakit ganoon nalulungkot ako kapag di ko siya nakikita.
Minsan tatawagin ko siyang bakla at sasagot rin siya ng "halikan kita jan eh, para mapatunayan kong hindi ako bakla!". Pagkatapos hahabulin niya na ako at pagdating namin sa park nakakalimutan na namin yun.
Sa tagal ng panahon na nagkasama kami ay narealize ko na mahal ko na pala siya. Kaya umiwas muna ako sa kanya. Di ko alam kasi ang gagawin ko. Naiilang na rin ako sa kanya.
Tuwing kasama ko sya di na rin tulad ng dati na maingay at nagkukulitan kami. Parang wala na nga rin siyang gana na makasama ako.
Pero sa kabila ng yun hinahanap ko parin ang presensya niya , yung tawa nya, yung kulitan namin, at higit sa lahat ang mukha niya na di maalis sa utak ko. I MISS HIM SO MUCH.
YOU ARE READING
Be With You
عاطفية"Mamahalin mo pa siya kung may mahal na siyang iba?" tanong nasa isip ni Arylle na mahal na mahal talaga ang kanyang bestfriend na si Drew. Ano ba kaya ang mangyayari sa kanila . Will they be awkwardness o still be nothing change in their lives. Bas...