"Anna, tinatawag kana ni Bossing " tawag ni MikMik sa akin mula sa labas ng kwarto.
Yes, dito na talaga ako nagtatrabaho sa bahay ni Jonas bilang isang personal cook at personal tutor ng Filipino language. Kaya di na ko magtataka kung makakapagsalita na sya ng tagalog. Actually may alam naman na sya. Pinagpilitan ko rin dito na lang dahil gusto kong pinaghihirapan ko ang lahat. Ako lang ang pwedeng magluto ng kakainin nya mula umaga hanggang gabi. Minsan nagpapahatid na lang sya ng lunch sa office.
"ANNA!!!! "
"Aish. Oo sandali!! " balik na sigaw ko. Nag aayos ako ngayon dahil isasama kami ni Jonas sa isang Family Gathering nila sa isang Private Island daw.
Kinuha ko na yung bagpack na pinahiram sa akin ni MikMik at lumabas.
O.O hala sya!!
Tinignan ko si MikMik mula ulo hanggang paa.
"Anong suot yan?! " .--
"Hindi mo ba alam to?? " umikot pa sya kaya lumipad ang paldang suot nya, nakita ko tuloy yung bulaklakin nyang panty.
"Shocks. Kailangan tube dress ang suot? paalala magtatrabaho tayo hindi magpaparty ha. "
"Tch. Mas okay naman to kesa sa leggins na suot mo tapos tshirt?? Wow. Sana sinabi mo man lang sa akin para napahiram kita. Tsaka mas okay na 'to . Hihihi. " nagpacute pa.
"Alam ko iniisip mo. Wag mo na planuhin gawin. Kaloka. Tara na. "
Hinila ko na sya pababa.
Naabutan namin si Jonas sa garahe na nilalagay sa compartment ang laggage nya. Seryoso?? Three days lang kami tapos ang laki ng maleta?
"Oh. Are you done?? " tanong nito sa amin.
"Yes ser" MikMik
"Obvious ba? " sabi ko.
"Haha. Lets go. " bago sya pumasok ay tinap nya pa ang ulo ko. Aish. Mukha ba akong aso?! Kabadtrip.
"Mik, open the gate. " sabi nito habang nakadungaw yung ulo sa bintana.
"Ako na lang mik. Pumasok ka na sa loob. Haha. Di bagay sa suot mo eh. Nakakahiya naman sayo. "
"Thanks. " maarteng sabi nito at nagflip hair pa.
Napailing na lang ako.
Agad ko din binuksan ang gate. Habang tinutulak ito ay may nakaagaw ng pansin ko.
Si Katrina at L2 they're kissing. Ganyan lang. Kailangan kong masaktan para makalimutan ka.
Halos isang linggo na ang lumipas simula nang maka-usap ko sya at hindi pa iyon maayos.
Narinig kong may bumusina mula sa gilid ko. Napansin kong sarado na yung gate at kalalabas lang na si Jonas.
"Come on , Anna " sabi nito at hinila ako papunta sa front seat. Pagpasok ko ay hindi na ulit ako lumingon pa.
Nakarating kami sa kumpanya nila.
May tatlong bodyguards ang sumalubong sa amin at kinuha ang mga dala."Sir, your chopper are already here. " sabi nung isa.
Tinanguan lang ni Jonas ang bodyguard na yun.
"Lets go. "
Hinawakan nya ang wrist ko at hinila na palakad. Tinignan ko si MikMik na nag aalburuto . Tinuturo nito ang sarili n .nagpapahiwatig na dapat sya na lang nasa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
MY SECRET AGENT
RomanceIsang babae na naninirahan lamang sa isang lugar na puno ng mga kalat, mabaho,magulo at maraming tambay. (In short squatter area) pero nang makilala nya ang isang lalaki na puno ng lihim? Ano ang kanyang matutuklasan ?? Ano ang katotohanan?? O An...