THIRD STAR

2.3K 56 3
                                    

Third Star

-Valerie-

Hindi ako nakatulog. Nag-aalarm na ang cellphone ko pero hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ako sa kisame. Iyon lang ang nagawa ko buong magdamag.

Kung kasama ko siguro si Reina ay sasabihin niya na matutunaw na iyong tinititigan ko, ganoon kasi ang lagi niyang sinasabi noon sa tuwing napapasulyap ako kay Charles.

I thought she was just fooling around me, pinagtitripan niya lang ako. But then I realized na hindi lang pala 'wala lang' iyong mga tingin ko kay Charles noon lalo na kapag may kasama siyang ibang babae.

Even way back then, I looked at him differently.

I suddenly remembered... ganito rin ang nangyari sa akin noong nabalitaan kong umalis si Charles at tumungo sa America. Gusto kong sumunod. Gusto kong makita siya at ituloy kung anuman ang pinag-uusapan namin noong araw bago ang graduation.

Pero hindi ko alam kung paano magsisimula, kung paano ko siya haharapin.

I didn't know how. I had so many doubts. Tinalikuran niya ako noon. Iniwan niya ako sa gazebo at hindi man lang binigyan ng pagkakataon na magsalita. Paano kung magpakita ako sa kanya pero talikuran niya akong muli? It seemed like whatever I wanted to say would never be able to reach him.

Lalo na ngayon. He's engaged. During those three years, he's probably with her. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na magkakilala sila? O ako lang talaga ang walang alam?

Bakit hindi ko alam? Bakit wala man lang nagsabi sa akin? Iisang circle lang ang ginagalawan naming tatlo pero para akong tanga na walang kamuwang-muwang. Ito ba ang dahilan kung bakit ni isa sa Royal Astra ay wala akong mahagilap, kahit ang best friend ko ay hindi ko pa muling nakakausap? Pinagtataguan nila ako, inililihim nila sa akin ang alam nila. Alam nila ang tungkol sa amin ni Charles, hindi ba dapat ako ang una nilang sasabihan? Napakadaya!

Pero kasalanan ko rin naman. Ako ang unang pumutol ng komunikasyon naming lahat.

Pakshet! Charles na naman!

Magtigil ka nga, Valerie! Ikakasal na ang taong iyon, wala kang karapatang magalit at magselos. Hindi mo siya boyfriend, hindi mo nga naging ex, 'di ba?

You're not able to make your feelings reach him. And you'll never have a chance again. Just stop this paranoia and go back to your life!

Tama! Hindi ko na dapat ito iniisip pa. Naramdaman ko na lamang ang pagvibrate ng aking cellphone. Kinuha ko iyon sa bulsa ng aking cardigan at binasa ang mensahe.

"Don't be late." – unknown number

"Who are you?" Reply ko na lang. Baka naman wrong number lang.

"Charles Angeles, owner and CEO of Charleston Cafe :)" – unknown number

Thump! May kung anong mabilis na sumipa sa dibdib ko pagkabasa ko pa lamang sa pangalan niya.

He texted me! He has just texted me!

May kung ano sa sikmura ko na hindi ko maipaliwanag, parang whirlpool na umiikot-ikot. He added a smiley! Ang bilis-bilis ng kalabog ng dibdib ko. He looked so serious and intimidating yesterday and now he added a smiley.

Naalala kaya niya ako? Posible kayang nantitrip lang siya kahapon? Ganoon naman siya three years ago, malakas mantrip.

I suddenly felt excited to go to work, to see him again. Pero ang kapalaran mukhang ayaw makisama, traffic! Nakakainis!

Unreachable Star (Royal Astra, #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon