Twelfth Star
-Valerie-
Patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko, parang wala na itong balak na matapos. Gaano na ba ito katagal? Hindi ko na namalayan ang oras, basta ang alam ko lang ay kailangang mawala ng lahat ng sakit na dumadagan sa dibdib ko.
"Jane—" Dinig kong wika ng isang lalaki. Hindi ko iyon binigyang pansin, napakarami ng gumugulo sa isipan ko at wala na rin akong pakialam kung mukhang kaawa-awa man ang hitsura ko ngayon.
Dinig ko ang yabag ng kanyang mga paa na palapit sa akin. Nanatili akong nakaupo habang nakasandal sa gilid ng kotse, yakap ko ang magkadikit kong binti habang naka-ub'ob. Naramdaman ko na lamang ang mga braso niyang pumulupot sa balikat ko. Dapat ay nagpoprotesta ako ngayon pero hinayaan ko lamang siya. I'm too consumed with the pain I'm feeling na wala na akong pakialam pa kung sino man ang taong ito.
"Anong nangyari? What's bothering you?" Malumanay niyang tanong. Parang pinipiga ang dibdib ko nang maramdaman ko ang concern sa boses niya. Parang nakaramdam ako ng relief, pakiramdam ko ay maipagkakatiwala ko sa kanya ang bagay na kinikimkim ko nang mahabang panahon.
"Kasi— iyong mahal ko, kahit kailan ay hindi na puwedeng mapunta sa akin. Ang dami kong tanong, ang dami kong gustong malaman, ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko siya magawang tanungin, hindi ko masabi yung nararamdaman ko."
Hinawakan niya ang aking pisngi at dahan-dahan akong tumunghay, nanlaki ang aking mga mata nang marealize ko kung sino ang kausap ko, ni hindi ko man lang nabosesan.
"Ch-ch-charles—" nauutal ko pang sabi. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko nang makita ko siya, ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin at kahit pa madilim ang paligid ay kitang kita ko ang concern sa tsokolate niyang mga mata, naglandas ang kanyang daliri sa pisngi ko at pinawi ang patuloy na umaagos na mga luha.
"Jane— I don't know what's happening. I don't know what's bothering you pero ganito na lamang— kunwari ay ako siya, sabihin mo ang lahat sa akin para kahit paano ay gumaan ang nararamdaman mo, hindi ko man masagot ang mga tanong mo, at least nasabi mo ang nararamdaman mo para sa kanya."
Natigilan ako sa sinabi niya, parang tinusok ng tinik ang puso ko. Gusto ko, gustong gusto kong sabihin sa kanya ang lahat pero hindi rin naman niya mauunawaan.
"Jane, kailangan mong ilabas ang lahat ng iyan, lalo ka lang mahihirapan kung kikimkimin mo 'yan." Kung puwede lang sana, Charles pero mahirap, masakit. Nakakagago! Bakit ganito? Bakit sa lahat ng makakakita sa akin sa ganitong sitwasyon ay siya pa? Bakit kailangan niyang i-suggest ang ganoong bagay? Lalo lang niya akong sinasaktan.
Sinubukan kong tumayo pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin. Nanatili akong nakapako sa posisyong ito at nakakulong sa mga bisig niya. Muli niyang pinilig ang pisngi ko para makaharap siya.
"Jane, trust me. I'll be here for you." When will these tears stop? Sa sinabing ito ni Charles ay lalo pang bumuhos ang mga luha ko, tila bagyong ayaw paawat at walang humpay. He said that he'll be here for me, isa na naman ba ito sa mga pangakong babaliin niya? Pinangakuan niya ako ng forever and always pero ilang segundo pa lamang ay natapos na iyon kaagad. Tama na! Ayoko nang umasa. Pagod na pagod na ako sa pag-intindi ng sitwasyon. Pagod na pagod na ako sa paghihintay sa kanya.
"Jane—"
"Bakit mo sinabing mahal mo ako? Bakit mo ako iniwan matapos mong sabihing mahal mo ako? You damn left me the moment you said that you love me." Hindi ko na napigilan ang dila ko. Kusa na lamang lumabas ang lahat nang banggitin niyang muli ang pangalan ko. " Ginagago mo ba ako? Anong tingin mo sa akin? Isa lang ba ako sa mga babaeng pinaikot mo sa mga palad mo, isa sa mga babaeng pinaasa mo? Nakakapakshet! Bakit ka pa bumalik? Para saktan lang ako? Para ipamukha sa akin ang katotohanan na ang tanga ko? Ang tanga-tanga ko dahil hanggang ngayon ay umaasa akong babalikan mo ako, umaasa akong itutuloy mo ang pangako mo sa akin."
Sinuntok-suntok ko pa ang dibdib niya pero lalo lamang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Hinahaplos niya ang likod ko gamit ang isang kamay.
"Bakit kailangan mong mawala? Bakit?" Hindi siya umiimik, hinahayaan lang niya akong umiyak at magsalita. "Hanggang ngayon ay naghihintay ako na bumalik ka kasi kahit nandito ka na, pakiramdam ko'y wala ka pa rin. Sana pala hindi ka na lang bumalik. Naiinis ako! Naiinis ako sa iyo, sa sarili ko! Naiinis ako sa iyo kasi umalis ka na walang paalam, naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko nagawang sabihin sayo na mahal kita. Nakakainis ka! Nakakainis—"
Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Gulong gulo na ako. Sana ay alam ni Charles itong mga pinagsasabi ko sa kanya. Sana ay naiintindihan niyang siya ang tinutukoy ko. Pero hindi eh, hindi niya alam.
Mariin akong pumikit, pilit kong inorganisa ang isipan ko. Kahit paano ay parang nabawasan ang tinik sa dibdib ko, kung sana alam lang niya ang lahat. Unti-unti ay nababawasan na ang mga luha ko.
"Salamat." Humarap ako sa kanya at nginitian siya. "Kahit paano ay nabawasan ang bigat sa dibdib ko." Huminga rin ako ng malalim. Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa akin at ngumiti.
"I'm glad you feel better. I'll be here for you, just tell me when you need me."
Kung puwede lang, Charles.
Mayamaya pa'y nag-alarm ang cellphone ko, hudyat na ika-labindalawa na ng hating gabi. Narinig ko rin ang komosiyon ng mga taong papunta sa parking lot. Mabuti na lamang at nasa tagong bahagi kami.
"Where is Charles? Hindi ba't dapat ay fireworks na?" dinig kong wika ng isang babae. Kasunod noon ay ang pagsabog ng makukulay na fireworks sa ere. Muli akong ngumiti. Sana ganito lamang palagi, kasama ko si Charles na nakatingin sa langit gaya ng dati.
BINABASA MO ANG
Unreachable Star (Royal Astra, #02)
Romance"I love her since then- I love the feeling of chasing her, of trying to reach her gaano man kahirap na abutin siya. Hindi ako magsasawang tumakbo mahabol lamang siya." I love you, goodbye... Iyan ang makakapaglarawan sa unang karanasan ni Valerie s...