Thirteenth Star

1.8K 55 1
                                    

Thirteenth Star

-Valerie-

"I'm not going to the homecoming party and that's final." Mariing sagot ko kay Josh nang muli niyang banggitin ang tungkol doon.

"After what happened at the opening party— ngayon mo pa gugustuhing huwag makita si Charles?" pangungulit niya sa akin.

"Josh! Hindi kasi madali, alam mo namang mahal ko iyong tao. Kapag pumunta ako doon at nakita niya ako— anong sunod na mangyayari? Maaalala ba niya ako? Mamahalin niya ba ako ulit? I made up my mind, Josh. I'll start anew at wala na si Charles sa pagsisimula ko." Tinalikuran ko na. Ang kulit ng lahi niya.  Binanggit na naman niya ang opening party, naalala ko na naman tuloy ang nangyari. Ayoko nang maalala pa iyon. Puwede bang magkaroon na lang ako ng amnesia, makalimutan ko na lang lahat?

"Valerie, wait." Pagpigil sa akin ni Josh.

"Pumunta ka sa party, hindi para kay Charles kundi para sa sarili mo. You lost your self the moment you lost him. I've seen that, partner. I'll go with you, gusto ko nang bumalik ang dating Valerie, iyong Valerie na iniingatan ko." Huminga ako ng malalim bago ako humarap sa kanya. Sasagutin ko sana siya na ayoko pa rin nang bigla akong napatigil.

"Besshie—" iyon na lamang ang nasabi ko nang makita ko si Reina sa likod ni Josh.

"If I can't convince you, I guess your bestfriend will." Tinanguan lamang ni Josh si Reina na nakangiti lang.

"Reina, ikaw na ang bahala." Bulong pa ni Josh bago lumabas ng opisina ko.

"Besshie! Oh my God! You're really here!" nangingilid ang mga luha kong nilapitan ko si Reina, ngayon pa lang nagsink in na nandito talaga siya.

"My God! Anong nangyari sa'yo?" Niyakap ko siya ng mahigpit.

"I miss you, Besshie." Sagot niya sa akin at yumakap na rin. "Kamusta ka na, Valerie? Ang tagal natin na hindi nagkita."

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang isa niyang braso. "Let's go out. We've got a lot of catching up to do." Wika ko pa at kinaladkad ko siya palabas.

Bestfriend ko si Reina since college days, isa siyang transferee sa Ayala University at madaling gumaan ang loob ko sa kanya. Tulad ko ay hindi rin siya kabilang sa mga kulto ng fan girls ng Royal Astra noon, pero minsan talagang mapagbiro ang tadhana— naging malapit siya sa grupong iyon dragging me all along. At dahil doon ay mas nakilala ko si Charles, at siguro doon ko na rin siya unti-unting minahal— it's just too late when I realized it.

***

"What about this yellow dress?" Wika ni Reina at pinakita sa akin ang dress na hawak. Isa itong halterback cocktail dress na hanggang tuhod, may disenyo itong yellow rose na gawa sa lace sa gitnang bahagi, just below the neck.

"Rei-"

"Come on, Val. It's just a night. Walang mawawala. Besides, masquerade party iyon." muli niyang pagkumbinsi sa akin. Paulit-ulit na lang kami. "Sumama ka na, I'll be with you. Matagal na rin mula nang huli tayong nagparty sa AU."

"Fine, I give up." I raised my hands in resignation. "You win."

Kaagad lumapit si Reina sa akin at niyakap ako. "Thank you, Valerie. You will not regret it."

She smiled at me bago kumalas sa pagkakayakap. "Tara, tingin tayo ng sapatos."

Humugot ako ng malalim na buntong hininga, sinundan ko na lamang si Reina and for some unexplainable reason ay kakaiba ang pakiramdam ko dito. Is it just me o dahil naeexcite ako. Yes, I admit— kahit paano ay excited ako. Sana nga lang, gaya ng sinabi ni Reina, I will not regret it.

***

"Ayoko na. Uuwi na lang ako." Kinakabahan kong sabi nang iparada ni Josh ang kotse sa parking lot ng Ayala University. Kasama ko siya ngayon papunta sa party, suot ko ang yellow dress na pinili ni Reina para sa akin. Alam ko ang dahilan kung bakit ito ang pinili niya, nakasanayan na namin na ganito ang suot ko tuwing may party sa AU noong nag-aaral pa kami dahil sa laging kulay dilaw ang necktie na suot ni Charles. Madalas din na siya ang ka-date ko, dahil wala rin akong ibang choice noon. Walang nag-aayang ibang lalaki sa akin dahil sabi ni Charles ay binakuran na niya ako. Bakit ganoon, bakit hindi ko siya puwedeng bakuran ngayon?

"You can't go home." Wika ni Josh saka pinatay ang ignition. "Tara na, Trish is waiting." Sabi pa niya saka mabilis na lumabas ng kotse.

"Sabi ko naman sa iyo na sunduin mo na lang si Trish, dapat siya na lang ang sinabay mo. Puwede namang hindi ako pumunta."

"Exactly why I fetch you." Seryosong sabi niya at nauna nang maglakad. Malamang ay excited siyang makita si Trish, ang fiancée niya and girl friend since college days. Nakakahiya talaga kay Trish, ako na naman ang inuna ni Josh. Babatukan ko na talaga itong lalaking ito.

"You know what, Josh, dapat ang fiancée mo ang inaasikaso mo instead of me."

"Trish will understand." Iyon lang ang sinabi niya at pumasok na kami sa venue. "She's there." Turo pa niya sa grupo ng mga babae na nasa isang table. "I'll leave you here and don't you dare leave the party. Enjoy baby." Hinalikan pa niya ako sa noo bago pinuntahan si Trish.

Napailing na lang ako. Anong gagawin ko sa gabing ito?

Iginala ko ang aking paningin at nagpasya na lamang na maglakad-lakad sa venue. Nandito na naman ako at sabi nga nila, isang gabi lang naman ito. Might as well ienjoy ko na lang. Nasaan na kaya si Reina?

  I looked around. Bakit ganito? Lahat ng tao sa event kung hindi nakasuot ng puti ay itim. I suddenly felt out of place. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ang event center na ito ay mayroong stage sa unahan at ito ay nadidekorasyunan ng kulay dilaw at puting rosas. Maging ang mga lamesa ay may roong vase na may lamang yellow roses. What on earth is happening?

Ginapang ako ng kakaibang pakiramdam— naghahalo ang kaba at excitement, parang umiikot-ikot tuloy ang sikmura ko.

Tiningnan ko ang mga dumalo, nagbabaka sakali na may kilala ako pero lahat sila ay nakasuot din ng maskara gaya ko. Pakshet! Anong mayroon ngayon?

Nakarating na ako sa gitna, ito na ata ang dance floor. Mayamaya pa ay may tumugtog na violin— Crazier ni Taylor Swift ang tugtog. Pakshet! Anong kalokohan ito? Nanandya ba ang kapalaran o pakulo ito ng kung sino? Ito rin ang tugtog noong unang sayaw namin ni Charles. Kaya ba gustong gusto nilang pumunta ako dito? Nang-gogood time ba sila? Kung sino man ang may pakulo nito, ibabaon ko talaga siya sa lupa.

Hindi ko na maintindihan. Naguguluhan na ako. Parang gusto kong sumigaw ngayon, itanong kung ano bang nangyayari pero hindi ko magawang magsalita. Parang may bumabara sa lalamunan ko. Nanatili akong nakapako sa gitna ng dance floor nang maramdaman ko ang paglapat ng isang kamay sa balikat ko.

"May I have this dance?" mabilis na sumipa ang dibdib ko nang marinig ko iyon. Umikot ako para harapin siya at isang lalaking naka-itim na maskara ang nakita ko.


Unreachable Star (Royal Astra, #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon