Sixteenth Star

1.8K 56 3
                                    

Sixteenth Star

-Charles-

Valerie? Valerie? Valerie? Patuloy na pa-ikot ikot sa utak ko ang pangalan niya. Sino ang babaeng iyon? Ang babaeng mahaba ang buhok pero walang mukha.

"ARAY!" nagsusumigaw na ako sa sakit. Ang sakit ng ulo ko, parang binibiyak na parang sasabog na sa sobrang sakit. Padami ng padami ang imahe ng babaeng walang mukha. Mariin akong pumikit.

May naririnig akong boses. Pamilyar ang mga boses na iyon.

"Charles!"

"Tawagan niyo ang doctor, dali."

Napamulat ako. Nandito ako ngayon sa hospital. Hospital na naman! Ayoko na ngang bumalik dito. Lahat sila ay nakatingin lang sa akin, ang buong Royal Astra.

ARAY! Heto na naman ang imahe niya. Mga mata— matang parang nakita ko na noon. Hindi ko maintindihan. Unti unting nagkakaroon ng bahagi ang kanyang mukha. Mata pa lang ang nadagdag sa features niya, kaparehas ng mga mata ng babaeng nakasayaw ko kagabi pero pakiramdam ko ay hindi lang iyon ang unang beses na nakita ko ang mga matang iyon, para bang nakita ko na iyon noon pa, hindi ko lang matandaan.

Bumukas ang pinto, pumasok ang doktor at ang nurse. Kasunod nila ay ang fiancée kong si Alexandra.

"Sino si Valerie?" hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong na iyon, maging ako ay nagulat. Natahimik silang lahat. Laglag ang mga panga na nakatitig lang sila sa akin . Nakita ko pa ang pag-irap ni Alexandra at ang biglang paglungkot ng kanyang mukha. Kaagad siyang tumalikod.

"Mr. Angeles. There's something I've got to tell you." Huminga ng malalim ang doktor bago muling nagsalita. Patuloy pa rin ang pagkirot ng ulo ko. "We made a test, may mga bukol kaming nakita sa iyong utak. You're brain tumor is coming back."

"How come, doc? Successful ang operation niya noon sa US." Nag-aalalang wika ni Alexandra.

"It' s not a rare case, Miss. may mga pagkakataon talaga na muling naggogrow ang tumor sa utak. Maaring may naiwan noong unang operasiyon."

"Are you sure, Doc? Baka naman ibang dahilan. I've visions. May nakikita akong imahe."

"Your memories might be coming back as well as your tumor. There's something we can do, we need to remove the tumor again."

Pinaalis ko silang lahat matapos kong marinig ang lahat ng iyon. Bakit kailangang bumalik ng tumor na iyon? Muli akong nagsisigaw sa sakit, narinig ko ang pagbukas sara ng pinto, mayamaya pa'y may itinurok sa akin and everything went black.

***

"Hoy Charles!" binatukan ako ni Earl. "Nakatitig ka sa kawalan ha."

Sino kaya ang babaeng iyon? Maganda siya pati ang mahaba at makintab niyang buhok. Bumagay din sa kanya ang suot niyang kulay dilaw.

"Tsk, bahala ka dyan." Iniwan ako ni Earl. Loko iyon, pero okay lang nakakita naman ako ng diwata. May hawak siyang sketch pad at nakaupo sa ilalim ng puno ng caballero, nasa malapit lang din ang gazebo.

Lalapitan ko sana kaya lang may mga babaeng dumating. Ang hirap talaga kapag pinanganak kang guwapo.

"Hello sweety, hello sweetheart, hello honey." Kinindatan ko pa ang mga babaeng iyon. Wala na akong magagawa, ito na ang nakasanayan ko— ng mga tao sa paligid ko. I am Charles Jonah Angeles, kilala ako bilang Ultimate Casanova. Nakatatak na siguro sa akin ang ganito.

"Kyaahhhhh." Ang mga babae talaga ang lalandi.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang babaeng iyon, nakatingin siya sa akin ng masama saka umiling.Turn off na agad sa akin. Hindi ko pa nalalapitan pero parang ayaw na niya sa akin.

Unreachable Star (Royal Astra, #02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon