𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓣𝓱𝓲𝓻𝓽𝓮𝓮𝓷 : 𝓡𝓮𝓪𝓹𝓮𝓻𝓼
TWO DAYS later ay nakalabas na ng hospital si Eve at pinayagan na ring pumasok ng doctor nito."OMG! Eve! You're okay na!"
Hindi na siya nagtaka kung kaninong boses iyon galing. Kabababa palang niya noon mula sa SUV nila at namataan ka-agad siya ng mga babae. Lumapit ang mga ito sa kaniya, kapansin pansin na wala si Calee at Jeanicah.
"Hindi ka hinatid ng pinsan mo?" Tanong ni Vienice sa kaniya na nakatingin sa papalayong sinakyan niya.
Tumango siya. "May importante raw siyang gagawin. He said he might be back after a week or maybe sooner kapag naayos na niya ang kailangan niyang tapusin." Iyon kasi ang sabi ni Rett sa kaniya paglabas niya ng hospital. "Si Calee?"
Akala niya pa nga ay nagsisinungaling ang pinsan dahil nalalapit na ang dapat na date nito at ni Calee. Tumuloy na sila sa school building para sa kanilang klase. Halos same lang ang class schedules nila kaya sabay sabay na rin silang nag break time.
Naramdaman ni Eve ang biglang pagsakit ng pantog niya. "Mauna na kayo, I just need to pee." Paalam niya sa mga ito at mabilis na tinahak ang direksyon papunta sa comfort room.
"We'll just wait for you at the cafeteria nalang!" Narinig pa niyang sambit ni Dominique.
Bago pa man siya makapasok sa pambabaeng cr ay naulinigan niya ang malalakas na boses ng lalaki. Nagtatawanan ang mga ito at tila nagkakatuwaan sa kung saan. Dahil ihing-ihi na siya ay hindi na niya iyon binigyan ng pansin and just do her need. Nang matapos ay ganoon pa rin ang naririnig niya sa panglalaking cr.
Hindi naman sarado ang panlalaking banyo kaya't sumilip siya para alamin ang nangyayari. Ilang kalalakihan na nasa sophomore years palang siguro ang nakatayo at napapalibutan ang kung sinuman. Typical bullies, she thought.
"Naku totoy, nagkamali ka ng eskwelahan na pinasukan. Alam mo bang bawal ang mga mahihina dito?"
"Ano pare, tirahin na natin ang isang ito? Mukhang hindi naman lalaban 'yan eh."
"Sa susunod kasi bata, wag kang hahara-hara sa daan namin. Hindi mo ba kami kilala? Kami ang pinakamalakas at kinakatakunan na grupo dito sa GU! Papunta ka palang, pabalik na kami!"
Walang ingay na pumasok si Eve sa loob ng hindi namamalayan ng mga ito. Sinarado niya rin ang pinto pagkatapos at inilock iyon. Hindi naman mabaho ang cr, bukod kasi sa palaging may nagme-maintain ng mga banyo ay sinisigurado talaga ng eskwelahan na malinis ang school facilities. She doesn't like bullying. Muntik na kasi siya noong maging biktima noong panahong nasa France pa siya nag aaral.
"Bata, pagkatapos ng gagawin namin sa'yo siguraduhin mong hindi na namin makikita iyang pagmumukha mo dito sa eskwelahan kundi ay tutuluyan kana talaga namin."
Binilang niya kung ilan ang mga ito. They are five guys against one kid. Napailing nalang si Eve, may mga tao talagang mahihina ang pinupuntirya. Sila ang mas matatawag na coward dahil pinapatulan nila ang hindi nila kasing lakas.
"Don't you think it's unfair? Lima laban sa isa, hindi ba mas nakakahiya ang ganoon?" Wika ni Eve na ikinalingon ng lahat sa kaniya.
"At sino ka naman? Paano ka nakapasok dito babae?" saad ng isa.
"Kung ako sa'yo, mas pipiliin kong huwag ng makialam. Gusto mo bang madamay? Pumapatol rin kami sa babae lalo na sa mga katulad mo na pabibo."
"Gago. Hindi ako pabibo. Pabida ako kasi ako naman ang bida sa story na ito." Inis na balik sagot niya sa lalaking mukhang kinulang sa ire ng nanay nito.
BINABASA MO ANG
The Mafia Heir Book 1 (Published Under PSICOM)
Action✔︎𝑷𝒖𝒃𝒍𝒊𝒔𝒉𝒆𝒅 𝒖𝒏𝒅𝒆𝒓 𝑷𝑺𝑰𝑪𝑶𝑴 𝐴𝑢𝑡ℎ𝑜𝑟'𝑠 𝑁𝑜𝑡𝑒: 𝑇ℎ𝑖𝑠 𝑏𝑜𝑜𝑘 𝑖𝑠 𝑡ℎ𝑒 𝑅𝐴𝑊 𝑣𝑒𝑟𝑠𝑖𝑜𝑛. 𝐴 𝑙𝑜𝑡 𝑜𝑓 𝑒𝑟𝑟𝑜𝑟𝑠 𝑐𝑎𝑛 𝑏𝑒 𝑓𝑜𝑢𝑛𝑑 𝑖𝑛 𝑡ℎ𝑒 𝑡𝑒𝑥𝑡. 𝑌𝑜𝑢 ℎ𝑎𝑣𝑒 𝑏𝑒𝑒𝑛 𝑤𝑎𝑟𝑛𝑒𝑑. 𝐴𝑣𝑎𝑖𝑙𝑎𝑏𝑙𝑒...