THE DAY has come.
Ang araw kung kailan itatalaga na si Eve bilang pinuno ng organisasyong pinamumunuan ng kanyang Lolo bago ito sumakabilang buhay. Ito na rin ang oras na hinihintay ng myembro ng Mafia upang malaman kung sino nga ba talaga ang bagong mamumuno sa kanila. Isang instrumental music ang maririnig sa bawat sulok ng Grand Mansion. Kulay ginto ang tema ng dekorasyon sa buong lugar. Nababagay sa magarang mansyon at panauhin.
Dahil sa kagustuhan ng ilan, mascaraed rin ang napagdesisyunang gawing theme with their chosen dress and tux that will fit in the event. Napupuno rin ng cctv at mga bantay ang buong paligid para sa seguridad ng lahat. Unti-unti na ring nagdaratingan ang mga panauhin para sa itinakdang gabi. Rett was the one who’s greeting the guests. Surprisingly, wala itong suot na maskara upang itago ang mukha sa lahat. He's one tough guy indeed to show his face to everyone.
Donatello pat his shoulder. “Are you really risking your life for being bare face, Rett? You know, people here can be a potential enemy. Aren’t you worried?” Tanong nito habang pinagmamasdan lahat ng tao na naroon. Kahit sila ay naka maskara din except lang talaga kay Rett.
Ngumisi si Rett, “Im not that dumb, dude. These people? I know them, every single one of them. You forgot something— apo ako ng dating pinuno. That means…”
“That means alam at kilala mo na silang lahat, information and all. Okay, we get it, dude.” Natatawang pagpatuloy ni Chad at tinapik rin si Rett sa balikat. “Really mentioning about blood bound, eh?” Nakangising umiiling-iling pa ito.
“Where’s E— I mean, the Heiress?”Tanong bigla ni Casper na kamuntik pang masabi ang pangalan ni Eve. Hindi kasi nila pwedeng banggitin ang pangalan nito.
Rett look at his watch. “She’ll be here at any moment from now. Nasaan pala si Onyx?”
Don answered him, “Hindi raw sya makakapunta. Hindi naman din nya sinabi kung bakit. Alam mo naman yun isang ‘yon, nang iiwan sa ere—”
“Wow! Look, who’s that chick? She’s pretty hot in that black dress! Wala rin syang maskara katulad ni Queen. Such a strong woman!” Chad exclaimed.
Napatingin rin ang mga kasama sa tinitingnan nito. Nakita nga nila ang isang naka itim na suot at taas noong naglalakad na babae na kasama ni Queen. Lantad na lantad ang kaputian nito dahil sa damit pero mas lalong kapansin pansin kung bakit wala rin itong maskara katulad ni Queen.
“That’s Empress.” Sambit ng isang tinig. “It’s not surprising to see her here dahil matalik na magkaibigan sila ni Queen.”
“Kilala mo siya, Titan?” Takang tanong ni Don dito. Inanyayahan rin kasi nila ito at nagpaunlak naman ito na sumama.
Titan keep his eyes at the Gangster women. “Who wouldn’t know her? She’s like Queen who doesn’t want to get involved with the three sides. I’m quite sad about their decisions. You see, isa sila sa malakas na myembro kapag nagkataon. But it’s their own choice, we respect that.”
“She’s also the owner of Green University.” dagdag rin ni Rett.
* * *
“REALLY, bitch? You knocked me out with that dress of yours! Nakaka asar ito!” Reklamo ni Queen at taas babang tinitingnan ang suot ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Mafia Heir Book 1 (Published Under PSICOM)
Action✔︎𝑷𝒖𝒃𝒍𝒊𝒔𝒉𝒆𝒅 𝒖𝒏𝒅𝒆𝒓 𝑷𝑺𝑰𝑪𝑶𝑴 𝐴𝑢𝑡ℎ𝑜𝑟'𝑠 𝑁𝑜𝑡𝑒: 𝑇ℎ𝑖𝑠 𝑏𝑜𝑜𝑘 𝑖𝑠 𝑡ℎ𝑒 𝑅𝐴𝑊 𝑣𝑒𝑟𝑠𝑖𝑜𝑛. 𝐴 𝑙𝑜𝑡 𝑜𝑓 𝑒𝑟𝑟𝑜𝑟𝑠 𝑐𝑎𝑛 𝑏𝑒 𝑓𝑜𝑢𝑛𝑑 𝑖𝑛 𝑡ℎ𝑒 𝑡𝑒𝑥𝑡. 𝑌𝑜𝑢 ℎ𝑎𝑣𝑒 𝑏𝑒𝑒𝑛 𝑤𝑎𝑟𝑛𝑒𝑑. 𝐴𝑣𝑎𝑖𝑙𝑎𝑏𝑙𝑒...