Ikalimang Kabanata

318 14 3
                                    

A/N: SPG ALERT. Tho hindi naman siya detailed, wawarningan ko na kayo, just in case ma-offend kayo or what.

 

-----

Ikalimang Kabanata:

"Mahal na mahal kita, Magda," ang nasambit ni Ernesto sa noo'y kakagising pa lang na si Magda. Nauna siyang nagising sa dalaga.

Ipinagpatuloy nila ang mainit na tagpong iyon sa isang abandonadong kubo malapit sa tabing-ilog. Kapwa sila nawala sa kanilang mga sarili kaya sila humantong sa bagay na iyon.

Hindi nagsalita si Magda. Nanatili siyang nakatalikod sa binata. Naramdaman din niyang hinahaplos nito ang kanyang balikad. Alam niyang mali ang ginawa nila, dahil unang-una, hindi sila magkasintahan. Isa pa, alam ng dalaga na hindi siya karapat-dapat na mahalin ng lalaki. Isa siyang bayaran - pinagsawaan ng iba't-ibang lalaki.

Ngunit iba ang nararamdaman ng kanyang puso. Animo'y gusto na nitong lumundag palabas ng kanyang katawan sa lakas ng pintig. Hindi man niya maamin, alam niya sa kanyang sarili na mahal na mahal din niya ang lalaking katabi niya ngayon.

Huli na nang mapansin niyang lumuluha na pala siya. Natutuwa siya at natupad din ang matagal na niyang pinapangarap - ang makasama ang sinisinta. Ngunit sa kabilang banda, nakaramdam siya ng matinding panliliit sa sarili. Malaki ang pagsisisi niya sa mga nangyari sa buhay niya sa nakalipas na mga taon.

"M-Magda? May p-problema ba?" tila nag-aalalang tanong ng binata sa kanya. Mukhang narinig nito ang mga hikbi niya.

Agad namang nagpunas ng luha ang dalaga. "W-wala. A-ayos lang a-ako."

Sa ikatlong pagkakataon ay nagsinungaling na naman siya. Alam niyang mali, pero kailangan.

Kailangan niyang gawin ito upang huwag nang madawit pa ang binata sa anumang gusot sa buhay niya.

Naramdaman niyang tumayo ang binata na ngayon ay nakasuot na ng pang-ibaba. Naupo ito sa lumang silyang naroroon malapit sa puwesto niya. Wala na siyang nagawa pa kung hindi maupo sa papag kung saan siya nakahiga.

"E-Ernesto.. mali i-ito," nangangatal niyang sabi.

"Anong mali?" tila nagtatakang katanungan ng binata.

"Ito. Itong ginawa natin.."

Nilapitan ng binata ang dalaga at naupo sa tabi nito. Hinaplos niya ang mukha nito. Pinunasan niya ang mala-butil na luha sa mga mata nito. Nakaramdam siya ng habag sa dalaga.

"Walang mali sa ginawa natin, Magda. Mahal kita. At alam kong mahal mo ako. Nararamdaman ko iyon. Sa tingin mo, bakit natin iyon gagawin?"

Natulala ang dalaga sa mga katagang lumabas sa bibig ng binata.

"Ginawa natin iyon dahil iyon ang nararamdaman natin. Matagal na kitang sinisinta, Magda. Sana naman, kahit sa bagay na iyon, magawa mo akong pagkatiwalaan," dugtog pa ng binata. Napayakap na lang ang dalaga sa binata. Labis siyang natuwa sa mga sinabi nito.

Magda: Paghahanap sa KatotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon