Ikawalong Kabanata

251 14 2
                                    

A/N: Last chapter ng Magda bago ang epilogue.:)

Enjoy reading.:)

 

---

Ikawalong Kabanata/Huling Kabanata:

Hindi na bumalik sa unibersidad si Ernesto. Tinawagan na lamang niya ang kaibigang si Alex upang ipaalam na may pupuntahan siya. Kailangan na niyang hanapin si Magda.

Agad siyang nagmaneho papunta sa Tondo. Hindi naman masikip ang daloy ng trapiko noong mga oras na iyon kaya nakarating din siya agad.

"Excuse me? Pwede ho bang magtanong?" tanong niya sa isang matandang lalaking nakasalubong niya.

"Ano hong maipaglilingkod ko?" sagot naman ng matandang lalaki.

"Alam po ba ninyo kung saan ang address na ito?" Ipinakita naman niya ang papel na kanyang hawak, kung saan nakalakip ang address kung saan nakatira si Magda.

Tinignan naman nang maigi ng matanda ang papel. Maya-maya..

"Kung hindi ako nagkakamali, iyan ang tirahan ni Magdalena. 'Yong pokpok dati?" Tila nainsulto ang binata sa sinabing iyon ng matanda. "Teka, ano'ng kailangan ninyo sa kanya?"

Pinigilan na lamang ng binata ang sarili. "Kababata ko po siya."

Tumango na lang ang matanda sa binata. Malugod naman nitong itinuro ang direksyon papunta sa tirahan ni Magda. Nagpasalamat naman ang binata bago muling binaybay ang makipot na daan papunta sa tirahan ng pinakamamahal. Habang papalapit siya sa pupuntahan ay nakakaramdam siya ng kaba. Idagdag pa ang mapanuring mga mata ng mga nakatira roon, na tila naninibago sa mga 'dayuhan' sa kanilang munting paraiso.

Hindi nagtagal ay nasa harapan na siya ng bahay ni Magda. Isa itong maliit na bahay. May mga naririnig din siyang mga bulung-bulungan mula sa mga taong nakamasid sa kanya. Hindi na lang niya ito pinansin at kumatok na siya sa bahay na iyon.

Maya-maya ay bumukas ang pinto..

"M-Magda?" ang unang lumabas sa kanyang bibig nang makita ang dalaga.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa kanyang dalawa, tila nagulat sa presensya ng bawat isa.

"A-ano'ng ginagawa m-mo rito?" Sa wakas ay nagsalita rin si Magda.

Mababakas sa mukha ng binata ang pagkalungkot sa hitsura ng dalaga ngayon. Maraming nagbago sa dalaga sa loob ng maraming taon. Mahahalata rin na may sakit ito ngayon.

"Maaari ba tayong mag-usap?"

Pinapasok naman siya ni Magda sa loob ng kanilang tahanan. Napansin agad ni Ernesto ang kakulangan sa mga gamit ng tahanan. Halos wala nang mga gamit dito, maliban sa isang maliit na mesa at dalawang upuan.

"Kamusta ka na?" tanong ng dalaga sa bisita. Naupo siya katapat nito.

Magda: Paghahanap sa KatotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon