Wakas

300 22 7
                                    

WAKAS:

Once upon a time, may isang napakagandang babaeng naninirahan sa isang tahimik na probinsya. Simple lamang ang kanilang pamumuhay doon. Sa umaga, tumutulong siya sa kanyang ina sa mga gawaing bahay. Sa hapon naman, masaya siyang nakikipaglaro sa kapwa bata roon.

 

Habang lumilipas ang panahon, unti-unting nagbabago ang pananaw ng batang babae sa buhay. Mas nakakilala rin siya ng kaibigang maituturing sa katauhan ng batang lalaki. Masaya silang naglalaro sa tabing-ilog maghapon, magdamag. Ang ilog na iyon, ang naging saksi, sa bawat pagbabago sa kanilang mga buhay.

 

Ngunit, nagbago ang lahat.

 

Sabay na tumuntong ang batang lalaki at babae sa sekundarya. Nagsimula na ang paghahanap ng bawat isa sa kani-kanyang hilig. Nagkaroon ng malaking puwang sa bawat isa, na naging dahilan upang maglayo ang loob sa bawat isa.

 

Kasabay pala niyon, ang pag-usbong ng isang damdamin na noon pa lamang nila naramdaman sa bawat isa. Dahil sa takot, ikinubli na lamang ng dalawang batang ito ang nararamdaman.

 

Hanggang sa dumating ang punto na kailangang lisanin ng dalaga ang probinsya upang makapag-aral sa Maynila. Wala nang nagawa ang binata kung hindi ang  alalahanin na lamang ang nakaraan nila ng dalaga.

 

Nakapagtapos ang binata, at nagpasyang maghanap ng swerte sa Maynila. Labag man sa kaloobang lisanin ang mga magulang, pinili pa rin niyang makipagsapalaran.

 

May isa pa siyang motibo sa pakikipagsapalaran - ang hanapin ang tinitibok ng kanyang puso.

           

Sa pagpunta ng binata sa Maynila, unti-unti niyang nalaman ang katotohanan kung bakit matagal na hindi nagparamdam ang dalaga sa kanilang probinsya.

 

Naging bayaran pala ito.

 

Ngunit, may mga katanungan pa ring sumagi sa kanyang isipan..

 

"Nasaan na si Ricky?"

 

"Bakit nagkaganito si Magda?"

 

At marami pang iba.

 

Nasagot lang ito noong muling nagtagpo ang kanilang mga landas sa lugar kung saan unang sumibol ang nararamdaman nila sa isa't-isa.

 

Akala nila, nakamit na nila ang tagumpay. Akala nila, magiging masaya na ang kanilang samahan.

 

Ngunit, dumating na naman ang isang pangyayari.

 

Nilisan ng dalaga ang binata matapos ang kanilang pagniniig. Iniwan niya ang binata na gulung-gulo ang isip.

 

Magda: Paghahanap sa KatotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon