Kabanata 1: Ang unang pagkikita ni Yumi at Leo

2.3K 28 18
                                    

KABANATA 1:  Ang unang pagkikita ni Yumi at Leo

Ang Simula

Si Yumi  ay may simpleng pamumuhay lamang, Nagtitinda siya ng mga kakanin, maruya at ano-ano pa at ito’y kanyang nilalako kahit saan. Siya’y isang ulilang anak , dahil sa pagtitinda ng mga suman o ano-ano pa, unting-unti naaabot ni Yumi ang kanyang mga pangarap. Si Yumi ay hindi nag-iisa sa kanyang buhay dahil kasama niya naman  si “Doray”, ang kanyang bespren na nagpapasaya sa kanya araw-araw. Si Doray ay nakapagtapos ng Culinary arts, hindi siya nakahanap ng trabaho kasi gusto niyang kasabay si Yumi sa paghahanap. Nagsa-sideline si Doray, siya ay nagtitinda ng mga ulam sa tapat ng kanilang bahay.

Maganda, Matalino ,Masipag, Mabait, Tapat at Mapagmahal, ang tanging katangian meron si Yumi.

Si Yumi ay NBSB(No Boyfriend Since Bata) at siya din ay isang babaeng nangangarap na mahanap ang kanyang Prince Charming at magkaroon ng “Fairy Tale” love Story balang araw.

SA KUSINA habang hinahanda ang mga ibebenta. (Weekend: Sabado)

(Papasok si Doray sa Bahay ni Yumi)

Doray: Yumi? Yohoooo.. Andyan ka ba…? Yumi?

(Nakita ni Doray si Yumi na Tulala sa kunsina.)

Doray: Andyan ka lang pala bespren.

(Ngunit walang Kibo si Yumi)

Doray: (Habang tinititigan si Yumi) – Bespren…… Hoy, Bespren…… (Pasigaw) YUMI!!!!!

Yumi: (Nagulat) – Ay Unggoy!

Doray: Sinong Unggoy? AKO?

Yumi: Ikaw naman kasi eh, ginulat mo ako.

Doray: Ah Ganun, So Ako pa ang may kasalanan.

Yumi: Hindi naman sa ganun. Bakit mo kasi ako ginulat? Yan tuloy.

Doray: Sino ba namang tao ang hindi ka gugulatin. Tinatawag ka, hindi kanaman matauhan. Ano ba kasi ang Iniisip mo? Prince Charming mo noh? Yung gwapo, Macho, Chinito at mabait. Yun ba?

Yumi: Iniisip ko lang kasi kung Magkaka Boyfriend pa ba ako o magkaka-asawa. Sa tingin mo bespren?

Doray: Sus, ikaw pa? darating din yan, tiwala lang.

Yumi: Mahirap na umasa Doray. Masaya na ako kung ano ang estado ko ngayon. Pero ,Kung magkatotoo man yang sinasabi mo, (Pakilig na sinabi) Mamahalin ko talaga siya ng buong-buo.

Doray: ay naku, Ang pag-ibig nga naman. Siya nga pala , o-order daw yung kapit-bahay natin si Aling Tere ng Suman. Tatlong Bilao daw, Bukas niya daw kukunin.

Yumi: Oh Sige, Ibibigay ko nalang sa kanya bukas.

Doray: Oh siya… iiwan na muna kita. Marami pa akong gagawin, babantayan ko pa yung paninda ko.

Yumi: Salamat Doray!

Doray: 9AM niya daw kailangan ah?!

Yumi: Cge Bespren, Salamat ulit!

(Napapaisip si Yumi)

Yumi: Sana nga Magkakatotoo yung Sinabi ni Doray. Hayyy…….

Yumi: Sana nga Matagpuan ko na ang Prince Charming ko, Sana Kasing Gwapo ni Piolo Pascual o Kasing Macho ni Derek Ramsey o Kasing Gentleman ni Robin Padilla o kasing Cute ni (Pasigaw na kinikilig) ABRA!!!!  Kailan ko kaya siya makikita?

Crush ng BayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon