Kabanata 3: Love is in the Air (PART 1)

733 11 9
                                    

KABANATA 3: LOVE IS IN THE AIR     

Simula na ng Trabaho ni Yumi. Naghanda na siya para sa 1st Work niya bilang Assistant ni Leo. Curious Si Yumi sa kanyang susuotin kaya hindi siya makapagDecide kung ano ang dapat niyang susuotin. Simple lang ba o Magara? Ano sa tingin niyo ang susuotin ni Yumi?

 Di katagalan, Tumawag si Leo kay Yumi.

Leo: Yumi, Nasaan ka na ba?

Yumi: (Natataranta) Ah, Leo… Dito pa po ako sa Bahay eh..

Leo: Ano!!?? Anong oras ba sabi ko sayo.?

Yumi: (Nalilito) Ah.. Eh Eto na po. Papunta na diyan.

Leo: Oh Sige. Bilisan mo, First Day of Work mo pa naman.

Yumi: Sige po. Eto na po.

Natataranta na si Yumi at di pa siya nakapagbihis. Pagkalipas ng ilang minuto, Siya ay nakapag-ayos na at agad-agad na sumakay ng Taxi.

Nang Nakasakay na…

Yumi: Manong Pakibilisan po., Late na po ako eh..

Binilisan ng driver ang takbo ng Taxi. Kaya pagkarating doon, tamang-tama nasa labas na rin si Leo bit-bit ang mga dalang gamit.

Yumi: Naku! Baka Papagalitan niya ako nito. Manong Dito lang po. Eto po ang bayad oh. Salamat po.

Leo: Oh Dito ka na pala. Kunin mo yung ibang gamit ko sa kotse at ipasok mo na doon sa Dressing room.

Yumi: Di mo lang man ako Papagalitan?!

Leo: Anong sinasabi mo?

Yumi: Pagalitan….

Leo: (NakaSmile) Dahil Late ka??.

Yumi: Oo.

Leo: So, ano ngayon kung late ka. Natural lang yan. Ganyan talaga bast First Day of Work. Minsan Nauuna ka , Minsan Late ka at Minsan sakto ang dating mo. Kaya Kunin mo na ang mga gamit para makapaghanda pa ako.

Yumi: (Sinasabi sa isipan) Hindi lang man siya nagalit. Parang iba siya sa mga Amo na nakilala ko ah. Hmm. Tama nga ang sabi ng Karamihan, Mabait talaga tong si Leo.

Yumi: Ah Leo, Saan ko to dadalhin?

Leo: Sumunod ka lang sa akin.

Sinundan ni Yumi si Leo papasok ng Studio para sa Magazine Pictorial ni Leo. Pagpasok nila sa Studio, sinalubong siya nito ng Celebrity photographer slash Bestfriend na si Mark Fuentes ( JC De Vera).

Mark:  oh, BF nandito ka na pala.

Yumi: BF mo to? Meaning Bakla ka Leo?

Mark: Teka, Teka. Sino naman tong Kasama mo? Girlfriend mo? Ikaw ha di mo sinasabi sa akin.

NaCo-confused si Yumi sa mga Pangyayari, habang si Leo naman Natatawa nalang sa mga sinasabi at banat ni Yumi.

Yumi: Girlfriend? Bakla magkakaroon ng Girlfriend? Aba Matinde!..

Leo: Anong Nangyari sa’yo Yumi. Parang makapagReact ka…. Parang wala ng bukas…

Napa-isip si Yumi habang nagsasalita si Leo.

Yumi: (Sinasabi sa isip) Malaking Revelation to. Ang Crush ng Bayan, BAKLA!? Hay naku Leo, Dis-appointed talaga ako sayo. Akala ko ikaw na yung Prince Charming ko. Princess Charming pala.

Crush ng BayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon