Athena's POV
"Bessy! Ano ready ka na ba? Ako kasi kanina pa hihi."inayos ko ang salamin ko bago tuluyang bumaba sa hagdanan at kitang-kita ko na naghahanda na ng plato si Avery habang naka-uniform na at malapad ang ngiti.
Did I forgot to tell na ngayon na ang unang araw ng pasukan? I visited the site ng Northtown High. Parang University ito pero hindi ko alam kung bakit High ang tawag dito, tch super weird. Mataas ang education quality at may mga foundation day din sila at sports festival. Nangunguna din sila sa Elite Schools Ranking dito sa Pilipinas, ibig sabihin madalang ang scholars at maraming exchange students na pinapadala at in-aacept.
Umupo na ako sa upuan at kumain ng breakfast. 8:00 am ang time ng first class namin pero 7:00 am palang, masyadong excited si Avery psh. We are also accepted as scholars at kaming dalawa lang ang natanggap, akalain niyo yun?
"Bilisan mo, baka maabutan tayo ng traffic."I said to Avery at tumango naman siya. Malapit lang naman ang school pero may dadaanan pa kasi kaming mga busy roads kaya hindi malabong may traffic.
.........
We arrived at school, I checked my watch at 7:30 palang pero madami nang students sa hallway and the heck! Kanina pa nila ako sinasamaan ng tingin, crazy weirdos! Kung makatingin sila saakin parang kakainin ako ng buhay!
"I didn't know na tumatanggap ang school ng isang nerd!"
"They're poor scholars ata eh!"
"Yuck, there's a kalat in the hallway, eww!"
"You're right girl! How can they accept poor nerd scholars?"
Leche 'tong mga 'toh ah?! Para silang ignorante! Ngayon lang nakakita ng nerd? At do I look like basura? I'm a scholar because my IQ is high 'noh! At dahil trip ko... Psh.
"Ang ignorante naman ng mga 'toh! They're kabanas! Anong tingin-tingin niyo diyan? Bubulong-bulong pa kayo eh naririnig namin! Ngayon lang kayo nakakita ng babaeng may eyeglass? Magsuot din kayo!"hinawakan ko nalang sa braso si Avery at hinila paalis dun. Mukhang nasindak naman ang mga yun at umiwas, psh serves them right!
"Ano ba Athena? You're gonna let them say those things to you? Ah, I won't let them!"tahimik lang ako na umiiling, she's a protective bestfriend. As much as I want na magpaka-brat sakanila pero ayaw kong mapunta sa guidance, I'm aiming for valedictorian kahit loka-loka ako minsan.
"Umayos-ayos ka ah? No fights this time, last year na natin sa high school magpapakabait na muna tayo!"sabi ko at dumiretso sa magiging classroom namin.
"Nice. Valedictorian na ba ito? Hahaha."narinig kong sabi niya sa likod ko kaya inilingan ko lang siya, loka-loka talaga 'toh!
"Kyaaaahh! Yung Caste!"
"Omg omg omg! Ashton be mine!"
"Caste, sing a song for us please!"
"Hero kyaaahhh!!! Where's my hero!"
"Rain be my rain and I will be your sun kyaaahhh!"
"Ahy wala si Kian my baby?"
"Wala, nasa ibang bansa."
"WE LOVE YOU CASTE!"