Athena's POV
"ATHENAAAAA!!! Omg, babe! IMISSYOUUUU!!!"halos marindi naman ako sa sigaw ni Avery habang kumakaway saakin kasama ang ilang bodyguards niya, oo may bodyguards pa yan kahit sobrang tanda na niya. Ayaw niya kasi akong tularan na hindi nagba-bodyguards sabi niya kasi hindi naman siya ang nagpapasweldo kaya ok lang daw, psh if I know gusto niya lang may alalay siya.
Napatingin naman saakin yung mga tao kaya binaba ko ng kaunti yung shades ko at tinaasan sila ng kilay sabay sabing, "Problema niyo? Dukutin ko mata niyo eh! Gawin kong gulong para sa maleta niyo, psh." I know its rude but mainit ang ulo ko ngayon at walang makakapagpigil saakin!!!
"I miss you girl! Tara na sa bahay chi-chikahin mo pa ako hihi, mga kuyas take her baggage na and daan tayo ng makakain sa Jollibee and pwede na kayong bumalik sa mansyon."dagdag pa ni Avery na best friend ko, masakit man isipin na may best friend akong madaldal but she know me too well since we're kids and maaasahan talaga itong babaitang ito!
"By the way girl, duon ka na sa bahay ko tumira para may kasama ako."tinignan ko siya and she pouted kaya napangiwi ako, eww gross!
"Talagang pinaghandaan mo ah? Kasama o katulong?"mas lalong humaba ang nguso niya. Para siyang duck!
"Ikaw naman! Syempre both! You're so bratinella!"napailing nalang ako, I know naman yun eh!
Mabilis lang ang binyahe namin dahil malapit lang ang Jollibee sa airport at ang village kung saan nakatirik ang bahay ng babaitang 'to! Agad-agad siyang lumabas ng kotse at hinila-hila pa ako papasok. The house is good looking pero hindi masyadong malaki, yung sakto lang para saaming dalawa at alam 'kong hindi siya nag-hire ng yaya.
"So how's New York then Korea?"malapad siyang nakangiti, kagagaling ko lang sa New York, du'n ako halos tumira since the past few years at pina-uwi ako sa SoKor para lang sabihin saakin ng magaling 'kong lolo na dapat maging independent ako kaya ayun niyaya ako ni Avery na bumalik Pinas at nilayasan ko ang mga magulang ko dahil sabi nila maging independent ako tch.
"Nothing good, dito na ako mag-aaral at alam mo naman na kailangan ko daw magpaka-independent kaya nilayasan ko sila sa bahay bahala sila maghanap saakin bwahahaha! Buti nga may naipon ako sa bank accounts ko."I pouted at nakatanggap ako ng hampas kaya iritadong nilingon ko ang babaitang 'to.
"Ano ba?!"asik ko sakanya at inirapan niya muna talaga ako.
"Gaga ka! Paano nalang kung hanapin ka nila? Eh parehas lang naman tayong naglayas HAHAHA!!!"napa-ismid ako.0, makapagsabi naman 'tong babaeng 'to isa din naman pala!
Binatukan ko siya, "Eh tanga! Papuntahin mo ba naman mga guards mo dito, paano kung malaman nila kung nasaan tayo? EDI MALOKO NA! Makapag-sabi ka ng gaga ikaw din naman!"asik ko sakanya kaya napakamot siya ng ulo, may kuto ba 'to? Ewww so gross!!!
"Oo nga pala noh? You're so talino talaga bessy!"sigaw niya at yumakap saakin, ginantihan ko din ito.
"I know right! May pagka-boplaks ka din kasi HAHAHA!"I laughed at her, joke lang yun ano ba?! Ofcourse matalino 'yan! Hindi naman siya magiging salutatorian at bestfriend ko kung hindi siya matalino! And ofcourse, I'm the valedictorian! Hahaha!!! Walang halong joke!
"Hoy hindi porket valedictorian ka nung elem ginaganyan mo na ako? Hmpf! Di kita bati!"pagdadabog niya at hinayaan ko lang, tinotopak nanaman siguro.
"HOY HINDI MO MANLANG AKO SUSUYUIN?!"rinig kong sigaw niya nang mapansin na nasa kusina na pala ako, I'm hungry na! Hindi ako sanay magutom kaya! Mamaya madala pa ako sa hospital at malalaman ng parents ko kung nasaan ako.