Ashton's POV
Bwisit na babae! Nakaka-strike three na siya sa pamamahiya saakin! Para siyang lalake, sobrang siga akala niya kung sino eh hamak na isang babae lang siya! Baguhan lang siya at kung umasta para kung sino, bwiseeeeettttt!!! Tignan lang niya... I will make your stay at this school a living hell Athena Vin Evedy!!!
"Ashton, is it true?"inis kong nilingon si Hero na seyosong nakatitig saakin, ano pa nga bang aasahan ko dito?
Nagpapaka-hero nanaman sa mga pinagti-tripan ko! Kasalanan ko ba kung haharang-harang sa daan ang babaeng yun?! At pinahiya pa ako! Lintik walang ganti! Bwisit din tong Hero na 'toh! Mas kinakampihan pa ang babaeng yun! Sino ba ang kaibigan niya? Ako o yung Athenang yun?! Tch.
"Kinakampihan mo siya? Sige duon ka na sakanya!"
"Inutos mo ba na talapidin si Athena sa mga estudyante dito? Akala ko iwas bully ka na?"Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis, he is accusing me!!! Damn, anong tingin nila saakin? Coward?! I'm not a coward for fvck's sake!
"I did not! Okay nga yun eh, pinapadali nila ang pagpapahirap ko duon sa babaeng yun!"ngumisi ako nang makita ko ang asar na itsura ng babaeng yun. Sumalubong lang ang kilay niya at napa-iling. He can't do anything against me.
"RAINNN!"
"Yes boss?"
"Search about Athena Vin Evedy's profile."ngumisi ako, humanda ka saaking babae ka! Magtutuos pa tayo!
"Astig yung babaeng yun! Akalain mo? Nagawa ka niyang sagot-sagutin? Hahaha!"I glared Rain.
Sa totoo lang siya lang ang nakagawang sagot-sagutin ako ng pabalang at barahin! Pero ngayon lang yun dahil sigurado akong bukas na bukas wala na siya sa school na 'toh at mag-drop out bigla dahil hindi kinaya ang pinaggagawa ko bwahahaha!
Nag-ring ang phone ko at umaliwalas ang mukha ko pagkakita kung sino ang tumatawag. Lumabas ako sa sariling kwarto ng Caste at pumunta sa garden na tambayan ko.
"Hello babe? Sorry na oh."
[Me too, hindi ko naman kasi inintindi yung explanation mo, I'm so so sorry babe]napangiti ako sa sinabi ni Victoria, she's so very understanding. She's the ideal girl every boys dreamed of pero sorry nalang sila dahil saakin lang siya.
Actually classmate sana namin siya ngayon pero nag-stay siya sa section namin dati, she's intelligent pero ayaw niya pa din iwanan ang responsibilidad niya bilang chairman ng Section Ares. Ka-section ko sana ang girlfriend ko pero damn! Lolo threatened me at ipinalipat ako sa Section Zeus! Wala naman na akong magagawa because my grandfather is a man of his words and I can't do anything. At sa kamalas-malasan, classmate ko ang pesteng Athenang yun!
T-teka... Bakit ko ba iniisip yung nerd na panget na yun?! Nakakadiri!!!
[Babe, are you still there? Sorry hindi ako makakasabay sayo sa lunch, may ipapasa pa ako sa faculty para sa section namin eh.]she's so angelic, lahat iniintindi niya bago siya that's why I love her.
"A-ah... Yes, gusto mo bang dalhan nalang kita ng lunch? I don't want my princess to starve."she chuckled, hayyy!!!
[May lunch ako na pinadala ni mommy, and don't worry about me. Mag-lunch ka na ah? Bye!]
"I lo--"tsk, hindi ko manlang natuloy yung I love you ko sakanya at binabaan kaagad ako ng phone tsk. Siguro busy lang siya, just like these past few weeks... Nagka-LQ pa kami dahil sa pagpunta ko sa bar last week tsk.