Prologue

39 4 4
                                    

Prologe

   Sa mundong kaibabawan marami ang mga bagay na hindi nating akalain na nagiexist. Pero sa kadahilanang nandito na ito ay pinagsasawalang bahala nalang natin dahil sa wala naman tayong ibang magagawa.


   Isa na dito ang pagkakaroon ng kakayahan na makita ang mangyayari sa hinaharap. At ito ang kailanpama'y gusto ng mawala sa katawan ni Amanda ang babaeng nagagawang makita ang hinaharap.


   At sa kaniyang kakayahan makikita ang lahat ng bagay na hindi niya nais makita lalo na't sa kaniyang ulirat na edad palang ito'y nagagamit na.


   Si Amanda ay isang TA-NO kalahating Tao at kalahating Milleno. Ang kaniyang ina ay isang Milleno, samantalang ang kaniyang ama ay isang normal na tao lamang. Hindi alam ng lahi ng mga Milleno na may isang TA-NO ang nabubuhay sa Okada. Dahil sa lahi nila'y hindi pwede ang isang Ta-no, ito ay isa sa mga matinding paglabag sa kanilang kasarinlan.


   Katulad ng lahi ng mga Milleno, lingid din sa kaalaman ni Amanda ang pagiging Ta-no. Ang buong akala niya ay isa lamang siyang milleno na normal. Dahil itinago ng kaniyang ama't ina ang patungkol dito sa kaniya.


   Isa sa mga pangarap ni Amanda ay makapag-aral sa isang sikat na paaralan sa Okada ang Okada Academy ang paaralan ng mga Millenos. Ang mga taong may special na kakayahan, ngunit hindi niya ito masakatuparan dahil sa kaniyang ulirat na edad trabaho na ang araw-araw niyang inaatupag.


   Simula ng mawala ang kaniyang ina ay nag iisa na lamang siya at lansangan na ang naging tirahan niya, ngunit natapos ito ng may mag-asawang Julia at Francisco ang magdala sa kaniya sa tahanan nito. Ang buong akala niya'y magiging maligaya siya rito. Ngunit poot at sidhi pala ang kaniyang mararanasan sa pamilyang ito. Trabaho rito, trabaho doon. Pananakit dito, pananakit doon. Ganiyan ang naging buhay niya sa pamilyang ito.


   Natapos ang araw at natapos si Amanda sa katatrabaho, mga alas syete na ito nang gabi kaya nakaramdam na ang bata ng pagod at Antok at siya nga ay nakatulog sa likod bahay nila.

---

Okada Academy: School of MillenosWhere stories live. Discover now