Friendship Goals
THIRD PERSON'S POV
Hindi mapapalitan ang saya na nadarama ngayon ni Amanda kapiling ang kaniyang mga dating kaibigan sa lansangan. Nakalaya na nga siya sa minsa'y nadama niyang pasakit sa kamay ng mga umampon sa kaniya. Ito ang hindi matatawarang pagkakataon sa kaniyang buhay. Ang makasama ang kaniyang mga dating kaibigan.
AMANDA'S POV
Patuloy kong ninanamnam ang sayang aking nadarama sa araw ng aking pagbabalik dito sa lansangan ng Okada ngunit 'diko maiwasan ang pangungulila na aking nadarama sa kadahilanang wala si Jenny at lalong lalo na si Marvin.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" patuloy kaming nagtatawanan habang binabalikan namin ang mga sandaling kumpleto pa ang aming barkada. "Pero hindi ko talaga malilimutan yung mga gabing namamasyal tayo tapos isa-isa nating kinakatok at binubulabog ang mga bahay sa bayan HAHAHAHA at minsan pa tayong hinabol ng mga aso sa bahay ni manang choling HAHAHAHAHA" tumatawang sabi ni Arthur. "Eh muntikan pa nga akong makagat nung isang aso nun e jahe akala ko katapusan ko na ang sandaling iyon Hahahahaha" Humahalakhak ng todo si Iliad.
Nasa kalagitnaan kami ng pag tawa ng bumuhos ang malakas na ulan na siyang nagpadesisyon sa amin na magsiuwian na. Hindi ako sumama sa kanila, tinungo ko ang lote kung saan kami tumira ng mama ko. Dito ako magpapalipas ng gabi, upang kahit papano'y mafeel ko si mama. Miss ko na siya kung alam niyo lang.
GRACE'S POV
Ang sarap ng pag-uusap at paghahalakhakan namin ng bumuhos ang malakas na ulan, kaya nagsiuwian na kami. Mag gagabi na din naman mabuti na rin yun! "Mabuti't hindi siya sumama sa'tin, matutuloy din ang mga plano natin boys hahaha" sabi ko ng may pagkagalak.
Oo nga pala hindi sumama si Amanda, babalikan muna daw niya ang tinitirahan nila noon. Kaya mapagtatagumpayan namin ang mga naplano namin kanina. HAHAHAHA!
Pumanhik muna kami sa aming tinitirahan upang kunin ang mga gamit na gagamitin sa aming plano. "Oh Arthur, kunin mo mga bonit natin dun sa may damitan ko" utos ko kay Arthur. Tumango naman si Arthur at daling pumanhik sa damitan ko. Kinuha ko naman ang kutsilyo at dagger sa kusina, upang magamit kung may sisira o makaka-abala sa plano habang si Iliad naman ay hinihintay kami sa labas. "Grace, andito yung mga bonit" ani mi Arthur habang papalapit sa akin. "Oh sge suotin mo na yung isa, akin na din yung isa" dali-dali na kaming lumabas upang gawin ang nais namin. "Sigurado kaba sa gagawin natin Grace?" tanong ni Iliad habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad. "Heto na to, aayaw ka pa ba? Wag ka namang maduwag Iliad" tumango nalang si Iliad upang sumang ayon. At nagpatuloy na nga kami sa aming gagawing plano.
- - - -
AUTHOR'S NOTE
Pasensya n po medyo natagalan ng update. Marami kasing ginawang trabaho sa school, alam niyo Intramurals Month ngayon. Hihihihihi! Pero matagal na po 'tong tapos di ko lang agad na update, mabagal din kadi yung net. SUBAYBAY parin po tayo.

YOU ARE READING
Okada Academy: School of Millenos
FanfictionAng Okada Academy ay isang paaralan ng mga Millenos. Ang mga Millenos ay ang mga taong may special na kakayahan na hinahasa ang kanilang kakayahan sa paaralan na ito. Upang makapili ang bayan ng Okada ng mga kalahok para sa taonang patimpalak sa buo...