Chapter 2 The Come Back

39 3 2
                                    

The Come Back


Amanda's POV

   "Hayyyyyy" nagising nalang ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Naalala kong wala na pala ako sa piling nila Mang Francisco. "SA WAKAS" sigaw ko habang nagtatatalon. Isa nga akong bata.


   Naglakad na ako papuntang bayan ng Okada, upang makapaghanap ng agahan sa araw na ito. Naalala ko tuloy yung araw na dito pa ako sa lansangan naninirahan. Laro dito, laro doon. Minsan magtatakbuhan kasama ang mga kaibigan ko. Kumusta na kaya sila. Si Marvin kaya? Namiss ko tuloy sila, pero nasa labas na ako makikita ko na ulit sila.


   Tumakbo na ako ng makita ko ang mga silhouettes ng mga buildings sa bayan. Naamoy ko na naman ang hangin na para bang bagong layang preso. Ito ang pinakahihintay ko ang makabalik sa bayan, kung saan ako lumaki, kung saan ako natuto ng mga bagay-bagay. "Sa wakas, It's nice to be back" wala sa sarili kong sabi.

   Bumalik ako sa dati kong pwesto sa bayan, ang harap ng simbahan. Magbabakasakali akong nandito pa sila! Si Jenny, Iliad, Arthur, Grace at Marvin. Sana nandito pa nga sila.


   Pagkaharap na pagkaharap ko sa may simbahan, nasilayan ko na naman ang kanilang mga ngiti na nanghahawa sa lagi kung nakabusangot na mukha. Andito nga sila! "Iliad, Arthur, Grace" sigaw ko dahil hindi na ako makapag hintay na maka-usap ulit sila.


   Nagsilapitan nga ang tatlo. Yinakap ko sila isa-isa dahil sa sobrang miss ko na talaga sila. "Kumusta na kayo? Ang gagara niyo na ha." Magagara na talaga sila dahil nagbago na ang kanilang pananamit. Si Grace hindi na gusot ang damit at nakatali pa ang buhok, si Iliad naman pumuti ng kunti hindi katulad ng dati. Si Arthur naman ang taba na at ang linis na ng damit. Ano kaya pinagga-gawa nila habang wala ako.


   "Ito maganda parin" ani ni Grace na tumatawa na ng malakas ngayon. Parang timang lang. "Wala ka paring pinagbago Grace noh. Hahaha" ang sabi ko.


   Tumawa kaming apat, parang pinaglayo lang ng isang buwan mahigit, grabe na ang miss sa isat-isa. "Pero sandali" pagputol ko sa tawanan namin. "Oh anong problema Amanda?" nagtatakang tanong ni Iliad. "Asan pala yung magkapatid?"


   "Ahh si Marvin at Jenny ba?" sabi ni Arthur. "Oo" simpleng sagot ko. "Ay pala Amanda wala na sila dito sa Okada, kinuha na sila ng totoo nilang ama." Natigilan ako dahil hindi na kami kompleto. "Diba sa Hu-". "Hi-hung yun!" pagpuputol ko sa sasabihin ni Grace. "Ayy oo pala haha" nag peace sign pa sabay tawa.


   Yun pala ang kinikwento ni Marvin sa akin nung una pa. Nung iniwan sila ng ama nila dahil bumalik ng Hi-hung. Kaya tatlo nalang sila na namuhay sa Okada. Ngunit ng dahil sa pagkamatay ng kanilang Ina, naging palaboy din sila sa lansangan kagaya namin. Gusto sanang puntahan nina Marvin at Jenny ang kanilang ama sa Hi-hung para humingi ng tulong, pero wala naman silang sapat na pera para ipamasahe papunta sa kanilang Ama. "Mabuti nalang naalala sila ng Ama nila noh, para hindi na sila mahirapan pa sa buhay lansangan." sabi ko sa kanilang tatlo na ngayo'y nakatutok at parang may itatanong na hindi magawang itanong.


   "Kumain ka naba?" Si Iliad na naglakas loob na tanungin ako. "Hindi pa ee" nahihiya ko pang sabi. "


   "Ayy tara dahil na miss ka namin ng sobra, sa dating kainan ohh." Ani ni Arthur sabay takbo papunta sa sinasabi niya, ang Boogung resto. Sumunod namin kaming tatlo. Andito na naman sasalakay ang Timbog (Team bog) at manghihingi ng makakain. Namiss ko nga to!

---


Author's note

   Hi! Ito po ang dating Amanda intindihin niyo siya, sanay sa lakwatsa haha! Magpapasalamat po ako ng marami sa inyo :* Tangkilikin pa po natin to no :) Add and Follow me po in Insta rixie_pot, twitter @rixie_pot and Facebook Roderick Labasbas Puller.
Ps. Thank you ;*

Okada Academy: School of MillenosWhere stories live. Discover now