Chapter 1 The Secret

35 2 2
                                    

The Secret

   "Rody saan ka pupunta? Maawa ka sa akin at kay Amanda. Wag kang umalisrinig ni Amanda mula sa kaniyang ina na humahagulhol sa pag-iyak habang pinipigilan ang kaniyang asawa.


   "Ayoko na Amalia, pagod na akong intindihin kayong mag-ina. Ako ang ama pero mas malakas pa kayo sa akin, dahil sa kakayahan niyong yan. Sawang-sawa na akong pakinggan ang mga tsismis ng ibang tao na wala akong silbing ama sa inyong mag-ina."  ramdam ni Amanda ang lahat ng sinabi ng kaniyang ama dahil ni minsan walang isang araw na hindi pagtsismisan ng mga tao ang kanilang pamilya lalong lalo na ang kanilang ama.


   Hindi na napigilan pa ni Amanda ang kaniyang luha. Unti-unti na itong tumulo mula sa kaniyang nangungusap na mata.

   Muling dumapo ang kaniyang paningin sa kaniyang mga magulang. At eksaktong pagkatingin niya'y sinuntok ng ama niya ang tiyan ng kaniyang ina. At agad naman itong umalis. Kumaripas ng takbo si Amanda papunta sa kaniyang ina na nawalan ng malay dahil sa pagkakasuntok ng asawa. "Ina, gisingiyak ng iyak si Amanda dahil sa mga pangyayari.


   Wala na ang kaniyang mahal na ama tuluyan na silang iniwan. Paano na sila?


Amanda's POV

   "INAAAAAAAAA."  Pagkamulat ng aking mata mula sa panaginip na iyon! Hindi ko namalayang nakatulog pala ako dahil sa sobrang pagod. "Haiissss-"

   "AMANDA, bingi ka ba?  AMANDAAAAAAnaputol ang sasabihin ko dahil sa sigaw ni julia demonyita mula sa loob ng bahay nila na kanina pa pala galit dahil kanina pa ito nagsisisigaw.


   Tatakbo na sana ako papasok sa loob, nang sumakit na naman ang ulo ko. Alam ko na ang pakiramdam na ito, ito ay ang aking kapangyarihan. Tumigil ako sandali, pumikit at nagsalita "may mangyayari bang masama ulit?, Wag naman sana."


   Unti-unti'y may namumuong imahe sa aking isipan, ito ay sina Manang Julia at Mang Francisco. Parang nagtatalo ang dalawa. Natigilan ako ng mapakinggan ko ang kanilang usapan sa aking isipan "kailangan na natin siyang iligpit dahil isa siyang ta-no Julia." ani ni Francisco.


   Kaya pala tinatawag ako ni Manang Julia dahil may balak silang masama sa akin.

   Ngunit bakit? Tama ba ang narinig ko ta-no? Ito rin ba ang dahilan nang pag-alis ng aking ama? Akala ko ba ay Milleno ako? Ito ang matagal ng bumabagabag sa aking isipan. "Ano na naman ba ito?" Ang tangi kong nasabi.


   Wala ako sa katinuan ng tumakbo ako palayo sa bahay nila manang julia. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, gayong wala na akong pamilya. Ngunit may ngiti sa aking labi na ako'y nakalaya na sa isang kulungan na kailanma'y hindi ginawa para magbago ka bagkus para ika'y mag-hirap at mapagod.


   Dalawang oras na akong tumatakbo. Napahinto na lamang ako sa isang bakanteng lote sa bayan ng Okada. Dahil nangangatog na ang aking tuhod sa kakatakbo, makalaya lamang sa gagawing masama ng mag-asawa sa akin. Ramdam ko na rin ang gutom dahil mag aalas nuwebe na nang gabi at hindi pa ako naghahapunan.


   Upang maibsan ang gutom at pagod na aking nararamdaman, inilatag ko ang kaninang nakita kung karton at dito ay tuluyan nang nagpahinga, para ay makapaghanda na naman ako sa bagong bukas at araw na aking haharapin.

---

Okada Academy: School of MillenosWhere stories live. Discover now