Ito na ba ang Tamang Panahon?

83 6 8
                                    

Dumating ang lunes na dala-dala ko pa rin sa isipan ko yung nangyari nung sabado. Hanggang ngayong pauwi na ako galing sa klase dala ko pa rin. Oo aminado ako mali yung pag-iwan ko kay Crystal. Pero mas mali rin yata na magkunwari akong masaya sa binalita niya sa akin.

Nasasaktan ako at tanggap ko ‘yon sa sarili ko. May darating pa bang pagkakataon? Na masabi ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman.

“Tol!”  sigaw ni Tam sabay tapik sa balikat ko habang palabas ng school.

Kaya agad kong tinanggal yung headset na kanina pa nakalagay sa tenga ko at nilingon lang si Tam.

“Tol, pansin ko kanina pa nakabusangot yang mukha mo? Tahimik ka rin sa klase kanina. Hindi mo na nga kwenento yung nangyari sa inyo ni Crystal nung sabado e.” sunod-sunod na puna at tanong sa’kin ni Tam.

“Alam mo Tol? Hindi ko naman na dapat ikwento pa, wala rin namang magandang nangyari.” Malungkot kong pagkasabi habang nakatungo sa lupa.

“Tol! Tol!” wika ni Tam na parang may gustong ituro habang sinisiko ako. “Diba si Edward ‘yon! bakit niya kasama si Crystal at magkahawak pa sila ng kamay? Sila na ba ulit?” tanong ni Tam.

Napatingin naman ako sa direksyon kung nasaan sila Crystal. Naka hinto sila sa harap ng school habang nagaantay ng masasakyan.

“Oo, sila na ulit ni Edward” malungkot kong tugon at tumungo ulit sa lupa.

Alam kong palapit na kami ng palapit kala Crystal kaya nakatungo pa rin ako habang naglalakad.

“Kaya ka pala nagkakaganyan tol e” sabi ni Tam. “Hello Crystal!” bati ni Tam kay Crystal nang marating namin ang harap ng school.

“Hello Tam!” bati niya rin kay Tam.

Sumulyap naman ako saglit kay Crystal nakita ko na parang gusto niya rin akong pansinin pero bumalik ulit ako sa pagtungo.

Mahirap din naman na pansinin ko pa siya. Wala na rin namang dahilan para panisinin ko pa siya e, sila na ulit ni Edward. Naalala ko din nang sabihin niya sa’kin na kaya hindi niya ako pinapansin dati dahil baka magselos daw si Edward.

Bakit ba kasi ganito yung nararamdaman ko?  Nahihirapan ako. Nasasaktan sa tuwing makikita ko silang dalawa. Sana hindi ko na lang siya naging Bestfriend. Sana hindi ko nalang din siya nakilala para hindi ko maranasan ang ganitong sakit.

Dumaan ang mga araw na nagawa kong hindi pansinin si Crystal. Sa tingin ko kasi ‘yon yung best way para hindi na ako masaktan. Pero habang nilalayo ko naman ang sarili ko sa kanya, ‘yon din naman ang nagiging dahilan para mas lalo akong masaktan. Na hindi ko pala kaya. Hanggang kailan ko nga ba pahihirapan ang sarili ko? ang sagot hindi ko rin alam. Pero ‘yon din ang tanong na ako lang din ang makakalutas.

“Tol! Bakit sinama mo pa ako?” tanong ni Tam papunta kasi kami sa bahay nila Crystal.

PANYO (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon