ITO NA!
.
.
.
Ito na yung araw na may sasabihin sa akin si Crystal.
Papunta na ako ngayon sa sinabing Coffee Shop ni Crystal bitbit ang pagkaexcite, kaba at lakas nang loob na sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman.
Nakita ko agad si Crystal nakaupo sa bungad pagkapasok na pagkapasok ko. Bigla naman bumilis ang kabog ng dibdib ko habang papalapit sa kanya pero sabi ko sa sarili na ito na yung pagkakataon na hinihintay ko uurong pa ba ako?.
"Bes! kanina ka pa dyan??" bati ko kay Cyrstal saka naupo sa tabi niya.
"Hindi naman kararating-rating ko lang din!" nakangiti niyang sabi habang tinatanggal ang headset sa kanyang tenga.
"Order muna ako ah!"
"Treat ko to kaya wag na! saka naka order na rin ako Bes!" sabi niya.
"Sabi mo yan ah! ano nga pala yung sasabihin mo at ginusto mo pang dito sabihin??" tanong ko.
"kasi Bes! gusto kong magpasalamat sayo, yung pagcomfort mo sa akin nung nakaraan linggo ,malaking bagay yun para sa akin." sabi niya habang nakangiti siya sakin.
"Yun lang?? wala yun! para saan pat naging magkaibigan tayo!" sagot ko.
"ah-eh pero walang kinalaman yun sa sasabihin ko" sabi niya na parang biglang nahihiya sa kung anong sasabihin niya.
Ito na ba yung signal na sabihin ko na sa kanya? baka tama si Tam baka unahan niya pa akong magsabi.
"ahh Bes! may sasabihin din ako sayo, makinig kang mabuti sa sasabihin ko, kasi Bes Mah......" biglang napahinto ako sa pagsasalita ng dumating na yung inorder ni Cyrstal.
"Ma'am, Sir! here's your order!" Inilagay na nung crew sa mesa yung mga inorder ni crystal.
“Bes, anu nga ulit yung sabi mo??” tanong sakin ni Crystal, badtrip kasi tong crew na to e, wrong timing, ito na naman yung dila ko umuurong na ulit, kasabay pa nun ang malakas na kabog sa dibdib ko.
“wala huwag mo nalang pansinin yun? Ano pala yung sasabihin mo?” tanong ko. minabuti ko nalang na wag sabihin kasi parang hindi ko kaya.
“Bes! Huwag kang magagalit sakin sa sasabihin ko kasi tingin ko, dito ako magiging masaya at alam kong baka layuan mo ako pag-nalaman mo pa sa iba kaya...” sabi niya pero hindi niya tinuloy kasi parang nahihiya siyang sabihin.
“Bes! Ano ba talaga yang sasabihin mo?” curious na tanong ko.
“kasi…… kasi nagkabalikan na ulit kame ni Edward!” nahihiya niyang sagot.
Natahimik ako sa sinabing iyon ni crystal, parang gumuho ulit yung mundo ko sa pangalawang pagkakataon, magkahalong emosyon ang nararamdaman ko, ang sakit sakit.
“Oy Bes! Ok ka lang??” tanong ni Crystal sakin.
“Mukha ba akong OK?? Bes! Naman! minsan ka ng niloko nang lalaking iyon tapos ngayon nakipagbalikan ka na naman ulit sa kanya!... Bes! Alam mo, ayoko nang maging PANYO... PANYO na laging pupunas diyan sa mga luha mo kapag nasasaktan ka! Hindi mo alam Bes! Na hindi lang sarili mo ang sinasaktan mo kundi pati ang mga taong nakapaligid sayo!” Hindi ko na rin mapigilan na mainis kay crystal sa pagkakataong ito, agad na rin akong tumayo sa kinauupuan ko at saka umalis.
“Bes!” Sigaw niya sakin habang papalayo ako,
Alam ko na ang dahilan kung bakit hindi niya agad sinabi sa akin, kasi kailangan ko na namang lumayo sa kanya. Habang naglalakad ako, iniisip ko na bakit ba hindi niya ako magawang mahalin.
Kung ako ba siya, Mapapansin mo..
Kung ako ba siya, Mamahalin mo..
Ano bang meron siya, Na wala ako?..
Kung ako ba siya Iibigin mo...
Kaibigan na nga lang ba talaga ako sa kanya? ang sakit ng ganito, ito na naman yung pakiramdam na parang pinagsakluban ka ng langit at lupa, na hindi umaayon sayo ang mga bagay-bagay. Nandyan lang siya sa malapit pero hindi ko pa rin siya kayang abutin.
Itutuloy...
2014. ALL RIGHTS RESERVED
Author's Note
naawa na rin ako kay Lander! SAKLAP e nu? HUWAG KAYONG MAG-ALALA darating din ang TAMANG PANAHON para sa kanila Wahahaha... bibitinin ko kayo ulit pasensya na wala pa akong maisip e..
sitataako ^-^
BINABASA MO ANG
PANYO (Short Story)
Romantizm"Crystal ayoko nang maging panyo na pupunas diyan sa mga luha mo kapag nasasaktan ka!!" -Lander