PANYO

348 8 16
                                    

Pag-umiiyak tayo, minsan kailangan natin nang isang PANYO sa buhay natin, na pupunas sa LUHA natin kapag tayo ay nasasaktan.

"BES!!" Sigaw ni Crystal nang makita niya ako sa pathway ng school habang nakatingin sa Bulletin Board.

"Oy Bes, ikaw pala!" sagot ko.

"Anong ginagawa mo diyan sa harap ng Bulletin Board ha?" curious na tanong niya sakin.

"Ah-eh may binabasa lang naman ako dito"

"saan? pabasa nga!" sabay turo ko dun sa binabasa ko kanina na tungkol sa PANYO "eto lang naman pala kala kung ano na! hehehe PANYO pala ha! ang drama mo rin minsan eh noh?" sabay hampas sa balikat ko.

"Bakit wala akong karapatang magdrama?" pabibirong sagot ko.

"OO, WALA!" sabay tawa "nga pala Bes, tutal sabado bukas kita tayo sa Sentro Coffee Shop may sasabihin kasi ako sayo"

"hhmm, parang ang saya mo ngayon? bakit? hindi ba pwedeng ngayon mo na lang sabihin?" tanong ko, nahihiwagaan kasi ako sa kanya tapos ang saya niya pa ngayon.

"hahaha, BASTA! bukas ko na lang sasabihin sayo! 8 A.M. bukas ha! sige bye!" nagpaalam na siya at dali-daling punta ng room niya. Umalis na rin ako at pumunta na rin sa Room ko.

Isang linggo pa lang ang nakakaraan nang mag-break sila ni Edward, naka Move-On na agad siya? mga babae nga naman, sa umpisa talaga nilalabas yung pagiging malungkot nila. Pero ano naman kaya yung sasabihin niya saken at hindi niya pwedeng sabihin ngayon, mukang excited pa siya.

Habang naglalakad ako papuntang room hindi pa rin nawawala sa isip ko kung bakit masaya si Cyrstal at kung ano ang sasabihin niya sa akin.

"TOL!" tawag sakin ng Classmate, ka-Patner in Crime at Bestfriend kong si Tam.

"Oy! Tol!" sabi ko nung lingonin ko siya.

"Nabalitaan ko yung kay Edward at Crystal ah!" bungad niya sakin.

"Oh Tapos???" yun lang ang nasabi ko ayoko naman na kasing pag-usapan pa yun.

"Anung Oh Tapos pinagsasabi mo Tol? alam mo" sabay akbay sa balikat ko "at alam ko rin na gusto mo yang si Crystal kaya kung ako sayo.. sabihin mo na yang nararamdaman mo sa kanya kasi kung hindi....." pinutol niya yung sinabi niya.

"kung hindi ano???" tanong ko.

"kung hindi baka maunahan ka na naman ulit ng iba diyan! hahaha" sabay tawa niya sa akin.

"Gago!" ayun siniko ko siya sa dibdib pero mahina lang at iniwan ko siya sa paglalakad, lagi talaga akong pinangungunahan nitong si Tam.

"AAARAY!" sabay hawak sa nasaktang parte ng dibdib niya "Sira ulo ka talaga Tol! masakit yun ah!" sabay habol sa akin at sinabayan ulit ako sa paglalakad "Tol totoo naman yung suggestion ko!"

"Ahh bahala ka diyan!" binilisan ko ulit yung paglalakad ko.

Alam ko naman totoo yung sinasabi sa akin ni Tam pero ang kinatatakot ko lang baka masira yung friendship namin ni Crystal dahil dun. Siyempre ayokong masira yun. At isa pa ayoko magtake-advantage kay Crystal porket kaibigan ko siya at alam kong ka-bebreak niya lang liligawan ko na agad, sabi nga nila kailangan ng tamang timing!.

xxxo0oxxx

Natapos na rin yung klase, ako naman dating gawi nagpapahuli pa rin akong lumabas ng room pero this time kasabay ko si Tam, tinext kasi ako ni Crystal na hindi muna siya sasabay kasi may iba daw siyang kasabay ngayon.

"Tol! bakit hindi mo kasabay si Crystal ngayon?" tanong sakin ni Tam.

"May iba daw kasi siyang kasabay ngayon kaya hindi muna siya sasabay sa akin" sagot ko.

"Sino naman yun?" tanong ulit ni Tam sakin.

"Tol! malamang hindi ko alam, tinext nga lang ako e?"

"Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo Tol! baka maunahan ka pa, mamaya may nanliligaw na dun! ikaw din" sabi niya sabay ang nakakalokong tawa.

"Sira ulo! magkikita naman kami bukas, may sasabihin daw siya sa akin!" proud na pagkasabi ko.

"Pagkakataon mo na yun! mamaya siya pa ang unang magsabi sayo! ang awkward nun tol!" pagbibiro ni Tam sabay tawa.

"Loko ka tol! pero maaari pero malabo yun!" bigla naman akong nagkaroon ng pag-asa kaya biglang kumabog yung dibdib ko na baka... pareho nga kami ng nararamdam ni Crystal sa isa't-isa.

"Maghanda ka na sa mga sasabihin mo bukas Tol!" alam kong nagbibiro si Tam pero paano kung totoo nga yan yung tumatakbo sa isip ko ngayon.

"Tol! mukhang malabo yun!" sagot ko.

"Sus! tingin ko nga may gusto rin yang si Crystal sayo eh, baka nga inaantay ka pa niyan na ikaw ang magsabi, ang gumawa ng the moves" sabi ni Tam.

"Tol! tama na nga yan at baka maniwala na ako diyan sa kalokohan na pinagsasabi mo!"

 

Sakto at nakarating na rin kami sa sakayan ng jeep sa harap ng school. Nasa isip ko pa rin kung ano nga ba talaga ang gustong sabihin ni Crystal sa akin, baka tama nga si Tam na paghanda ko ang pagkikita namin bukas at maging buo ang loob na sabihin kay Crystal na mahal ko siya. Alam kong wala sa bukabularyo ko ang pagiging torpe pero kasi pag-nakaharap at nakausap ko na si Crystal kusa nalang umuurong yung mga dila ko. 

Itutuloy.........

2014. ALL RIGHTS RESERVED.

Athor's Note

Dahil sad ending yung nauna, pwes ito happy ending na!! WAHAHAHAHAHAHA (with echo) abangan...

sitataako ^-^

PANYO (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon