Red's P.O.V.
I opened my eyes when I sense a brightness coming from outside.
'Where am I? Is this heaven?'
Nakahiga lang ako sa paanan ng malaking punong kahoy. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. At doon ko narealize na nasa lugar nga ako. Hindi ko kabisado ang lugar kaya bigla naman akong napasigaw.
"Waaaaaaah!!!"sigaw ko.
Bigla namang nagsitakbuhan ang aking mga kasama mula sa hindi ko alam na lugar.
"Red? Red! What happen?" natatarantang tanong sa akin ni Jershey. Niyakap ko na lang siya. Hindi ko alam pero bigla akong nagkatrauma sa ginawa sa amin ni Draco. Napahagulgol ako sa kanyang dibdib.
"I-I thought that was our end." sagot ko na lang sa kanya. Niyakap naman niya ako ng mahigpit. "Where are we?"
"Don't cry. This is the safest place we can go. " sagot naman niya. Ngumiti na lang ako sa kanya. Wala nang dahilan pa para magreklamo at magtanong kung bakit nasa bundok kami. Ang importante, magkasama kami.
'I can't afford losing her from me.'
"Thank you. " tugon ko na lang sa kanya."thank you for what?" nagtataka naman niyang tanong. Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap ko sa kanya at nafi-feel ko pang mas hinigpitan pa niya ito.
"Thank you for being my friend. For everything you have done for me. Thank you for saving me. Thank you for existing just for me." sagot ko.
Kulang pa ang daan-daang pasasalamat ko sa kanya kahit alam kong nadadamay na siya at nasasaktan dahil sa akin nandiyan pa rin siya.
"I know, Kahit hindi mo sabihin yan gagawin ko pa rin ang iligtas ka dahil parte ka na ng buhay ko. Ang buhay mo at buhay ko ay iisa. Wala tayong magagawa, talagang ipinanganak tayo ng mga magulang natin para sa isa't isa." kita mo pa ito, nag-long message pa.
Tinawanan ko na lang siya kahit alam kong sobrang sweet ng sinabi niya. I know she is saying the truth. She might be the corniest person I know but, she's my friend. My bestfriend, or can I call her my sister.
"Corny mo!" naaagot ko na lang sa kanyang sinabi. Tumayo ako dahil nagugutom na ako. Nasa anong lugar ba kami at paanong dito kami napadpad?
"Maganda naman. Hahaha bilis nandoon sina Miss Shin at Heiden. Kumakain."
pagkarinigko sa salitang 'Kumakain' ay biglang naliwanagan ang aking sarili. Natakam agad ako at kinuha ko ang kamay ni Jershey at patakbong pumunta sa kinaroroonan nina Miss Shin.
***
Pagkarating ko sa kinaroroonan nila ay bigla na namang sumakit ang ulo ng lalaking iyon.
'Anong problema niya? Bakit pag lumalapit ako sa kanya, bigla na lamg sumasakit ang kanyang ulo?'
"Red, please stay farther for a moment." seryosong sagot ni Miss Shin sa akin.
Dadamputin ko pa lang sana ang isang mansanas na nakahanda sa kanilang harapan pero hindi ko na naituloy. Lumayo na lang ako ng kaunti sa kanila.
"Farther!"
Lumayo na naman ako ng kaunti. Hindi ko alam kung bakit pero unti-unting nagiging maayos ang pakiramdam ng lalaking iyon.
"OK Red please come back." tugon na naman ni Miss Shin. Nagmamadali akong lumapit sa kanya. Pagkalapit ko ay siya na namang sigaw ng lalaking namimilipit sa sakit.
BINABASA MO ANG
The Time Traveller's Diary
Viễn tưởng'Kasabay ng paglabas ng pulang buwan ay ang pagsilang ng tatlong bata na siyang magtatapos sa naudlot na digmaan. Tatlong bata na mas malakas pa kesa sa kapangyarihan ng elemento. Ang apoy, tubig, hangin, at lupa. Tatlong bata na sisimbolo sa oras...