Prologue

23 2 0
                                    


'Kasabay ng paglabas ng pulang buwan ay ang pagsilang ng tatlong bata na siyang magtatapos sa naudlot na digmaan. Tatlong bata na mas malakas pa kesa sa kapangyarihan ng elemento.

Ang apoy, tubig, hangin, at lupa.

Tatlong bata na sisimbolo sa oras. Ang Nakaraan, Ang Kasalukuyan at ang Kinabukasan.

Magiging balanse ang mundo sa pagsasama-sama ng tatlong batang ito. Pero lingid sa kaalaman ng lahat ang pagsilang ng batang nagtataglay ng pinakamalakas na kapangyarihan sa lahat.

Ang batang ito ay may kakayahang maglakbay sa oras.

Ang kanyang pagsilang ang magdudulot ng pinakamalaking kaguluhan sa lahat. '
***

The Time Traveller's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon