MOSES MOSES
Mga Tauhan:
Regina Calderon, 48, balo, isang maestro Tony, panganay niyang anak, estudyante
Aida, 18, anak niyang babae, estudyante Ben, 16, bunso, estudyante
Ana, 46, matandang dalaga, kapatid ni Regina Ang Alkalde
Ang Konsehal Mga Pulis
N: Sa isang "Apartment" sa lungsod sa Rizal, sa isang komunidad na masasabing "middle class". Tahimik dito, malayo sa daanan na pampasaherong sasakyan, mapuno at mahalamang hindi katulad ng ibang subdibisyon. Karaniwan nang ang naninirahan dito ay mga empleado ng gobyerno.
May mga alas-otso na ng gabi. Bukas ang ilaw sa sala. Nakaupo si Ben sa sopa. Mahaba ang kanyang buhok, tulad ng uso sa mga tin-edyer ngayon, at may kakisigan siya.
Bukas din ang daylight sa silid-tulugan. Nakaupo si Regina sa kabisera ng mesa at umiinom ng kape. Sa kabilang dulo, nagpupunas ng kutsara ang kapatid niyang si Ana. Nakabulaklaking pambahay si Ana, may pagkamasayahin ang mukha, nguni't ngayo'y tila nag-aalala.
ANA : (tumutunog ang plato habang nagpupunas) Kumusta ang hiningi mong bakasyon, Regina?
REGINA: Binigyan ako, puwede ba nila akong hindi bigyan.
ANA : Dapat naman. Sa buong pagtuturo mo'y ngayon ka pa lang magbabakasyon, ano?
REGINA: Ikalawa na ito. Noong mamatay ang ama nina Aida, saka ngayon. Pupuwede akong hindi pumasok kahit ilang buwan pa suguro, kahit isang taon. Marami akong naiipong bakasyon.
ANA : (tutunog ung kutsara). Ano nga pala ang sabi-sabihan sa eskwela? Siguro'y alam nila ang nangyayari?
REGINA: Alam. Pero ano ba ang maaasahan mo sa mga walang prinsipyong tao?
ANA : Sinabi mong tuloy rin ang demanda?
REGINA: Oo. Bakit hindi ko itutuloy? Kahit ano pa nga ang kanilang sabihin. Dapat nga raw magdemanda, sobra naman daw talaga ang ginawa kay Aida, pero...
ANA : Nakapag-aral si Aida doon. Kilala siguro nila.
REGINA: ang dipirensiya nga lang daw, "mayor" itong kalaban ko. Ano sa akin kung "mayor"? ngayon ba't "mayor" siya'y libre na ang kanyang anak? Wala raw mangyayari. Iba raw ang malakas ang nasa poder. Baka raw lalo pa tayong perwisyuhin.kababata pa'y wala nang prinsipyo! Mga bagong tapos pa ng kolehiyo, mabuti pa iyong " assistant principal" namin, matapang.
ANA : Ituloy mo nga. Regina, nang madala. Sobra nang talaga ang anak ng "mayor" na iyan! Ang kailangan talaga riyan ay bitay.(liligpiyin na ang mga kutsara kaya magtutunugan ulit.) Tutal, bitay din siguro ang ibibigay sa lalaking iyan.
ANA : (malungkot ang boses) Disiotso na siya sa Setyembreng ito, Regina.
REGINA: Limang taon na tayo rito. Natatandaan mo? Dito nag-"birthday" si Aida nang lumipat tayo.
ANA : Mabuti pa sigurong hindi tayo umalis sa Gagalangin, Regina. Siguro, kung hindi tayo lumipat dito-
REGINA: (nagpapaliwanag): Hindi ba dahil sa mga bata kung kaya tayo umalis sa Gagalangin.Naisip kong umutang nga tayo at ipatayo natin ang "apartment" na ito- unang-una'y dahil diyan ang malayo nga sila doon. Pinaupahan na lang natin ang bahay doon. Hindi ba't mas nagustuhan naman dito ng mga bata? Mas tahimik dito, hindi siksikan, mas-
BINABASA MO ANG
Moses Moses ni Rogelio Sikat Script
ContoMOSES MOSES written by Rogelio Sikat Short Script para sa dula-dulaan at recording. Cutted Scenes na ung mga hindi importanteng scene and nandito na lahat ung mga importanteng scenes and lines! #3 sa Istorya 06192020