Kabanata 2

4.3K 76 5
                                    

Napansin kong naging malungkutin si Lukas ng nagdaang mga araw. Tulala at mukhang may malalim na iniisip. Napapadalas rin ang paghugot ng malalim na hininga kaya naman no'ng pinapastol namin ang aming kalabaw sa parang ay, "May problema ka ba, Koy?" Tanong ko sa kanya. Itinali na muna niya ang lubid ng kalabaw sa puno ng talisay saka niya ako sinagot. Umupo siya sa malaking ugat ng puno at nasa malayo ang tingin.


"D-dalawang araw mula ngayon, pupunta na akong Maynila?"


"A-anoo? Anong gagawin mo doon? Kailan ka babalik? Bulalas ko na bagamat hirap akong makapagsalita gawa ng paninikip ng aking dibdib sa posibilidad ng aming paghihiwalay.


"May nakilala kasi akong isang coaching staff ng basketball team sa isang sikat na unibersidad sa Maynila no'ng pista sa bayan na nagkataong timekeeper ng paliga ng basketball na sinalihan ng team ko. Aniya, malaki daw ang potensiyal ko na maging bahagi ng varsity nila dahil sa pinakita kong galing sa paglalaro kung kaya nirecruit niya ako na maging bahagi ng team nila. Kinuha niya ang buo kong pangalan at address at ibinigay ko naman. At ang sabi niya sa panahong iyon ay babalik siya ng isang linggo upang ipagpaalam ako sa aking mga magulang subalit dumaan na lang ang dalawang buwan ngunit wala parin siya. Kaya naman hindi na ako umasa at naisip ko na baka may nakita na silang bagong recruit na mas magaling at matangkad pa sa akin ngunit kahapon nagulat na lang ako ng dumating siya sa bahay kasama si Kapitan upang hingin ang pahintulot nina Itay at Inay" Pahayag niya.


"Kung gano'n, bakit biyernes santo iyang mukha mo. Diba pangarap mong makapag-aral sa kolehiyo at iyan na yata ang hinihintay mong pagkakataon na makamit iyon!" Ang sabi ko naman sa pinasigla kong boses. Pero sa totoo lang para na akong maiiyak sa panahong iyon.


"Marahil iyan na ang tugon sa aking mga dasal para makapag-aral at mabigyan ng magandang bukas ang aking pamilya. Subalit hindi ko rin naman maitatwang nalulungkot ako dahil magkakalayo na tayo!"


Sa sinabi niyang iyon ay hindi ko na napigilan ang aking mga luha na pinahid ko naman ng mabilisan gamit ang aking palad. Sa pagkakataong iyon, nagtagpo ang aming mga damdamin, iisa ang nararamdaman nito, kalungkutan at pangungulila sa napipinto naming paghihiwalay. Dalawang taon narin kasi ang itinakbo ng aming pagkakaibigan. Grade 4 pa lang ako noon, at grade six na ako ngayon.


"Sanay naman ako sa hirap e, at kaya kong buhayin ang sarili sa ganitong uri ng pamumuhay kaso hindi lang naman ang sarili ko ang dapat kong igapang. May mga magulang din ako at mga kapatid na nangangarap na makalasap man lang kahit kunting ginhawa sa buhay. At sa tingin ko nasa akin ang susi upang makamit iyon!" Pagpapatuloy niya. Naantig naman ako sa ipinakita niyang pagmamalasakit sa kanyang pamilya. Nakakarelate ako sa kanyang mga sinabi dahil tulad ko, panganay din ako sa pamilya. Kumbaga kami iyong kadalasan na maging bread winner sa pamilya.


"Dalawang taon na din, Koy mula no'ng gumraduate ka sa hayskul. Kung tutuusin, second year college kana sana ngayon kaya huwag mong palagpasin ang opurtinad na kumakatok sa'yo dahil minsan lamang iyan dumadating sa ating mga buhay. Sa totoo lang masakit din sa akin na magkakahiwalay tayo. Nasanay na akong nakikita ka sa araw-araw at palagi kong kasama saan man ako magpunta. Hindi lang basta tapat na kaibigan ang naging papel mo sa buhay ko kundi isa karing ulirang Kuya sa aming magkakapatid...."Idadagdag ko pa sana ang, "At lihim kong minahal ng husto!" Subalit sinarili ko na lamang at baka pagatawanan lang niya ako.


Inakbayan niya ako. "S-salamat sa pag-unawa, Koy. Isa ka sa mga dahilan ng aking pagsusumikap. Sakali mang maambunan ako ng swerte, ibabahagi ko sa'yo ang kalahati nito!"

Hardin Ng Mga Gamu-gamoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon