Tatlong buwan na ang lumipas mula ng magtungo si Lukas ng Maynila para maging varsity ng basketbol ay wala na akong narinig pa sa kanya. Nang minsang kinumusta ko siya sa kanyang mga kapatid ay ayos naman daw ang kaniyang pag-aaral at pagiging varsity doon. Minsan umuwi pa raw ito sa kanila upang mag-abot ng kunting pera mula sa inipon niyang allowance na bigay sa kanya ng unibersidad na kanyang pinapasukan.
"Wala ba siyang nabanggit tungkol sa akin?" Ang tanong ko sa nakakabata niyang kapatid na babae.
"Wala e. Sandaling-sandali lang naman siya dito at bumalik din agad ng Maynila dahil may ensayo pa raw sila!"
Laglag ang balikat ko ng bumalik ng bahay. Naglalaro sa aking isipan ang mga dahilan na kung bakit tila yata kinakalimutan na ako ni Lukas. Ang sakit lang sa loob ko na isiping mukhang dinespatsa na niya ang aming pagkakaibigan.Saan na iyong sinasabi niyang isa ako sa mga taong inspirasyon niya sa pag-abot ng kanyang mga pangarap? Kung nagkagirlfriend na siya doon, kahit masakit sa akin, maiintindihan ko naman kasi nga lalaki siya. Pero sana hindi niya ako basta-basta iiwan na lang sa ere. Sana man lang maisip niyang nasasaktan ako sa mga pambabalewala niya sa akin. At dahil sa kanyang ginawa, napagpasyahan kong iwaglit na lang din siya sa aking isipan dahil masasaktan lamang ako kung patuloy akong aasa na may halaga pa ako sa buhay niya. Kaya naman itinuon ko na lamang ang aking buong atensiyon sa pag-aaral na bagamat salat nairaos naman kami nina Itay at Inay. Binuksan ko narin ang mundo ko sa iba upang magkaroon narin ako ng mga bagong kaibigan nang saganun unti-unti kong maiwaglit si Lukas sa aking buong sistema. Itinago ko narin si Marlu sa kahon kasama ng aming larawan at sumbrero na bigay niya upang mas mapadali sa akin ng paglimot. Bagamat unti-unti ko naring natatanggap na wala na si Lukas dahil sa pagkakaroon ko ng mga bagong kaibigan, subalit hindi ko maitatwang may mga sandali paring sumusulpot siya sa aking ulirat lalo na kapag tamaan ako ng lumbay at maalaala ko ang mga intimate moments namin noon na tanging kami lamang ang nakakaalam. Minsan kapag tamaan ako ng libog ang kabuuan parin niya ang sinasaliw ko sa aking isip habang nagpapaligaya sa sarili. Alam kong iba parin iyon sa totoong nandiyan siya sa tabi ko subalit sinikap kong makuntento sa pag-iimiganine kaysa ang tumikim ng ibang lalaki. Bagamat wala ng halaga pa sa kanya iyong pagkakaibigan namin, ngunit mahalaga parin naman sa akin iyong mga sinasabi niya lalo na ang habilin niya sa aking hinding-hindi ako titikim ng ibang lalaki. Kaya kahit nagsisimula ng lumukob sa aking katauhan ang sumpa ng pagiging bakla, sinikap ko parin na umakto na parang tunay na lalaki. Salamat na lang at nabiyayaan ako ng magandang katangiang pisikal dahil malaki ang naitulong nito upang maitago ko ang tunay na ako. Kaya hayun, kahit papaano naging maayos naman ang takbo ng buhay ko sa kabila ng sakit na idinulot sa akin ni Lukas. Sinikap ko ring hindi na maiinlab pa sa kapwa lalaki dahil sa huli ako rin ang masasaktan.
Ganunpaman, may bahagi parin sa akin na umaasang balang araw ay manunumbalik rin kami sa dati ni Lukas. Hindi ko man alam kung kailan pero ang puso ko ang nagsasabing mangyayari din iyon sa takdang panahon.
Isang araw, binayo ng napakalakas na bagyo ang aming probinsiya. Kaya naman pinalilikas kami sampu ng aming mga kabaryo doon sa malaking gymnasium sa sentro ng aming baranggay. Tanging mga damit at mahahalagang dokyumento tulad ng birth certificate ang aming dala dahil wala na kaming sapat na panahon na magligpit ng mga gamit dahil agaran na kaming pinalilikas gawa ng nagsimula ng magbagsakan ang mga puno dulot ng napakalakas na hangin na may kasamang pag-ulan. Sinundo kami kasama ng mga kapitbahay ng malaking truck na pag-aari ng barangay. Sasampa na sana ako sa nasabing truck nang biglang sumagi sa isip si Marlu,iyong teddybear na bigay sa akin ni Lukas bago siya tumulak patungong Maynila. Naalala kung nakalagay iyon sa isang kahon na naiwan sa bahay at ewan, pakiramdam ko, nagkabuhay ang aking mga paa at natagpuan ko na lamang ang aking sarili na sinuong ang malakas na ulan at hangin pabalik sa bahay upang kunin si Marlu. Dinig na dinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Inay na pabalikin ako subalit tila bingi na ako sa kanyang pagtawag.
BINABASA MO ANG
Hardin Ng Mga Gamu-gamo
RomanceMahal naman kita, ngunit sana lang kayang buhayin ng pagmamahal na iyon ang nagdarahop kong pamilya"- MARIO "Oo, at alam ko na pasan mo ngayon ang daigdig sa iyong balikat. Subalit ang kumapit sa patalim ay hindi ko kailanman itinuro sa'yo na main...