"Saan mo ba talaga ako dadalhin?" Bulyaw ko kay Lukas na sinamahan ng pagtadyak sa isa niyang paa dahilan upang gumewang-gewang iyong motor na sinasakyan namin habang paakyat sa madamong burol. Napayakap tuloy ako sa kanya ng mahigpit sa takot na baka matumba ang motor na sinasakyan namin.
"Mamaya, malalaman mo rin! At kung gusto mong hindi dito magtapos ang mga pangarap mo sa buhay, umayos ka diyan. Huwag kang malikot!" Ang pagsaway niya.
"Alam mo bang kidnapping itong ginagawa mo?
"E di, ipakulong mo ako. Isang matipuno at gwapong gwardiya nakulong dahil sa pangingidnap ng isang gwapong binatilyo. Ganda ng headlines diba?"
"Grrrr...ano ba talaga ang kailangan mo sa akin. Bakit kinakailangan pa nating lumayo?"
Hindi na niya ako sinagot. Pinagtutuunan niya ng pansin ang pagmamaneho. Medyo matirik rin kasi ang burol na aming inakyat kaya sa isang maling kambyo niya lang tiyak magpagulung-gulong kami pababa. Tumahimik na rin ako. Hinayaan ko na lang kung saan man niya ako nais na dalhin. Hanggang sa inihinto niya ang motor sa ilalim ng puno ng Talisay na noo'y nagmistulang higanteng christmas tree dahil sa dami ng mga gamu-gamong namamahay rito at nakakalat sa damuhan na nasa palibot lang ng puno. Biglaw tinunaw ang sobrang inis na aking nararamdaman ng masilayan ang tanawing iyon. Daig pa no'n ang isang amusement park na nakikita ko sa mga palabas sa telebisyon. Sa ibabang bahagi naman ng burol ay naroon ang dagat kaya naman napakalamig ng pagbugso ng hangin sa aking balat. At sa dako pa roon ng karagatan ay makikita ang mga nagkikislapang mga ilaw na mistulang gamu-gamo narin sa sobrang layo.
"Ang ganda naman dito!" Hindi ko na napigil ang sarili na ibulalas ang magandang tanawin na aking nakikita.
"Madalas ako dito kapag gusto kong mapag-isa!" Ang narinig kong pahayag ni Lukas. Binuksan niya ang u-box ng kanyang motor at kinuha mula doon ang isang portable mat at inilatag iyon sa silong ng puno ng talisay. May nakita din akong isang tangkay ng rosas at nakasupot na mga pagkain at isang bote ng wine. Lahat iyon ay napagkasya niya sa u-box ng kanyang motorsiklo. Nang matapos niyang inilatag ang mga iyon, laking gulat ko ng bigla siyang umakyat sa puno at nang makababa, hawak na niya ang isang gitara.
"Gusto mong malaman na kung bakit dinala kita rito, diba?" Ang tanong niya sa akin sabay lapag ng kanyang gitara sa banig. Hindi ako nakasagot agad. Puno ng katanungan ang aking isip sa kung para saan ang gimik niyang iyon. Lumapit siya sa akin, inabot niya ang aking kamay saka hinila ako para samahan siya na maupo sa banig na inilatag niya. Tumalima naman ako. Umupo ako sa harap niya. Sa tulong ng kanyang maliit na chargeable lamp, kitang-kita ko ang napakaamo at gwapo niyang mukha. Tumitig siya sa akin.
"Ito ang lugar na kung tawagin ko ay hardin ng mga gamu-gamo. Isa itong paraiso para sa akin dahil talaga namang napakanda ng lugar at napakapresko ng hangin na nagmumula sa karagatan diyan sa ibaba. Iyang mga maliiit na ilaw na naabot ng iyong mga paningin, iyan ang siyudad ng Maynila..." Pahayag niya. Namangha naman ako dahil hindi ko inakala na Maynila na pala ang sa dako pa roon ng karagatan. Parang ang lapit lang lasi at tanging ang malawak na karagatan lang ang naghihiwalay sa aming kinaroroonan."...Nang matagpuan ko ang lugar na ito, naisip ko na dito ko dalhin ang taong noon paman ay idinadambana na ng aking puso, ang taong ninanais ko na makasama habang ako'y nabubuhay. Alam kong walang-wala ako, isa lamang akong hamak na gwardiya dahil bigo akong makamit ang mga pangarap ko sa buhay, ganunpaman, ako naman iyong taong may paninindigan at marunong tumupad sa pangako. Sa simpleng pamumuhay na mayroon ako, iyon ang ipangtataguyod ko sa isang pamilya na gusto kong buo-in na bagamat hirap, marangal naman!"
BINABASA MO ANG
Hardin Ng Mga Gamu-gamo
RomanceMahal naman kita, ngunit sana lang kayang buhayin ng pagmamahal na iyon ang nagdarahop kong pamilya"- MARIO "Oo, at alam ko na pasan mo ngayon ang daigdig sa iyong balikat. Subalit ang kumapit sa patalim ay hindi ko kailanman itinuro sa'yo na main...