Aaliyah's POV
*kring kring*
Ano bayan inaantok pa ako, "Ayoko pang gumisiiing" Pinatay ko ang alarm clock ko, tinakip ko sa mukha ko ang malaki kong unan, ayoko pa talagang gumising anong oras na kase ako natulog kagabe. Pinilit kobg tumayo at naligo narin ako, mga ilang minuto ako sa banyo dahil sa bagal kong gumalaw.Pagkatapos kong magbihis ay bumaba agad ako at kumain. Mahilig akong magluto ng ramen tuwing umaga, simula ng magpadala ang tito ko ng ramen nagustuhan kona 'to.
Medyo nakakatakot dito sa bahay tuwing gumigising ako ng maaga dahil ako palang ang gising, sila Mommy at Daddy kase tanghali na nagigising. Well, si Daddy 6:00 sya nagigising para magwork, pero ako ang nauuna sa kanyang nagigising dahil 4:00 ako nagigising.
Naramdaman ko agad ang malamig na simoy ng hangin pagkalabas ko. Pumara ako ng taxi papuntang school, hindi kona muna gagamitin yung kotse ko dahil inaantok pa ako para magdrive. As usuall, pagdating na pagdating ko binati agad ako ng mga kaibigan ko, at sure ako na may chika nanaman sila.
"Hello Liyah! Alam moba pagkapasok na pagkapasok ko dito sya agad ang nakita ko! Hihi Im so happy!" Kahit kaylan talaga ang ingay-ingay ni Rose at laging may chika tungkol sa crush nya. "Weh? Talaga bang sya ang una mong nakita? Eh diba si manong guard ang una mong makikita bago ka pumasok? Naku naku." Pang-aasar ko sa kanya. Ngumuso nalang sya at tumawa. "Aaliyah, Alam moba si Kenne---" Pinutol ko ang sasabihin ni Mandy dahil alam ko kung tungkol kanino ang sasabihin nya.
"Kung ano man yun, wala na ako dun at wala akong pake." Seryosong sabi sa kanila. Wala na akong pake kung anong balita sa kanya. Matagal ko naring kinalimutan kung anong meron samin dati, Past is past.
"Okay, sabe mo eh." Pumasok na kame sa room at nakadikit nanaman samin ang dati kong bestfriend na plastik pala. "Hello!" Kitang-kia ko nanaman ang plastik at pilit na ngiti nya samen nakakairita, pero kung plastikan ang gusto nya, I'll give it to her.
"Oh? Bakit di mo kasama sina Lexie? Diba tropa kayo?" Alam kong may pang-aasar sa tono ng pananalita ni Thania, kahit kaylan talaga lagi nyang binabara 'tong si Francheska.
"Ayokong sumama sa kanila, puro kalandian kase alam nila eh kaya sa inyo nalabg ako sasama." Wow ha. Sya nga ang dahilan kung bakit naging malandi sina Lexie, dahil lagi syang nagpapasama gumala para lang makipagkita sa mga lalake nya.
"Sorry ah. Hindi ka belong dito eh." Natatawang sabe ni Rachel, ang atapang talaga nila. Well, tama lang na maging matapang kami para hindi kami apiapihin ng mga 'to. Ngumuso nalang si Francheska at bumalik na sya sa upuan nya ng may dumating na teacher. Magkakatabi lang kaming apat kaya lagi kaming nagdadaldalan, thats our hobby.
Break time na at sinabihan ko sina Rose na mauna na sila kasi may kukunin lang ako sa library. Naiwan ko kase kahapon yung payong ko sa library, dahil lagi akong nagbabasa dito ng favorite story ko sa wattpad.
Pagpasok ko sa library dalawang tao lang ang nandito, ang librarian at ang isang lalakeng nagbabasa ng...wattpad? Wow, meron palang lalaki na nagbabasa nito, how cute. Kinuha kona ang payong ko sa isang table atsaka umalis. Pumunta na ako ng canteen at dumeretso sa table nila Rose. "May sasabihin ako sa inyo." Mukhang interesado naman sila sa sasabihin ko dahil lahat sila napatigil sa pagkain.
"May nakita akong lalake kanina sa library, nagbabasa sya ng wattpad story." Nakita ko ang gulat sa mga mukha nila, mahilig kaming magkakaibigang magbasa ng wattpad kaya dun nalang kami nagkakaroon ng crush, except kay Rose na hindi fictional ang crush.
BINABASA MO ANG
Isang daang tula para sayo
Teen FictionLahat ng tao naghahangad na mapansin sila ng crush nila at dahil sa katorpehan natin nahihiya tayong magpakilala sa kanila ng personal. Ganun ang kwento ni Aaliyah, siya ay edukadang babae at hindi nya inaasahang maiinlove ulit sya matapos ang pangl...