Chapter 4- Date or Punishment?

32 2 0
                                    

Thania's POV

"So anong palusot natin para papuntahin siya sa Resort?" Tanong ko sa kanila. Hindi namin sinabi ang totoong dahilan kung bakit kami umabsent nung Thursday kay Aaliyah, surprise nga diba? Pinuntahan din namin ang resort na pagcecelebrate-an ng birthday ni Aaliyah bukas.

"Hmm.. Kunyare nalulunod si Mandy tapos papapuntahin natin siya dun."

"Wow nice idea. Ano na lang ang sasabihin ni Aaliyah? Walang silbi ang life guard? Isip-isip din." Oo nga noh. Ano kaya? Ilang minuto rin kaming nag-isip. Maya-maya ay may naisip na si Rose na paraan. Sumang-ayon naman kami sa plano niya at nag ayos na kami para sa decorations bukas.

Bumili kami ng balloons na puro letter ng pangalan ni Aaliyah. Bumili naman sina Rachel at Rose ng confetti para sa pagsurprise kay Aaliyah. Pagkatapos namin mag-ayos ay tumawag kami sa shakey's para umorder pizza, sinabi ko naman sa kanila ang dating expirience namin ng family ko sa shakeys na if its late its free. Kaya were hoping na sana malate haha.

Ang usapan ay 3:30 madedeliver na pero, 3:25 na wala parin ang pizza namin kaya malaki ang chance na malelate 'to.

"Sana malate! Para walang gastos. WAHAHAHAHA!" Excited na sabi samin ni Mandy. Sana nga talaga malate.

3:29 na nagkatinginan kaming lahat at sumigaw. "Yehe--"

*ding dong*

Wews.

Nawala ang tuwa sa mga mukha namin at pumunta sa pinto para kunin ang order namin at binayaran ito ni Rachel. "Hays ano bayan akala ko late." Natawa nalang kami kay Rose.

"Hayaan mona hindi naman ikaw yung nagbayad eh." Pang-aasar ko kay Rachel. Nagtawanan nalang kami at kinain ang order naming pizza.

---

"Bye! Goodluck satin bukas!" Nagmaalam na kami kay Mandy, kaylangan pa namin ihanda ang sarili namjn para bukas.

Nagkahiwa-hiwalay na din kaming tatlo nila Rose.

Pag-kauwi ko sa bahay ay ganon parin, nag-lalasing nanaman ang magaling kong tatay halos araw-araw na nga eh.

"Hi Ma." Bati ko kay Mama at bumeso sa kanya. Hindi ko pinansin si Papa wala rin namang pake sakin 'yon. Dumeretso ako sa kwarto ko para magpahinga. Narinig ko na kumatok si Mama sa pinto ng kwarto ko, "Baket po?" Sabi ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto.

"Kumain kana ba? May pagkain pa tayo dun sa kusina, baka nagugutom ka." Ang sweet talaga niya sakin, pero yung napakagaling kong tatay hindi man lang matanong kung Okay lang ba ako,at kung kumain naba ako, Ni hindi niya man lang napapansin na hindi ko siya pinapansin o sadyang wala talaga siyang pake.

"Kumain na po ako. Kayo? Kumain na po ba kayo?" Sasagot na sana siya ng biglang sumigaw ang magaling kong tatay sa baba.

"Miranda! Bili mo pa ako ng alak!" Hinawakan ko ang braso ni Mama at hinayaan na ako ang sumagot.

"Ikaw kaya ang bumili! Tutal ikaw rin naman ang iinom eh! Anong silbi ng paa mo?!" Sigaw ko sa magaling kong tatay. Hinawakan ako ni Mama sa balikat para pakalmahin ako. Eto namang magaling kong tatay nagalit, bakit? Totoo naman ang sinabe ko ah?

"Aba, nasabat kana ngayon ah! Tatay moko, kaya dapat nirerespeto mo ako!" Nagpintig ang mga tenga ko sa salitang 'RESPETO' Hindi kona napigilan ang sarili ko at sinigawan ulit siya kahit na pinipigilan na ako ni Mama.

"Respeto?! Wow! Haha! Nagpapatawa ka ba?! Kung sino man ang dapat irespeto dito, KAMI 'YON! Ni hindi mo nga kayang kausapin kami ng maayos eh! Lagi ka nalang galit! May nagawa ba kami sayo?! Wala naman diba?! Ano ka?! Pinaglihi sa sama ng loob?!" Sa sobrang galit sakin ng magaling kong tatay ay binasag niya ang isang vase sa lamesa namin. Nagulat kami sa ginawa niya kaya pinigilan naman siya ni Mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isang daang tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon