Aaliyah's POV
Pagpasok ko sa school... Alam niyo naman kung anong magaganap diba? Tinanong ko kay Mandy kung bakit sila absent kahapon.
"Bakit kayo absent kahapon?" Napatingin sila sakin at parang nagtuturuan sila sa mga mata nila kung sino ang sasagot, anong meron?
"U-uh kasi.. Uhmm.. May ano..may family reunion kami! Oo tama! Hehe."
Ang weird ng galawan nila ah hindi ko nalang 'yon pinansin at hinihintay ang kasagutan nina Mandy, Rose, at Thania."Ahmm.. Anong oras na kase ako nagising kay ganun ahaha." Napakamot si Thania sa ulo niya nang sabihin niya ang mga katagang 'yon.
"Medyo nakafeel ako ng sakit ng ulo." Sabi ni Mandy habang hinihimas ang kanyang ulo. Napatingin naman kaming lahat kay Rose.
"Alam niyo naman 'yon diba?" Tumango-tango kami nang malaman ang kanyang tinutukoy. "Okay kana?" Tanong ko kay Rose. I hope she can easily recover dahil mahirap na baka makaapekto sa studies niya.
"Yeah. Im okay. Im fine now." Nakangiting sabi samin ni Rose.
"Hmm..Good to hear. Just remember guys na hiwag nating hayaan na saktan lang tayo ng mga lalaki nayan. Remember, Our.."Sweeg." Sabay-sabay naming sabi. We love saying that word, and its our friendship name. Naisipan namin na gawing pangalan ng grupo namin 'yon nang mapanood namin ang Kdrama na may Sweeg, alam niyo naman siguro kung ano 'yon diba?
Dumeretso na kami sa room at himala hindi kami ginulo ni Francheska, thats new.
---breaktime---
"Ano ba?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Naagaw ang atensyon namin sa dalawang babaeng nag-aaway. Pinagkukumpulan na sila ng mga estudyante kaya nakipagsiksikan kami para makita kung sino yun.
"Sorry..hindi ko sinasa--" Hindi na natapos ng isang nerd ang sasabihin niya nang mag-salita muli si Francheska.
"Hindi mo sinasadya? Kaya pala saktong-sakto sakin ang pagtapon ng pagkain mo!" Halatang galit na galit si Francheska dahil punong-puno ang uniform niya ng spaghetti.
Lumapit si Francheska sa nerd at sinabunutan ito, nagulat kami sa ginawa niya. That's so immature of her. Hindi niya ba talaga maintindihan na hindi sinasadya nang nerd 'yon? Sa bagay hindi naman talaga siya nag-iisip.
Nagulat kaming lahat nang itulak ng malakas ng nerd si Francheska kaya ito napaupo sa sahig.
"Ang kapal ng mukha mo!" Nang-gagalaiting sabi ni Francheska. Napayukom ang kamao nang nerd at tinignan nang masama si Francheska. Seriously? Wala bang balak ang mga ibang teachers na awatin sila? Imposible naman kasing awatin sila nang mga estudyante dahil puro War freak ang mga ito.
"Sabi nang hindi ko sinasadya eh! Bakit ba hindi mo naiintindihan?! Tanga kaba?!" Natuwa ako sa inaasal ngayon ng nerd kay Francheska, thats right girl! Siya palang ang may balak na labanan si Francheska sa harap ng madaming tao kaya marami ang namangha at nagulat.
Tumayo si Francheska at taas noong tinignan ang nerd. "Who do you think you are para pagsabihan ako niyan?" Tumawa ito ng mahina at nagsalita muli. "Youre just a dirt in this school, so dont you dare fight me back. Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo." Umalis na ito at umalis narin si nerd kaya nagsibalikan narin kami sa aming mga table.
"Lumabas ang tunay na kulay ng isang Francheska Melli." Napairap sa hangin si Rose at bahagyang napatawa. Hindi ba siya nahihiyang ipakita ang santanita niyang ugali sa madaming tao? Ay, walang hiya pala siya,Haha. I dont like fights and Definitely Im not a kind of people who always involved on fights, but I enjoy watching it when Francheska looks pathetic in front of many people.
BINABASA MO ANG
Isang daang tula para sayo
Teen FictionLahat ng tao naghahangad na mapansin sila ng crush nila at dahil sa katorpehan natin nahihiya tayong magpakilala sa kanila ng personal. Ganun ang kwento ni Aaliyah, siya ay edukadang babae at hindi nya inaasahang maiinlove ulit sya matapos ang pangl...