Aaliyah's POV
Pagpasok ko sa school ay walang sumalubong sakin, Asan sila? Nilibot ko ang buong school pero di ko parin sila nahanap, siguro absent. Hays kaylangan ba talaga silang apat pa ang absent? Parang nawalan tuloy ako ng gana pumasok.
Nakinig naman ako ng mabuti sa tinuro ng teacher namin, wala kase akong kadaldalan eh. Okay din minsan na mag-isa dahil nakakapagconcentrate ka sa isang bagay.
Mag-isa lang ako sa table dito sa canteen, naalala ko agad yung nagmessage saken kagabe. Klyde Delos Reyes, hindi familiar sakin yung pangalan nya siguro kilala ko sya sa mukha.
"Hello Miss, Can I seat with you?" Hindi ko nalang sya pinansin. Wala namang masama na katable ko sya, wala lang talaga akong time para makipag-usap sa iba.
Habang patagal ng patagal ang oras unti-unti na akong naboboring kaya kinausap kona yubg katable ko.
"Anong pangalan mo?"
Nakangiting tanong ko sa kanya syempre dapat friendly, ngayon lang 'to wala kase sina Thania eh. Tumingin sya saken ng nakangiti, may itsura pala sya ha.
Sasagot na sana sya nang mag-ring yung bell, umalis na agad siya at nagpaalam sakin. Badtrip, hindi man lang nya sinagot yung tanong ko.
Absent ata ngayon si Hiro, hindi kase sya pumasok sa class namin or baka nagditch class? Hindi rin. Teka, bakit ko ba sya iniisip? Nababaliw na ako.
***
"Aaliyah!" Napalingon ako sa likod ko nang may tumawag sakin. Lumapit sakin si Ester na may dalang paper bag.
"Bakit Ester?"
"Uhmm.. May nagpapabigay sayo, eto oh." Inabot nya sakin yung paper bag na dala-dala nya. Sino naman kaya nagpapabigay neto? Binuksan ko ang paper bag at nakita ko ang isang teddy bear at tatlong rosas sa loob. Tinignan ko ang papel na nakadikit sa paper bag baka nakasulat dito kung kanino galing 'to.
To: Aaliyah Johnson
From: K<3May kutob ako kung sino 'to. Napatingin ako kay Ester pero wala na pala siya sa harap ko. Hinanap-hanap ko siya pero wala na siya dito. Nagpasya na akong umuwi. Dumaan muna ako sa Mcdo at umorder nang fries. Matagal narin akong hindi nakakakain dito kaya nagstay muna ako. Nilagay ko sa tenga ko ang headphone ko at nakinig sa favourite music ko. Habang nakain ako ay may naramdaman akong kakaiba kaya bumilis agad ang tibok ng puso ko. Tumingin-tingin ako sa paligid at nanlaki ang mata ko ng makita ko siya. Anong ginagawa nya dito?
Nakatitig parin ako sa kanya habang siya ay taimtim na nagbabasa habang nakaheadphone, Hilig nya talaga magbasa ng wattpad parang laging nakadikit sa kanya yung libro, pero nakakaadik naman talaga magbasa ng wattpad lalo na kung maganda ang story. Maya-maya ay tumayo na siya at naglakad palabas umiwas ako ng tingin sa kanya para di niya ako makita baka mamaya akala niya sinusundan ko siya. Kaya pala bumilis ang tibok ng puso ko dahil nandito siya, ang lakas talaga ng presence nya pagdating sakin. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako, natawa nalang ako sa sarili ko kasi parang akong baliw dito nangiti nalang basta-basta.
Pagkatapos kong kumain ay umalis narin ako at dumeretso ng umuwi. Pagkadating ko sa bahay ay nakalock ang pinto buti nalang meron akong extrang susi sa bahay namin. Binuksan ko kaagad ito at mukhang wala atang tao? Tinignan ko kung may nakasulat sa sticky notes na letter na nakadikit sa ref na laging ginagawa ni Mommy tuwing naalis sila ni Dad, hindi naman ako nagkamali.
Aaliyah magdedate muna kame ngayon ng Dad mo. Nagluto narin ako ng ulam para hindi ka magutom, gagabihin kase kame ng Dad mo eh ipapasyal nya daw ako sa Tagaytay. Huwag kang magpapasok ng kung sino-sino. Love you!
-Your Mom
BINABASA MO ANG
Isang daang tula para sayo
Teen FictionLahat ng tao naghahangad na mapansin sila ng crush nila at dahil sa katorpehan natin nahihiya tayong magpakilala sa kanila ng personal. Ganun ang kwento ni Aaliyah, siya ay edukadang babae at hindi nya inaasahang maiinlove ulit sya matapos ang pangl...