Prologue

22.1K 216 56
  • Dedicated kay Kyle
                                    

Sabi nila, masarap raw magkaron ng tinatawag na best friend, lalo na kung opposite sex. Bakit? Exciting kasi yung ganun. Having a best friend in the opposite sex means having someone who will stand as an older brother and also a father. Minsan pa, dadaigin pa niyan ang role ng tatay mo.

Masarap magkaroon ng best friend na lalaki.

Kasi siya yung mang-aaway sa lalaking nagpaiyak sayo, siya yung lalaking madalas mapagkamalang boyfriend mo. Siya yung taong palagi mong maaasahan, pwede mong tawagan anytime. Siya yung taong makakaintindi sayo kahit na maypagka-lukaret ka. Siya yung taong tanggap ka kahit gaano ka kabaliw, yung taong mangangakong hindi ka iiwan hanggang sa huli. Kasama mo siya sa pag-iyak mo, at kahit na alam ng iba na magbest friend lang kayo, hindi nila mapipigilang isipin na meant to be kayo.

Siya yung taong ayaw na ayaw na masasaktan ka. Yung taong sobrang mag-aalala sayo. Yung taong magmamahal sayo higit pa sa pagmamahal ng boyfriend mo. Yung kaibigan na mas higit pa sa best friend mong babae.

Masarap magkaroon ng best friend na lalaki.

Wag ka lang maiinlove.

__________

Ito ang storya ng pagakaibigan at pagmamahalan niKrish at Stephen... ang magkababatang nagsimula sa asaran, hanggang sa ang asaran ay naging seryosohan... seryosohan kung puso ang pag-uusapan.

Paano kung ma-inlove ka sa best friend mo? Sasabihin mo ba sa kanya? Paano kung mainlove rin siya sayo? Magwowork ba?

STATUS: Friendzoned [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon