Krish's POV
Nakauwi na ako sa bahay galing sa isang mini date namin ni Kristian. Nilibre niya ako ngayon dahil nakuha na niya yung sweldo niya para sa buwang ito.Ang sweet talaga ng boyfriend ko.
Ang swerte ko sa kanya, kasi kahit na madalas nababalewala niya ako dahil sa work niya, hindi naman niya nakakalimutang bumawi sakin. Nagiging patient ako pagdating sa kanya. Masyado ko siyang mahal kaya naman sobra ko ring nabe-baby. Parang nanay na nga yata ako eh. Kasi ba naman, kapag oras ng pagkain, hindi ko nakakalimutang ipaalala sa kanya. Kulang na nga lang ipagluto ko rin siya eh.
---
Mommy: Anak, tumawag si Stephen dito kanina ah.
Krishna: Bakit daw po?
Mommy: Hindi ko sigurado eh. Pero mukhang may problema. Tawagan mo na lang.
Krishna: Wag na ma, bayaan mo siya.
Mommy: May problema ba, anak?
Krishna: Wala po, ma. Nagdadrama lang yun si Stephen.
Mommy: Eh kamusta kayo ni Kristian?
Krishna: Ok naman po.
Mommy: Alam mo anak, wag kang magagalit ha. Pero mas gusto ko kasi si Stephen para sayo. I mean, hindi lang kayo bagay, talagang may chemistry pa kayo.
Krishna: Ano ba yan ma, may nalalaman ka pa talagang chemistry ha. *natawa ako*
Mommy: Bakit? I like him because he became a man enough to face your debut guests and tell them how much he loves you.
Krishna: Well mommy, it's so almost 3 years ago. Wala na sakin yun.
Mommy: Pero aminin mo, natouch ka sa ginawa niya. *nang-asar na parang kinikilig*
Krishna: *natawa* Naman ma. Kaya lang, sa buhay, hindi pwedeng habambuhay kang aasa sa isang pangako na matutupad ito. Saka, alam mo na. Baka masyado lang siyang nadala nung sinabi niya yun. Kasi iba na ngayon.
Mommy: Umupo ka nga, para ka namang nagmamadaling umakyat na naman sa kwarto mo, magkwentuhan muna tayo. Nakaluto na naman ako eh.
Krishna: Mommy talaga oh. Bumabaik sa pagkabata?
Mommy: Ano na bang nangyari kay Stephen? Bakit di na kayo nagkatuluyan?
Krishna: Hindi kami meant.
Mommy: Paano ka naman nakakasiguro?
Krishna: Nararamdaman ko?
Mommy: Yun nga ba ang totoo mong nararamdaman o yun ang nararamdaman mo dahil yun ang pinipili mong maramdaman?
Krishna: Ano ba yan, ma. The Buzz lang? *natawa*
Mommy: Nakikita ko sa mata mong hindi pa siya nawawala sa puso mo.
Krishna: Di naman talaga mawawala yun. Yun nga lang, di na siya ganun kahalaga.
Mommy: Ok lang yan, bata pa naman kayo eh. Pwedeng si Kristian nga ang para sayo, o pwede ring balang araw, babalik sayo si Stephen. Basta enjoy mo lang ang life anak. Wag masyadong i-rush ang pag-ibig.
Krishna: Mama, is that you? Haha.
Mommy: Ang korni ko diba?
Krishna: Hahahahaha. Ganyan ka ba kay daddy noon?
Mommy: Ano ka, siya ang ganito sakin. Siya ang baliw sakin. *natawa rin*
Krishna: Yan tayo eh. Lakas ng fighting spirit. Hahaha.
Mommy: O sige na, magbihis ka na at kakain na tayo.
---
Umakyat ako sa kwarto ko.
Bakit kaya hanggang ngayon, hindi pa rin makaget over si mommy kay Stephen? Ang tagal na nun. Sigurado akong masasaktan si Kristian kapag narinig niyang si stephen pa rin ang gusto ni mommy para sakin.
Kaya naman pilit ko nang binubura sa alaala ko ang masakit na nakaraan namin ni Stephen. Para sakin, tapos na yun. Wala nang patutunguan pa kung matutuloy man ang sinasabi niyang pakakasalan niya ako balang araw.
Pero oo, aaminin ko, sobrang sakit nun para sakin. Na pakawalan ang isang taong sobra kong minahal. Kaya lang, ito na ang tama ngayon. Ako man ang may gusto na maging mas close sila, okay na ito.
Basta tama na ang kabaliwang ito.
Tapos na.
Isasarado ko na ang puso ko para sa kanya.
---
END OF CHAPTER
BINABASA MO ANG
STATUS: Friendzoned [COMPLETED]
Fiksi RemajaHow do you draw a line between LOVE and FRIENDSHIP? FRIENDZONED - a term used to describe a relationship status where one falls in love with a friend and he/she doesn't get back the feeling in return. Copyright © 2012 | SHYIEESOLOVE