Kristian's POV
I trust her so much. I know she's not gonna break my trust. But there's something really bothering me. Totoo nga bang wala na talaga siyang feelings para sa best friend niya? Totoo nga kayang nakalimutan na niya ang nakaraan nila?I love it.
The way she hugged me so tight just to assure me na ako lang ang mahal niya.
Ang sarap sa feeling nung ganun, na alam mong takot siyang mawala yung taong mahal niya sa kanya.
When she answered the phone, ramdam kong hindi na siya ganun kainteresado sa best friend niya. Na-touch ako na hindi na niya hinayaang matuloy pa lahat ng sasabihin sa kanya ni Stephen. She really values me so much, at sobrang vina-value ko rin siya.
She's a really thoughtful girl.
Bilang girlfriend, napakamalambing niya. Kaya hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na mas mahalin pa siya ng sobra eh. Kasi pakiramdam ko, worth lahat ng pagmamahal, effort, at panahon ko sa kanya.
For almost a year, nakita kong mahal na mahal niya ako. Pinaramdam niya yun sakin at hindi siya nag-fail. Nata-touch pa ako kapag nasa work ako, tapos pagod na pagod ako at makikita ko na magtetext siya, kahit na 2am na.
"Mahal, wag mo kakalimutang kumain ha? Ingat ka pag-uwi. Pray. I love you so much"
Simpleng text. Pero sobrang nakakataba ng puso.Kaya naman kahit merong konting pagdududa sakin na baka may lihim silang koneksyon ng best friend niya, hindi ko siya magawang bitawan. Dahil sobrang napamahal sakin si Krishna, na hindi ko yata kayang isauli pa siya sa dati niyang mahal. Akin na siya ngayon, at hindi na ako papayag na meron pang aagaw sa kanya.
Pero hanggang saan ko nga ba kayang tiisin ang paunti-unting pagdududa ko? Paano ba niya maaalis sa isipan kong wala na talagang namamagitan sa kanila ni Stephen?
She hugged me so tight.
Madalas niya akong yakapin, pero ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ngayon niya lang ako niyakap na may kahalong takot at kaba. Ramdam kong takot na takot siya nang marinig kong sinabihan siya ng best friend niya ng i love you.
Oo, masakit para sakin na marinig yun. Galing pa sa lalaking mahal na mahal niya noon.Pero nung niyakap na niya ako, at inassure niya saking ako lang at wala nang iba, kuntento na ko dun.
Hindi na niya kailangang kumalas sa best friend niya.
Maiintindihan ko naman yun.
Siguro?
Ewan ko.
Hindi ko alam kung hanggang kelan ko paniniwalaang wala na nga talaga.
Pero as long as pinaparamdam niya sakin na ako lang, hindi ako magdadalawang isip na mas mahalin pa siya, ingatan siya, at wag siyang pakawalan.
Magduda man ako, alam kong hanggang ako ang mahal niya, at hanggang ako ang kasama niya, maipaparamdam niya saking mahalaga ako.Hindi lang basta mahalaga, kundi mahal na mahal pa.
Mahal ko si Krish.
Kaya naman iingatan ko rin siya at aalagaan kagaya ng pag-aalagang ginagawa niya sakin.
Pakiramdam ko, pangalawang nanay ko siya. Kasi sobra siyang mapagmahal, at sobrang unconditional. Minsan naguiguilty na nga ako na hindi ko siya madalas mareplyan sa mga text niya, hindi ko siya mabigyan ng mga mamahaling regalo kapag monthsary. Hindi ko madalas maibigay sa kanya ang pinapangarap ng mga babae na pagtrato sa kanila ng mga boyfriend nila, pero kahit na hindi ako perpekto, kahit na minsan nababalewala ko siya, hindi ako nakarinig ng reklamo sa kanya.
Hindi ako nakarinig ng sumbat.
Palaging, "ok lang mahal"
Minsan, parang ang sarap humanap ng dahilan para magalit siya sakin, pero talagang wala akong magawa. Palagi niya akong iniintindi, palagi niya akong pinagbibigyan.
Kaya napakaswerte ko na nasakin siya ngayon.
Malas lang ni Stephen na pinakawalan niya ang babaeng katulad ni Krish na sobra-sobra kung magmahal.
At dahil nga akin si Krish, hindi ako papayag na mabawi siya sakin ng best friend niya.
-----
END OF CHAPTER
BINABASA MO ANG
STATUS: Friendzoned [COMPLETED]
Teen FictionHow do you draw a line between LOVE and FRIENDSHIP? FRIENDZONED - a term used to describe a relationship status where one falls in love with a friend and he/she doesn't get back the feeling in return. Copyright © 2012 | SHYIEESOLOVE