Chapter 4

124 2 5
                                    

Buong hapon kong hinanap si Jungkook, tsk. At nung mga 5:00pm na, nakita ko rin siya.

Tumakbo ako papunta kay Jungkook na naka upo sa hagdanan. Nakakairita na talaga yun. Natakot nga ako sa letter na iniwan niya sa locker ko. Shet. 

Nung palapit na ako, nakita ako ni Jungkook. Ngumiti siya at nagwave siya sakin. 

"Hi Cat-"

"ANO TO HA? IKAW HINDI NA AKO NATUTUWA SA GINAGAWA MO." galit kong sinabi 

"Luh ano ba ginawa ko?" tumayo siya at nawala yung ngiti niya

"IKAW- YUNG LETTER NA TO JUNGKOOK YUNG LETTER NA TO."

"Hala?? Pag may nangyare sa'yo na masama ako ba talaga isisisi? Cath naman oh. Patingin nga!" galit niyang sinabi. Gusto kong umiyak ng sobra. Kung hindi siya, edi sino?

Binigay ko sakanya yung letter at binasa niya ng mabilis. Tumingin siya sakin ng mga ilang seconds at hinila ako paakyat ng hagdanan."Jungkook ano baa" nagcrack boses ko. Hindi ko na mapigilang umiyak at hinayaan ko nalang lumabas ang mga luha sa mata ko. 

Dinala niya ako sa rooftop kung saan may lumang sofa na naka pwesto sa dulo nung rooftop. Pinaupo niya ko at tumabi siya sakin. Iyak pa ako ng iyak dahil hindi ko talaga mapigilan yung takot na nararamdaman ko. Tinapik ni Jungkook ang kanyang balikat. 

"Sandal ka muna." at sumandal ako

"Sorry nung kanina ah. Medyo nawala ako sa sarili ko. Alam kong natatakot ka ngayon dahil dun sa letter, pati ako rin eh medyo natatakot,  kung anong pa mangyare sa'yo." teka. bat may pake siya sakin? 

"Kaya dito ka muna umiyak. Ilabas mo na kung anong iniisip mo. Basta pag may kailangan ka, nandito lang ako." sabi ni Jungkook habang nakatingin sa paglubog ng araw. Napatingin ako sakanya at tumingin rin siya sakin. Ngumiti siya at pinunasan ang mga luha na nasa mukha ko. 






Bat ako nakikilig?

~~

HAIIIII SORRRYYY sa late updatee huhu. Nakakabaliw yung school ngayon kaya K.O. ako pagdating sa bahay. Anyways, See you next chapter! - HopeArmy



Give me Love || BTS JungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon