Kaso one day,parang nag-iiba feelings ko sa tuwing kasama ko si Andrei.Hindi ko
maexplain kung bakit sa tuwing kasama ko sya,bumibilis takbo ng puso ko.
Sa tuwing hahawakan nya kamay ko para ipangkulangot nya,bumibilis heartbeat ko.
At basta,parang kinakabahan ako bigla pag hinahawakan nya ko.Mahal ko na kaya sya?
"Hoy Lampa!" Napaayos naman ako ng upo nang marinig ko yung boses nya.
"B-bket?" Bat ganun?Bat ako nauutal?Eto na naman.Kinakabahan na naman ako.
"Oh,bat ka pinagpapawisan?Nako.Sa tuwing tatawagin kita,lagi kang ganyan."
Lumapit sya sakin pagkasabi nya nan.As in yung supeeeeeer lapit.Mas lalong
bumilis heartbeat ko.Bumulong sya sakin,
"Inlove kna sakin noh?" o__O Natulak ko sya dahil sa sinabi nya.
Pisting lalaking to.
Ano bang pinagsasabi nya?
"Hahahahahahaha."
And he laugh out loud.Hinawakan ko gamit ang dalawang
kamay yung pisngi ko,syeeeyt langs.Bat ako nagbablush?
Tumakbo ako palabas ng room at dumiretso sa girl's cr.Humarap ako sa salamin nun.Huminga ng malalim,naghilamos at humarap ulet sa salamin.
"Bat ba ko namula?"tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.
"Mahal ko na ba sya?"umiling ako sa sinabi kong yan.Hindi,hindi pwedeng mahalin ko sya.
"Pero,bakit?" *big sigh* Umupo ako sa may lababo,nakatalikod syempre sa salamin.
"Mahal ko na nga ata sya." Napayuko ako sa sinabi kong yan.
"Ayaw kong ituloy tong feelings ko for him.For sure lalayo yun sakin.
Kaibigan lang naman ang tingin nun sakin eh.Ramdam ko yun :("
Mahal ko na nga si Andrei Aranda.Nainlove ako sa taong una palang kaaway ko na.
Una palang,di na kami magkasundo at una palang magkaibigan lang kami.Haaaay.
Bat ganun?Kung sino pa yung taong hate na hate mo,sya pa yung minahal mo.
Di naman ako easy to get eh.Actually September na ngayon eh pers dey op skul
nagsimula ang lahat.Odiba?Matagal na den kaya hindi ako easy to get.Pero,
bat nga ba ako nainlove sa kanya?
"Busett.Bat ba ako nainlove sayo ha?" tanong ko ulet sa hangin.
Ako lang naman nandito sa cr eh.Kse nga class hours na ngayon.
*Creek* tunog ng pintong binubuksan. HA?! T-teka,ako lang nandito sa Cr pero bat
bat bat bumubukas yung pinto sa may unang cubicle?May multo ba dito? :/
*Creek* *blaaaag* WAAAAAAAAAAH!May multo nga.Tumalikod lang ako at nagtakip ng
mukha.Huhuhu.Nagdadrama po ako,pero bat horror ang nangyare?
*tok tok tok* tunog yan ng takong ng sapatos na naglalakad papunta sakin.
"Nooooo.Wag po..Bata pa po ako.Wag nyo po akong kunin"
Sinabi ko yan habang yung isang kamay ko nakatakip tapos yung isa naglalayo sa multo.Basta ganun.iGets nyo nalang. Papalapit nang papalapit yung sapatos.Nung wala na kong marinig,napabuntong hininga ako pero nakatakip pa den yung mga kamay ko sa mukha ko.Tumigil saglit yung pagkakakaba ko.Pero,
"AWOOOOOOOOOOOOOO!!"
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!" Nasampal ko yung multo.Sigawan ka ba naman
daw sa tenga ng awoo?Bastos na multo 'to ><
"Hahahahahaha.A-ang epic hahahahaha ng mukha mo hahahaha" Walang duda.
Bestfriend ko talaga sya -_- Ang sama ni Alexa Salvador.
Nabatukan ko naman sya habang tumatawa.Tumigil sya sa pagbatok ko.
"Ang sama mo Salvador!Pano kung atakihin ako sa puso?Gaga ka talaga -_-"
"hahahaha.Sorry naman.Ang drama mo kse masyado bestie eh."0_0
So narinig nya pala?Nakakaynis naman.Hayae na,atleast bestfriend ko yung nakarinig.
"*sigh* ang hirap kse bestie eh."Yan nalang nasabi ko.
"Anong mahirap dun?Mahal mo sya,edi sabihin mo sa kanya."
"Eh pano naman?Di yun maniniwala for sure.Una palang naman pansin mo na
diba?Magkaibigan lang kami.Magkaibigan lang...turing nya sakin :("
"Malay mo,he feels the same with yours"
"Malabo eh."
Napayuko nalang ako sa sinabi kong yan.Tinap naman ni Bestie yung likod ko.
"Pwede mo namang sabihin sa kanya eh.Kung iiwasan ka man nya,tanggapin mo.
Kse alam mo,hindi sa lahat ng pagkakataon na magconfess ka,magiging kayo or
magiging ganun din yung nararamdaman nya.That's love bestie.Unfair."
Love expert? Si Alexa Salvador yan eh.Actually,sya talaga ang tagabigay ko ng advice when it comes
to love.Well,sa mga crush lang mga ganun.Eh iba na kse 'to eh,LOVE na 'to hindi na GUSTO.
"Parang ang panget kse tignan bestie.Babae pa talaga magcoconfess sa lalaki."
"Wala namang panget eh.At hindi panget pag ang babae ang magconfess.
Syempre ikaw unang nakafeel nean eh,edi ikaw nalang din ang unang magsabi sa
kanya.Kesa naman,tinatago mo yan sa puso mo.Mas mahirap yun.Saka,hindi
naman malandi ang tawag sa mga babaeng nagcoconfess sa lalaki eh,sadyang
nasanay lang tayo na yung lalaki ang unang nagcoconfess." May point sya.
"Pero,what if iwasan nya nga ako?" tanong ko sa kanya.
"Tanggapin mo.Kakasabi ko lang diba na hindi sa lahat ng pagkakataon
magiging ganun din ang sukli nya sa pagcoconfess mo.Aminin mo lang
yang nararamdaman mo para hindi ka mahirapan sa pagtago,hindi para
mahalin ka rin nya."
Niyakap ko lang si Alexa.I'm very thankful dahil naging bestfriend
ko 'tong babaeng 'to <3