"Mahal ko na talaga sya.Mahal na kita."
Nung araw na sinabi nya sakin yan,halos lumabas yung puso ko sa tuwa.Nagulat pa nga ko kse ako pala yun.Ako yung Mahal nya.Haaaaay.Ang sarap sa feeling ng inlove ^____^ Yung mga luha kong malapit nang lumabas nun,biglang umurong.Ang saya saya ko nun eh.Kaya nung araw na yun tinanong nya ko kung pwedeng manligaw,di ako pumayag.Kasi dun palang sinagot ko na
sya agad-agad,karakaraka.
Tuwang-tuwa naman kami nun.Masaya ako,masaya sya.
Pareho kaming nagmamahalan hanggang ngayon.Walang nagbago sa samahan namin.
Parang magkaibigan pa din.Laging nag-aasaran pero biglang magiging sweet den.
Nagulat nga si Bestie&Jeric nung nalaman nila,masaya si Bestie dahil masaya ako.
Pero di nya padin close si Andrei hahaha.Si Jeric?Ewan ko kung masaya samin.
Pero alam ko oo,kse sumama pa sya samin magcelebrate nun eh.
Nakangiti din naman sya.All in all masaya kami ngayon.Masaya lahat.Masaya ako.
"Bestie."
Kaming dalawa lang pala ni Alexa magkasama ngayon kse nagdodota yung
dalawa eh.Si Alexa&Jeric?Ewan ko ba dyan kung sila bang dalawa :D
"Bket parang ang seryoso mo ngayon?" tanong ko kay Alexa.Ang seryoso naman kse.
"Ayoko na kse tong patagalin pa Bestie eh.Si Andrei kse," Nagulat ako sa pagkakasabi
nya ng pangalan ni Andrei.Anong meron kay Andrei?Kinakabahan tuloy ako.
"Bket?Anong meron kay Andrei?" tanong ko.
"Sbe nya sakin...."
"ANO?Alexa naman.Diretsuhin mo na,kinakabahan na ko dito oh?"
"Sbe nya kse sakin sa text kgbe,"Oy Lexa,may gusto ka sakin diba?Kaya kunwari
suplada ka para pigilan mo feelings mo sakin :D""
Yun lang pala -_- Eh matagal nang mahangin yan si Andrei eh,what's the big deal?
"Hahahaha.Yan lang naman pala Bestie eh bat ang seryoso mo?"
"W-wala lang.Nagulat lang ako sa sinabi nya.Sge,una na ko.Gabi na eh.
Sabihin mo nalang sa kanila,nauna na kong umuwi.Naiinip ako sa
paghihintay eh.Babye~"
Tumakbo sya palayo.Ha?Anong meron kay Alexa?
Ang weird nya ngayon.Ilang minutes pa ako naghintay,dumating na din yung dalawa.
"Nasan na si Alexa?" tanong ni Jeric.
"Nauna na.Nainip kakahintay sa inyo eh."
Sabi ko.Inakbayan lang ako ni Andrei tapos sumabay nalang den samin si Jeric.
"Grabe yung nakalaban namin Sweetie,magagaling masyado sa dota hahaha.
Buti nalang di kami nagpatalo ni Jeric.Kaya panalo pa kami!"
Araw-araw puro dota nalang ang napag-uusapan namin.Although,di naman ako marunong nun kaya Oo nalang ako nang Oo.Minsan,naiinis na din ako kse puro dota nalang ang topic namin.Parang wala na nga sya saking time eh.After ng school,diretso dota na sila,maghihintay lang kami,tapos pag dating hatid nalang.Walang time eh.Walang-wala.
Sa text?Walang topic.Ako lge ang nag-iisip kung pano pa papahabain ang usapan namin.
Sa call?Ganun din.Wala syang EFFORT&TIME kung baga.Mahirap yan.
"Uy,nakikinig ka ba Sweetie?Kanina pa ko nagkkwento dito oh?"
Kinaway-kaway nya yung kamay nya sa harapan ko.
"Mahal mo ba talaga ako?"
Natanong ko bigla sa kanya.Nagulat din naman sya pati si Jeric sa biglang pagtanong ko nun.
Di sya nakasagot agad,kaya tumawa nalang ako.
"Hahahaha.Bat ko nga ba 'to tinatanong?Wag mo nang sagutin.Alam ko naman na
Oo sagot eh hahaha.Pano pa naging tayo kung di mo naman ako mahal diba? hahaha.
Don't mind it Sweetie." Fake lahat ang tawa ko.Pilit nalang.
"Hahaha.Baliw ka talaga Sweetie.Sge,pasok kna.Gabi na oh?Magdodota lang
ulet kami.Goodnight Sweetie,Iloveyou :*" Ngumiti nalang ako tapos umalis din sila.
Haaaay.Bat ko ba kse yun tinanong?
AUTHOR'S NOTE:
Nasa Media yung picture ni Janine&Andrei ^______^