Chapter 2

6.1K 182 2
                                    

Chanyeol's P.O.V

Hello!~ Ako si Chanyeol Monterial, six years old na ako at nag-aaral ako sa Enchanted Academy. Alam niyo naman kung anong uri ang mga nag-aaral dun noh? Hindi?

Well ieexplain ko..
*Ehem*

Enchanted Academy:

-Dito nag-aaral ang mga Power user para matrain sila sa kanilang mga kapangyarihan..
Kailangan nilang magsanay para sa dadating na WAR. Kaya habang bata pa daw ay kailangan mailipat na sila sa school na iyon upang matrain sila agad.

Yan lang alam ko kasi yan sabi sa akin ni Papa eh. Hehehe, si papa kasi ang namamahala ng Enchanted Academy. Namatay na daw yung may- ari sabi ni papa. At sabi ni papa ay Tita ko daw siya kasi kapatid siya ni papa.

Hay, sayang hindi ko pa siya nakikita..

Nga pala, ang kapangyarihan ko ay Fire Element. Astig diba? Hahaha!
Naaastigan ako sa kapangyarihan ko eh. At first takot ako kasi bata pa lang ako at nalaman ko na may kakayahan akong gumawa ng apoy. Ngayong may isip na ako ay natanggap ko naman ang kapangyarihan ko. Actually ang dami ko ng alam na tricks about sa Fire eh. Hehehe, habang walang pasok sa school ay tinuturuan ako ni papa kung papaano gamitin ang kapangyarihan ko.

Pero sabi ni papa may isa pa akong kapangyarihan, ito ay ang black magic. Isa daw ito sa pinakamalakas na kapangyarihan sa buong mundo ng power user at walang kakayahan na ganto ang mga DEMON ENCHANTERS

Sa tingin niyo, may iba pa bang taong may Black magic? Feeling ko meron pa eh. Hindi lang isa, kundi dalawa pa. Sino kaya ung dalawa na yun? 
Kahit six years old pa lang ako, kaya ko ng mag-investigate noh. Hehehe ^^

Saka na lang yan kapag medyo matured na ang isip ko, kapag may isa pang evidence ako nakuha dun lang ako mag-iinvestigate. Hihihi, detective conan ako ngayon ^^ Joke lang :P

Nga pala, sabi ni papa andito daw sa bahay namin ang anak ni Tita.
Hm, at sabi ni papa pinsan ko daw siya kailangan i'aproach ko daw siya kasi mukang wala daw siyang naging kaibigan kaya makipagkaibigan ako sa kanya tutal magpinsan naman kami eh..
Gusto ko na siyang makita kaya pupunta na ako sa kwarto niya. Hehehe ^^

Ng makarating na ako sa pintuan ng kwarto niya, kumatok na ako..
*Knock.knock.knock*

"Pasok" tipid niyang sabi at parang walang buhay. Malungkot pa siguro siya dahil sa nangyari sa nanay na. Hay, ang alam ko, 4 years old pa lang daw siya. ang bata pa niya..
Ng pumasok ako ay nagulat siya at ako..

B-Black and red ang kwarto niya at may kinds of flowers and trees and veins.
Nakakatakot ~.~

"S-sino ka?" utal niyang tanong
"H-huwag kang mag-alala, pamangkin ako ng mommy mo kaya pinsan mo ko" pilit kong maging masaya sa kabila ng takot ko. Natatakot ako sa kwarto niya pero siya, maamo ang muka niya. Nakabukas naman ang ilaw kaya nakita ko siya. Bigla naman nag-iba ang expression ng muka niya, naging maamo na. kanina kasi takot siya. Mukang natakot ko, hindi naman ako nakakatakot :3
"May kapangyarihan ka rin ba?" mahinhin niyang tanong
Tumango ako at naglabas ng maliit na apoy sa kamay ko. Bigla naman siyang lumapit sa akin at halata sa muka niya na manghang-mangha siya sa kapangyarihan ko

"Wow! Ang ganda naman! ^^" sabi niya. Ang cute niyang ngumiti. Pero pamiliar ang ngiti niya 
"Uhm p-pwede mo ba akong turuan kontrolin ang kapangyarihan at gamitin ang kapangyarihan? Hehehe" nahihiya niyang tanong. Ang cute niya talaga. hehehe
"Sige tsaka para makilala kita ng lubusan ^^" masaya kong sabi at tumango naman siya ^^
"Ngayon na tayo magsimula ^_^" masigla niyang sabi. Hahaha, ang energetic naman itong batang to. parang walang problema.
"Alam mo na ba ang kapangyarihan mo?" tanong ko at tumango siya

The Magical EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon