Madilim ang paligid. Tanging mga computer screens lang ang nagsisilbing liwanag sa buong kwarto. Sa harap ng mga ito, naroon ang isang babae. Magulo ang ayos ng kanyang buhok at abala ito sa pagta-type sa harap ng kanyang computer.
"Vince Lim," ani nito. Nakatingin siya sa isang litrato ng isang lalaki na halos kaedad lang niya na nasa monitor ng computer. Agad namang may lumabas na mga papel sa printer at dali dali niya itong kinuha.
Binabasa niya ang mga nakasulat sa papel na yon at saka tumango-tango. Mga impormasyon tungkol sa negosyo ni Vince ang laman ng papel. Nakahanap na naman siya ng bagong negosyong nanakawan.
"Mapapasakin ang lahat ng nasa 'yo." Isang mapusok na ngiti ang naglagi sa kanyang mga labi.
--
Patingin-tingin siya sa paligid. Nasa isang party kasi siya at hinahanap niya si Vince Lim. Nakita naman niya ito agad, nakikipag-usap ito sa dalawang lalaki na may kaedaran na.
Inilapag na niya ang wineglass na hawak niya sa mesa at lumapit kay Vince Lim.
"Gentlemen, can I talk to Mr. Lim for a minute?" Walang takot niyang sinabi sa mga lalaki. Sila kasi yung mga 'elders' sa Mafia na kinabibilangan ni Vince. Tumango naman ang mga lalaki at sumama naman si Vince sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito? Nandito si Lani. Baka makita ka niya." Natatarantang sabi ni Vince sa kanya. "Hindi ba't sinabi ko na wag ka munang lalabas? Alam na niya ang tungkol sayo."
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nalaman ko lang kanina... buntis ako," sinabi na niya ang dapat niyang sabihin. "Buntis ako Vince."
Maiguguhit ang pagkabigla sa mukha ni Vince. Agad namang niyang kinuha ang kanang braso ng dalaga at dinala sa sulok, kung saan walang makakarinig na tao.
"Krizelle, hindi ito ang tamang panahon para sa mga biro mo. Alam kong gusto mong magkaanak tayo. Gusto ko rin na-" Hindi na naituloy ni Vince ang kanyang sasabihin.
"Hindi ko gagawing biro ang ganitong balita, Vince. Natatakot ako, hindi ko lang talaga alam kung anong gagawin ko." Tumutulo na ang luha sa mga mata ni Krizelle. Nagbunga ang pag-iibigan nila. Nagbunga ang bawal na pag-ibig nila.
"Kailangan mo nang lumayo," ani ni Vince habang pinupunasan nya ang mga luha niya. Napatingin din siya sa tiyan ni Krizelle at lumambot ang ekspresyon niya sa mukha. "Hindi na kayo ligtas dito."
Ang hindi nila alam... may mga matang nakatingin sa kanila.
---
Nagmamadali sa pagmamaneho si Vince. Papunta siya sa kinaroroonan ni Krizelle at ng anak nila. Nagulat nalang siya nang biglang may tumawag sa cellphone niya, sinagot naman niya ito agad.
"Napatawag ka?"
"Nasaan ka? May emergency meeting tayo." There's a sense of urgency sa tono ng asawa niyang si Lani.
"Hindi ako makakapunta, may mas importante pa akong dapat gawin," palusot ni Vince.
"May mas importante pa kesa sa meeting na 'to? Ano naman yan ha, Vince Lim?" Mayroong pagdududa sa tono ni Lani.
"Nagkakagulo na daw yung mga tao sa planta natin sa Quezon. Kailangan kong ayusin 'yon agad bago pa makarating sa media." Pinag-isipang mabuti ni Vince ang mga sinabi niya. Mabilis kasing magduda ang asawa niya sa mga sinasabi niya.
"Sa Quezon na naman? Bakit hindi ba matapos tapos ang problema dyan?" Biglang naputol sa pagdadakdak si Lani, base sa tunog sa kabilang linya, mukhang kinausap ng secretary niya. "Aasahan ko ang pag-uwi mo mamayang gabi, Love." Ibinaba naman agad nito ang telepono.
BINABASA MO ANG
Criselda: A Mafia Royalty
AdventureSi Criselda ay anak sa labas ng isang Mafia boss at ng isang hacker. Her mother was killed by her father's legal wife. Because of this, she's determined to avenge her mother's death by taking over the mafia her father once led. She manipulates every...