"Cris! Ano ba! Ang tagal mo!" tawag ni Baning sa anak nya. Papunta na kasi sila sa graduation ni Criselda sa college.
"Teka lang 'Pa!" Nasa kwarto naman niya si Criselda. Naglalagay siya ng make-up sa mukha niya. Nakasuot siya ng isang puting semi-formal dress at itim na heels. Nang matapos siya sa pagmemake-up, agad niyang kinuha ang maliit na itim na bag na nakalagay sa kama niya.
Nagmamadali siyang bumaba sa hagdan dahil alam niyang matanda at mainipin na si Baning. Nadatnan naman niya ito sa tapat ng isang silver na sasakyan, nakasimangot at nakakunot ang noo.
Nginitian niya ito, "Pa, graduation ko po. Hindi lamay." Siniko niya ang matanda na para bang inaasar, "'Wag kang sumimangot dyan. Lalo kang nagmumukhang matanda eh."
"Ang tagal mo, hihintayin mo pa yata akong mabulok dito bago ka lumabas ng bahay," reklamo ni Baning. Binuksan niy ang pinto ng driver's seat at pumasok na rin naman si Criselda sa passenger's seat.
"Pa, ang gwapo mo ngayon. Mukha kang nasa late 30's," compliment ni Criselda kay Baning nang makaupo na silang dalawa sa loob ng sasakyan. Ngumiti naman si Baning.
"Ikaw rin, anak. Mukha kang nasa late 30's," pang-aasar ni Baning kay Criselda nang maistart na niya ang sasakyan. Tawa ito ng tawa habang nagmamaneho.
"Papa naman!" hinampas ni Criselda ang balikat ni Baning at saka tumingin palayo na parang nagtatampo.
Lumaki si Criselda sa pangangalaga ni Baning. Kinupkop niya ang dalaga nang mawala ang kanyang ina sa maraming dahilan. Ang pag-aampon din kay Criselda ang dahilan kung bakit iniwan siya ng kanyang asawa noon pero hindi ito alintana ni Baning, may plano siya para kay Criselda at sa Vexare Mafia.
Ipinaalam nito sa dalaga ang nangyari kay Krizelle at pinalaki niya ito upang turuan kung paano maghihiganti laban sa kanila. May sariling dahilan din si Baning kung bakit mas pinili niya ang paghihinganti kaysa sa nararamdaman ng kanyang asawa na tutol noon sa pag-aampon kay Criselda.
Istrikto siya sa pagpapalaki kay Criselda, tinuturuan niya rin ito ng self-defense, martial arts at paghawak ng baril. Pero kahit na parang sundalo ang pagpapalaki niya sa bata, magaan din naman ang loob niya rito, kaya nga't parang tunay na mag-ama na talaga ang turing nila sa isa't isa.
---
Nakatingala si Criselda ngayon sa isang mataas na gusali. Nasa harap siya ng Lim Industries, ang kumpanya na itinayo ng tunay niyang ama.
Hindi niya akalaing makakapasok siya sa isang prestihiyosong kumpanya katulad nito. Makikita na rin niya sa wakas ang kapatid niya... at ang taong pumatay sa kanyang ina. Hinihintay niya ang pagkakataong ito.
Pumasok siya sa loob at lumapit sa receptionist. Hindi niya alam ang mararamdaman niya ngayong parang unti-unti nang natutupad ang mga plano nila ni Baning dahil nakatapak na siya sa teritoryo ng mga Lim.
"Criselda Valdez?" May lumapit sa kanya na isang lalaki.
"Ako nga po." Nginitian niya ito upang makapag-iwan siya ng magandang impression.
"Sumunod ka sa akin."Ngumiti rin ito sa kanya. "Ako ang maglilibot sa iyo sa workplace mo. Ako si Jon," pakilala nito.
Pumunta naman sila sa tapat ng elevator at naghintay. "Alam mo, ang swerte mo. Iilan lang ang mga fresh graduates sa kumpanyang ito. Matalino ka sigurado?" papuri sa kanya ng lalaki.
Nahihiyang ngumiti si Criselda, "Salamat?" Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa papuri sa kanya ng lalaki. Pagbukas ng elevator sa tapat nila'y nakita niya ang taong matagal na niyang inaasam na makita, si Lance Lim, ang half-brother niya.
BINABASA MO ANG
Criselda: A Mafia Royalty
AventureSi Criselda ay anak sa labas ng isang Mafia boss at ng isang hacker. Her mother was killed by her father's legal wife. Because of this, she's determined to avenge her mother's death by taking over the mafia her father once led. She manipulates every...