Chapter 2
CHELSEA'S POV
We're here now at MOA. Naglilibot libot muna kami, we're looking for an Italian Restaurant.
"Sissy! Ang daming pogi kanina no? But, WE. ARE. STILL. BAD. GIRLS." then we laugh. "Oh, yeah."
After naming kumain, dumeretso kami ng Forever 21. May nakita ako dung isang dress na color red, so I get one na kasize ko. Naghiwa-hiwalay muna kami para makapili ng gusto ko.
Namimili pa ako iba, then suddenly may bumangga sakin. Nalaglag tuloy yung bitbit kong mga dress! Fuuu----!!
"Hey! Ang laki laki ng daan! Bakit ka namamangga?!" Tumigil lang sya sa paglalakad. Tapos naglakad ulit. Dinampot ko yung mga nalaglag na dress tapos hinabol ko sya. Hinablot ko yung buhok nya kaya napaharap sya. "Hey?! Alam mo bang wala pang nananabunot sakin ha?! At isa pa, hindi kita binangga. If I know ikaw ang gumawa ng paraan para bungguin ako. sa gwapo kong ito?"
Argh! "Ang yabang mo!! Shit! Ikaw ang nangbangga! Hindi mo ba ako kilala?! I'm the famous CHELSEA RHIANNA RIVERA!" Sabi ko sa kanya habang tinuturo ang sarili ko. "Oh?! Talaga? Kailangan ba kilala kita? Pero sorry miss ha?! Di kita kilalala e. I'm just wasting my time on you. By the way, I'm Dustin Louie Jimenez. Bye" tapos tumalikod na sya at iniwan akong nakatulala dun. Argghh! Nakakainis. kumuha nalang ako ng shorts and hanging blouse at binayaran na din yun. Hinanap ko sila Kiana at Chloe. Nung tapos nila yun bayaran, hinila ko na sila palabas.
"A-Aray naman! Bakit kaba nanghihila?!" tanong ni Chloe. "Oo nga!" tanong naman ni Kiana. "Argh!! Nakakainis syaaaa!!!" napalakas ata kaya madaming napatingin.
Hinila ko nalang ulit sila papasok ng HappyLemon. Pagpasok namin--- Nandun sya!! "Uy, Chels. Sino ba yung nakakainis?" tanong ni Kia. "Sya!" sabi ko sabay turo dun sa Dustin na yun.
"Ha?! Sissy!! Ang pogi." narinig kong sabi ni Chloe kay Kia. Kaya bumulong nalang ako, "Gwapo nga, mayabang naman, -_-" Buti nalang di nila narinig. Oorder na sana kami nang pupunta din yung Dustin na yun sa counter. Malapit na ako eh! Sobrang lapit na! Isang hakbang nalang naunahan pa ako nito.
"Hey! Ano ba?! You're so ungentleman! Nakita mo namang pupunta na ako, inunahan mo pa ako! Kanina ka pa ha?!" sabi ko, tapos hinampas sya sa likod, kaya napatingin sya sakin. "Oh! Look who's here. Sinundan mo nanaman ako. Sabi na nga ba e!" Argh!
"Sir, Mam? Ano po bang order nyo?" tanong nung cashier. "Milk tea with Oreo Cookies & Cream" -- "Milk tea with Oreo Cookies & Cream" sabay naming sabi. Argh! Hays -,- Ayun para di na humaba ang usapan, pinauna ko na sya. Pagharap ko kila Chloe nakatulala samin habang nakanganga. "Hoy! Sissies!" ayun nabalik sila sa ulirat. Haynako. Isa nalang ang bakanteng table, ang likod ni Dustin. Argh.
Pagkaupo namin, may binulong sakin si Kiana "Uy sissy! May chemistry kayo ah." Umiinit nanaman ulo ko dahil bukod sa sinabi nya sinusundot nya pa yung tagiliran ko. "Tigilan mo nga ako Kiana." then I rolled my eyes. Humagikhik naman sya.
After namin sa mall, we decided to go home. Magkaparehas kami ng condo unit ni Kiana. Sa condo kami nakatira. Nung makarating kami ng elevator pinindot ko na yung pang 16th floor, pasara na sana nung may pumasok na lalaki. Di ko na pinansin kasi I'm reading Chloe's text.
Oh, kung naguguluhan ka kung bakit kasama ko mama ko kanina.. Well, I just decided to sleep there. Akala ko kasi hindi uuwi si mommy.
*Ting* Lalabas na sana ako nung bigla akong inunahan nung lalaki. Kaya napaupo ako. Ouch. Nasprain ako. Nakaheels ako e.
"Ouch! Ahhh! Kiana t-tulungan mo ko. M-masakit. Ahhh! A-aray." Inaalalayan nya akong tumayo pero hindi ko talaga kaya. Kaya napapikit ako. Nagulat nalang ako ng bigla kong naramdaman na may bumuhat sakin. Matigas yung chest. Di ko makita kung sino kasi nakapikit ako. Sobrang sakit kasi.
"San ba dito unit nyo?" narinig kong tanong nung lalaki. Pamilyar yung boses nya sakin. Pero masakit talaga. Nakapikit ako nung naramdaman kong nakaupo na ako sa sofa. Masakit talaga.
Naramdaman kong inalis nya yung heels ko at inikot yung paa ko. "OUCH!!" narinig kong inutusan nya si Kiana kumuha ng yelo. Pagmulat ko nang mata ko, nagulat ako kaya nahigit ko yung paa ko. "Aww" si Dustin kasi yung lalaki. "Ayan kasi. Akina yung paa mo." tapos kinuha nya yung yelo at nilagay sa paa ko. 30 minutes nya yun nilagay sa paa ko kaya nabawasan yung pain. Pinakuha nya din ng bandage si Kiana tapos nilagyan nya ng bandage yung paa ko.
Binuhat nya ako bigla kaya napatili ko. Dinala nya ako sa room ko at kumuha ng isang unan at dun pinatong yung sprained ankle ko. Tapos kinausap nya si Kiana.
"Chelsea, dun daw yung unit nya sa 804, so katabi natin sya ng unit kasi 803 ito e. Doorbell nalang daw tayo pagkailangan mo ng mag a-assist sayo." sabi nya kaya tumango ako. Nagpakuha nalang ako ng tshirt tapos nagpalit. may shorts naman ako e--- Zzz.