Chapter 4
CHELSEA'S POV
Kahapon every 3 hours pumupunta si Dustin samin, lagi nyang inaasikaso yung paa ko. Aba! Dapat lang! Sya kaya may dahilan kubg bakit ako nasprain! Tukmol sya!!
Today is Monday, iika-ika akong maglakad dahil kay tukmol. PinaX-ray din namin itong paa ko. Di naman daw ganun kalala yung pagkasprain.
Nalaman kong kila Dustin palang ospital yung kahapon kaya wala na kaming binayarang bill.
Kasama ko si Kiana, kumakain ng marshmallow. Nahilig na sya dun! Ewan ko ba, nalaman nya kasi na yung crush nyang si Morris ay mahilig kumain ng marshmallows. Ma-t'turn on daw si Morris sa kanya. Hay -,-
Naglalakad kami ni Kiana nang nay mabunggo ako... CORRECTION: MAY NAKABUNGGO SAKIN. Masakit kaya sa balikat!
"Ano ba miss! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!" Sya.
"Hoy! ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO! IKAW NGA NAMBUBUNGGO JAN EH! AKALA MO KUNG SINO K---" pag angat ko ng tingin. Napahinto ako.
"IKAW?!" sabay naming sigaw.
"OO! ANO NAMAN NGAYON KUNG AKO NGA?!" sigaw ko pabalik.
'Grabe si Chelsea! Kinakalaban nya yung Campus Prince ng Roswell's Academy!"
"Oo nga sisteret! Napakamean nya kay Fafa Dustin pogi."
"Sarap talaga kalbuhin ng babaeng yan eh! Feeling Campus Princess porket sikat."
Rinig kong bulungan ng iba.
"Wala! Tsaka next time wag kang paharang harang! Kakalipat ko palang dito, may asungot na!" Sabi nya tsaka lumakad papalayo.
"H-hoy! Aba't!! BUMALIK KA DITO!!!' Sigaw ko, pero di nya ako nilingon.
Sya pala yung sinasabing lumipat dito. Kala mo kung sino! Bagong salta lang naman dito!! Di manlang ako pinagtanggol ni Kiana! Nakakainisss!
Hinila ko na sya kahit paika-ika ako. Habang seryoso akong naglalakad, nagulat ako nung lumapit sakin si Morris James V. Quintana (yung crush ni Kiana).
"H-hi, Chelsea!" narinig kong sabi ni Morris, pero di ko pinansin. Tuloy padin ako sa paghila kay Kiana. "Chelsea! Wait lang!" sabi ni Morris habang hinahabol ako.
Si Morris ay ang Campus Prince ng SVU, at ako naman ang Campus Princess. Kahit Prince sya at Princess ako--Di ko padin sya nakakausap. Minsan lang kami magkita pagmay meeting lang ang Prince and Princess with teachers. Matalino ako, pati nadin itong si Morris. Tuwing may meeting kami lagi kong nahuhuling nakatingin si Morris sakin. Iniirapan ko lang sya. Nakakailang kaya. Tapos ngayon kinakausap ako nito.
"Kiana mauna kana, kakausapin ko lang 'to." sabi ko, sabay pinandilatan sya kaya umalis na sya.
Pagkaalis ni Kiana--hinila ko si Morris papuntang Garden sa school namin. Walang ibang tao dito bukod samin ni Morris.
"Now Morris, ano bang kailangan mo?!" Inis kong tanong sa kanya.
Nakayuko sya. Matangkad si Morris 5'8 ang height nya. "MORRIS, ANO BA?!" Di kasi sya sumasagot.
"A-ano kasi. I.... I like y-you," sabi nya. Hinintay ko syang magsalita muli. "D-diba lagi mo namang napaansin na tinitignan kita? Mula nung una kitang nakita Chelsea, ginusto na kita. H-hindi ko alam kung paano nangyari--basta ang alam ko lang ay pagnakikita kita, sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko. Ayokong nakikita kang nasasaktan. Pag di kita nakita, di kumpleto ang araw ko. Hanggang na realize kong gusto na pala kita. Dederetsuhin na kita, Chelsea. Tutal nasabi ko na naman sayo ang nararamdaman ko, liligawan na kita. Pinapaalam ko lang sayo, pero di kita tinatanong... Yun lang. Salamat sa oras mo." yun ang huli nyang sinabi bago umalis. Naiwan akong tulala, nabigla ako sa mga sinabi nya.
Pero paano si Kiana?