Seven

5.7K 232 18
                                    

Nagdilim ang kapaligiran ni Avery, dahil sa sobrang pagod at tensyon ay tuluyan na syang nawalan ng malay. Hindi nya alam kung gaano sya katagal na nakahiga at walang alam sa nangyayari sa kapaligiran. Mahinang ungol ang kumawala sa kanyang mga labi na parang tuyong halaman ang kanyang lalamunan, kasabay noon ay ang dahan-dahan pagmulat ng kanyang nangangalumatang mata. Una nyang nasilayan ay ang Ina at Ama na sa pakiwari nya ay parehong nakatulog dahil sa pagbabantay sa kanya.

"M-mom?" Ang mahina nyang tawag na sapat na para marinig ng Ina.

"Anak, how are you? May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba,a-ano ang gusto mo anak?" Sunod-sunod na tanong ng kanyang Ina na ikinagising ng kanyang Ama.

"Sweety." Ang sambit ng kanyang Ama at hinawakan ang kanyang mga kamay.

Parang may mali sa magulang habang mataman nakatingin si Avery sa mga ito. Sumikdo ang kanyang dibdib ng maalala ang nangyari ng nagdaang gabi, at sa kanyang buong pagtataka ay wala ang kanyang asawa sa kwartong kinaroroonan nya.

"Dad,Mom si Blake po,nakabalik na ba sya?"

Nagkatinginan ang mag-asawang Lawton bago bumaling kay Avery.

"He's here in the hospital, Avery." Anang kanyang Ina."

"Then why, he's not here? Is Gabriel fine?"

"Anak, Blake is waiting for you." Ang mahinahon na tugon ng Ina."K-kung kaya mo na sasamahan ka namin ng Dad mo,but anak you have to be strong sa lahat ng bagay, tandaan mo andito lang kaming lahat para sayo."

"Mom ano ka ba,ang weird nyo ni Dad I'm stronger than ever before." Sagot ni Avery pinasisigla ang boses,pilit nyang nilalaban ang kaba at takot na unti-unting namumuhay sa kanyang dibdib. "Tara na Mom."

Hindi napigilan ng Ina ni Avery ang pagtili ng luha,natawag na nya ang lahat ng Santo, para gabayan ang anak na harapin nito ang isang pangyayari magpapabago ng takbo ng buhay nito,habang hawak nya ang kamay ng anak ay naka-alalay din ang kanyang esposo sa kanilang mag-ina. Napuno man ng pagtataka si Avery sa daan kanilang tinatahak patungo sa I.C.U ay binabalewala nya ito.

"Mom,binabantayan ba ni Blake si Gabriel kaya dito ang tungò natin? Ang swerte ko talaga sa asawa ko napakabait."

"Ting!

Tunog ng elevator na bumasag sa katahimikan nilang mag-anak. Agad na lumabas si Avery at diretsong tinunton ang pasilyo patungong I.C.U, doon ay inabutan nya ang byenan tumatangis na halos ikadurog ng kanyang puso,napatakbo si Avery papalapit dito.

" Mom, a-anong nangyari kay Gabriel?"

"Avery, Avery anak, ang anak ko huhu."

"Mom,please tell me what's going on?" Tanong ni Avery na namamalisbis ang mga luha sa magkabilang pisngi." Nasaan si Blake, Mom? "

Lalong humagulgol ang byenan ni Avery sa kanyang tanong. "Ang lupit ng tadhana Avery. S-si Blake, s-sya ang nasa loob ng I.C.U."

Tila bombang sumabog sa pandinig ni Avery ang sinabi nito. Ayaw niyang maniwala kaya naman tinawanan nya ang byenan habang lumuluha.

"You must be kidding Mom, hahaha. Thats not true! Si Blake sinundan lang nya si Gab kasi naaksidente ito." Ang sabi nyang umiiyak na tumatawa.

"Anak,tama na. Puntahan mo si Blake sa loob hinihintay ka nya." Ang sagot ng kanyang Ina at masuyong hinila papasok sa loob ng I.C.U. Tila robot si Avery na sumunod sa Ina, halos mangalog ang kanyang mga tuhod sa takot, kaba at sakit ng ganap na syang makalapit ay ganun na lang sakit na kanyang nararamdaman.

{Completed} Straight From the Heart {Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon