Eight

5.7K 242 9
                                    

"Mom? Anong nangyari?" Tanong ni Avery ng lumapit ang kanyang byenan sa kanya.


Lumuluha itong yumakap sa kanya. "Anak,hindi ko na ata kakayanin pa kung isa ko pang anak ang mawawala. I'd rather to die too. We have to go in the hospital, Gabriel is loosing his heartbeat."


Ng makaalis ang byenan ay walang emosyon makikita sa mukha ni Avery, galit sya kay Gabriel dahil para sa kanya ito ang dahilan kung bakit nawala si Blake. Ayaw nya itong isipin ngunit, nakaramdam siya ng pag-aalala sa mga sinabi ng byenan.

    "Sis, wag naman sanang  pati si Prof.mawala, masyado ng masakit para sa'ting lahat." Sabi ni Jaymie.

   "Dapat sya ang naririto hindi ang asawa ko,Jaymie."

Napamaang si Jaymie sa isinagot ng kaibigan.

    "Are you trying to say that, si Prof ang may kasalanan?"

    "Yes,wala akong ibang dapat sisihin dahil kung hindi dahil sa kanya,buhay pa ang asawa ko,sana masaya kami ngaun,sa-na." Ang humahagulgol na wika ni Avery."

     "Aksidente ang lahat,wag mo sanang isisi sa iba,alam ko ang nararamdaman mo,kagaya mo rin ako,pareho tayong nawalan ng lalaking minamahal dahil sa aksidente pero hindi ko sinisi ang sinuman,tinanggap ko ng paunti-unti hanggang naka-move on ako,ganun ka rin sana Avery." Mahabang paliwanag ni Jaymie sa kaibigan walang patid ang pagluha.

     "Sana kaya ko Jaymie." Ang umiiyak nyang tugon sa kaibigan.

Samantala sa hospital patuloy pa rin ang pag-revive na ginagawa kay Gabriel ilang minuto na nilang isinasalba ito ngunit wala ng response dito. Napasuntok si Brian sa pader ng Hospital ng umiling ang Doctor. Ng akmang tatakluban na ang kumot ng binata ay lumapit si Brian.

    "Nooo! Stop! He is coming back." Buong tatag nyang sabi. Walang nagawa ang mga nurse at Doctor kundi ang iwan ang binata. Na sya naman dating ng magulang ng mga ito. Halos hindi na makahakbang ang kanilang Ina at maging ang kanilang ama ay tuluyan ng humagulgol.

     "Gabriel, anak wag mo naman gawin sa'min ito anak,hindi ko na kakayanin kung dalawa kayong mawawala anak." Ang panaghoy ng ina nila.

    "Kuya bumalik ka please, hihintayin ka namin." Ang umiiyak din na wika ni Brian. "Kuya at kung makikita mo si kuya Blake isama mo na rin sya para mabuo na tayong muli,bumalik na kayo kuya."

    "Gab anak,wag kang sumuko,pero kung nahihirapan ka na,ibinibigay ko sayo ang basbas ko pero anak hinihintay ka namin, pakisabi kay Blake naghihintay kami at si Avery."ang sabi ng kanilang Ama na basang-basa ng luha ang mga mata.

Maging ang ilang nurse na naiwan sa loob ay hindi napagilang umiyak sa tagpong kanilang nakikita.

    " Mam, Sir, excuse we have to bring him to the morgue. Condolence."paalam ng isang nurse.

Lalong lumakas ang hagulgol ng kanilang ina ng unti-unting tanggalin ang mga aparatong nakakabit sa katawan ni Gabriel.

Samantala napalingon si Gabriel sa kanyang paglalakad dahil nakarinig sya ng mga iyakan,At pagbanggit sa kanyang pangalan. Tumakbo sya pabalik sa kanyang pinangalingan upang hanapin saan nanggagaling ang mga iyakan. Hinihingal sya ng marating nya ang punong kinatatayuan nila kanina. At sa tabi nito ay may pintuan.

    "Wala naman nito kanina ah." Puna ni Gabriel at muli ay narinig nya ang iyakan at ang pagsambit sa kanyang pangalan agad nyang tinulak ang pinto at tumambad sa kanyang paningin ang kanyang mga magulang at ang kanilang bunso.

    "Mommy,Dad bunso,bakit kayo naiyak at bakit nyo ako tinatawag andito lang naman ako." Sabi ni Gabriel ngunit tila bingi ang mga ito. Lalong lumakas ang iyak ng kanyang ina ng aalisin na ng nurse ang tube na nakalapit sa bibig ni Gabriel.

{Completed} Straight From the Heart {Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon