Nine

5.8K 245 9
                                    

Gabriel felt that his dying inside,seeing the girl that he love's the most is burden of pain at hatred.

    "If only I can take your pain,gagawin ko para lang makita ka na muling ngumiti at humalakhak."bulong ni Gabriel kay Avery na payapang natutulog sa kanyang kama sa kanyang apartment. Matapos nya ito buhatin kahit hirap na hirap syang ilakad ang kaliwang paa ay ginawa nya,ilang beses syang muntikan ng matumba dahil sa pagkakabuhat dito ay tiniis nya habang nakaagapay ang kanyang driver. Inalis nya ang suot nitong sandals ay pinunasan ang mga binti at braso ng buong pagmamahal.

     "Blake.."ang mahinang ungol ni Avery. Naphinga ng malalim si Gabriel sa narinig,pero wala syang karapatan magreklamo. Marahan syang umalis sa kamang kanyang kinauupuan at kinumutan ito at lumabas ng kwarto matapos patayin ang ilaw.

Nasumpungan nya ang sarili sa balkonahe ng kanyang apartment. Dala ang bote ng isang matapang na uri ng alak at baso, inihiga nya ang sarili sa rocking chair na gawa sa kawayan, ilang ulit syang nagsalin ng alak sa baso at ininom iyon. Kinuha nya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang Ama. Nakailang ring ito bago nito sinagot.

    "Son?"

    "Dad, she is with me."

    "Avery?"

    "Yah. I saw her at the cemetery,we had an argument and then she went to a disco pub and get drunk."

    "Gabriel anak, control yourself ,this is not the right time."

    "I know that Dad, don't worry about my feelings, ipinaalam ko lang sayo in case na hanapin nyo sya."

    "Okey son thank you, ako na bahala magpaliwanag sa parents nya."

     "Okey bye dad, thank you."

Ng matapos nyang makausap ang ama ay ipinikit nya ang mga mata hanggang sa sya ay nakatulog. Samantala naalimpungatan si Avery, nagtataka sya sa kapaligiran dahil tahimik ito ang huli nyang natatandaan ay nasa disco sya, at ng kapain nya ang sarili ay nasa ilalim sya ng makapal na comforter at nasa loob ng air condition na kwarto. Pinakikiramadaman nya ang sarili ngunit normal naman ang lahat. Marahan syang bumangon at hinamig ang sarili habang binabagtas nya ang palabas sa ng kwarto.
Nagpalinga-linga si Avery sa paligid para alamin kung nasaan sya hanggang sa mapadako ang tingin na sya sa isang picture na nasa di kalayuan, agad nya itong nilapitan at ganun na lang ang pagkadismaya ng makilala kung sino.

    "Anong ginagawa ko dito? Don't tell me na sinusundan nya ako?" Nakasimangot nyang wika.

Dahil sa inis na nararamdaman ay ipinasya ni Avery na umalis na lang ng apartment nito agad syang lumapit sa pinto at lalo syang nadismaya ng makitang naka-locked ito at hindi lang basta-basta na lock isa itong combination lock.

     "At nasaan naman kaya ang hudyo na ito,kung sa akala nya ay makukuha nya ang pagpapatawad ko sa ganitong paraan,well nagkakamali sya!"

Ang inis na nararamdaman ni Avery ay parang naibsan ng matanaw nya ang malamlam na liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan natatabingan ng ilang ulap. May pagmamadali syang pumunta sa nakabukas na pinto ng veranda at doon ay dinama nya ang ihip na hangin,muli ay nanumbalik ang alaala ni Blake napapikit si Avery kasabay ng pagbagsak ng mga luha sa kanyang pisngi. Napaurong siya dahil sa emosyon na kanyang nararamdaman at hindi nya napansin ang rocking chair na kinauupuan ni Gabriel dahil sa pagkagulat ni Avery ay napatili sya.

    "Ayyyyy!"

    "What the hell? A-avery?"

    "Don't touch me!" Ang asik ni Avery dito. At mabilis na tumayo mula sa pagkakabagsak sa kandungan ng binata. Ngunit hinapit sya ng binata.

{Completed} Straight From the Heart {Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon